“GUSTO ninyo ba mag-uwi ng mga halaman?” Agad naman na umiling si Fabella, si Carmie naman ay sumimangot lang. “Ako sana, Lola, kaso naman kasi, mapapagalitan ako ni Mama.” “Ako ang bahala kay Sandra, mamili ka rito ng gusto mo,” saad naman ni Lola. “Huwag na po talaga. Next time na lang.” Patuloy lang sila sa paglibot sa garden ni Lola niya. Ang daming mga tanim na bulaklak. Colorful. Ang gaganda. Kung sigurong hindi niya nakita ang nangyari kanina ay baka ipinapakita niya kung gaano siya natutuwa sa mga halaman na malalago at animo’y mga kumikintab. Maraming halaman dito ang kaniyang Lola rito. Halos yata ng lahat ay nandito na. Ang pinakapaborito niya talagang halaman dito ay ‘yong mga hyacinth plant. Napapaisip na lamang siya kung ano ang ginagawa ng dalawang ‘yon ngayon. S

