“DALAGA na pala ang anak mo, Liciada. Ikaw naman kasi, kung bakit hindi man lang kayo dumadalaw dito,” sabik na estima sa kanila pinsan ng kanyang ina. “Busy itong bata sa pag-aaral. Pero titigil na siya ngayon. Ikakasal na siya.” Nagulat ang babaeng nagpapatawag na Auntie Milia. Bumaling ito sa kanya. “Hindi ba bata ka pa para mag-asawa? Ilang taon ka na ba?” “Eighteen po,” tipid na sagot niya. Napapalatak si Milia. “Liciada, bakit naman kukunsintihin mo iyang anak mo? Bakit hindi mo muna pagtapusin ng pag-aaral?” Matigas na umiling si Liciada. “Kahit mag-asawa na siya, puwede naman siyang mag-aral pa uli. Milia, sa buhay ngayon, kapag nakakita ka ng lalaking tama para sa anak mo, hindi mo na dapat na palampasin. Baka mamaya matapat lang sa palpak kung mamimili ka pa nang mamimili. K

