bc

Choose Someone Else (Better Place Series #1)

book_age16+
830
FOLLOW
2.7K
READ
love-triangle
dare to love and hate
student
drama
bxg
city
enimies to lovers
first love
friendship
seductive
like
intro-logo
Blurb

Adam Morris Llagas, a man who is still in love with his first love and childhood lover, captured the heart of Fabella Saira Ruwiz. Adam was her cousin's friend, and he treated her similarly. Is there any chance that Fabella's persistence will persuade Adam to change his mind and choose her?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Tastotel City is one of the cities in the country, and it was different from others. This city's economy is flourishing. Almost all of the wealthy live here. There are also numerous wealthy families in the area, such as the Armalana family, who emigrated from Spain and established themselves there. The Armalanas own their corporation. Same with the Consejo family, who overcame adversity to achieve their current level of success. Everything, including prosperity. The Montinellis was originally from Paris, France. They came to Tastotel City in 1942, when Harry Montinelli met and married Marie Salceda. However, not everyone knows about Marie Salceda at present. Additionally, they have a secret that has not been yet divulged to the public— and they do not have to. In this world, you never honestly know who to believe or who not to believe. The Alejandro family, who emigrated from Spain as well, has their property outside of Tastotel City. They possess a large hacienda. Alejandra Alejandro's son became a doctor and established his hospital in Tastotel City. That family was also well-known for living a luxury lifestyle, which they shared with their children. Meanwhile, outside of the country, there are still people involved in some form of illegal activity or business. They have an organization that has a name. Some of them were living in Tastotel City while the others had left. One of the families who stayed at the Tastotel was the Sandovals'. Additionally, others are just a middle class—neither overly wealthy nor overly impoverished. Fabella Saira Ruwiz, for example. They are not impoverished, yet they can live their lives. They still have a big house even though they don't have a large business like Armalana and Consejo, which have a corporation. Montinelli with a corporation and many beach resorts. Alejandro, which has a vast hacienda and hospital building. Fabella is a student at Tastotel University at the moment. Their family could still pay the tuition at the Tastotel university. The woman is somehow related to one of the Consejos since her cousin is Misael Consejo. Their mothers are sisters. *** NAPASINGHAP si Fabella nang bigla na lamang may kumalabit sa kaniya, sa gulat niya’y nabitawan niya pa ang librong dala-dala niya. Agad niya naman itong pinulot. “Ano ba naman iyan?!” Nilingon niya ang taong nanggulat sa kaniya. To her surprised, nakita niya ang isa sa mga kaibigan niya. Si James, ang isa sa mga basketball varsity player ng school. Siya ang tinatawag na captain ng team. “Hi, Fabella? Kanina ka pa hinahanap ni Misael,” nakangiting sabi ni James kay Fabella. “Bakit ka pumapayag na utos-utusan ni Sael?” nagpapalatak na saad niya kay James Sandoval. Umiling-iling naman sa kaniya ang binata. “Hindi niya naman ako inutusan, ako ang nagpresinta na hanapin ka.” Agad namang napakunot ng noo si Fabella sa narinig niya. Tatanungin niya sana kung bakit ngunit nauna na itong nagsalita sa kaniya. “I’ll just want to discuss something to you.” Nagliwanag naman kaagad ang mukha ni Fabella sa sinabing ito ni James. Naging interesado siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Ano namang idi-discuss mo? Sana naman hindi about sa math dahil quota na ako,” pabiro na sabi ni Fabella. Business student ang kaniyang kaibigan. Alam niya rin na magaling din talaga si James pagdating sa math kaya naman inunahan na siya ni Fabella na ayaw niya ng ganoong topic lalo na’t tapos naman na ang kaniyang klase. Si Fabella ay kasalukuyang nag-aaral ngayon ng kolehiyo. She took fashion designing course. Natawa naman si James sa kaniya. “Hindi naman ako prof mo kaya don’t worry.” “So ano nga?” They started walking. Papunta sila sa gymnasium kung saan naroon ang kaniyang pinsan na si Misael Consejo. Kakatapos lang ng last class ni Fabella at balak niya na sanang umuwi ngunit bigla-bigla na lang nanggugulat itong si James sa kaniya at sinabing hinahanap daw ito ng kaniyang pinsan. Bakit kaya? But it’s more crucial to know what James wants to talk about with her. “Alam mo na ba ang rason kung bakit nawala si Keith ng ilang lingo no’ng nakaraang buwan?” Natigilan si Fabella sa sinambit ni James sa kaniya. She didn’t expect it. Bakit naman napunta kay Keith Armalana ang usapan? Isa rin si Keith sa mga kaibigan niya’t kasali rin sa varsity ng school. “Hindi pa,” sabi ni Fabella. “Importante ba ang reason niya? Dapat inilapit niya na iyon kay Coach Fajardo para mabawasan ang init ng ulo niya. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo ni Coach kay Keith kasi bigla-bigla na lang siyang nawawala nang hindi man lang nagpapaalam. Kahit na si Kate ay hindi niya alam kung saan nagsusu-suot si Keith.” Ang tinutukoy ni Fabella na Kate ay ang nakababatang kapatid Keith na isa rin sa mga kaibigan niya’t kasali rin sa team. Napatikhim naman si James. “Iyon na nga ‘yong sinasabi ko. Wala siyang ibang pinagsabihan sa nangyari maliban sa akin.” “Ano ba ang nangyari?” tanong ni Fabella rito. “Nabuntis niya si Mikai,” diretsong sagot ni James kay Fabella. Literal na napanganga ang dalaga sa sinabi nito. Natigil pa sila sa paglalakad at nakangangang lumingon kay James upang magkaharap silang dalawa. Hindi na siya magtataka kung nakabuntis si Keith ngunit gulat na gulat siya. Paanong nabuntis? Ang ibig niyang sabihin ay bakit nabuntis? How? Why? Hindi niya alam! Imposible naman na wala silang proteksyon? Anong nangyari? Mikai Serratore ang kapatid ni Nikolai. Kilala si Mikai dahil sa kagandahan nito at masyadong talentado. Magaling itong sumayaw kung kaya’t kasali ito sa cheerdance. Marunong din kumanta ang babae kaya grabe ang gulat ni Fabella sa sinabing iyon ni James. Kilala rin si Mikai dahil sa kaniyang pagiging magandang modelo. Paano na ang image niya kung totoo talagang buntis si Mikai? Hindi niya rin naman ito nabalitaan na may anak o nabuntis. Mikai is popular in their campus. How come? Marami pa rin ang matang nakatingin sa kaniya. Paanong hindi kumalat na buntis ito? Na may anak? Bigla rin naaalala ni Fabella ang pagkawala nga ni Mikai years ago… Iyon ba ang dahilan kaya nawala ito? Kaya nag-drop ito sa university? Pero nahirapan siyang paniwalaan ito. “What?! Hindi ako naniniwala!” sabi niya kay James. “It’s up to you kung maniniwala ka,” he said. Nagpatuloy na sila sa paglalakad. “But that was the truth, ayon ang naging dahilan. Last three years niya pa nabuntis.” Napanganga lang lalo si Fabella. Nag-kuwento pa rin si James sa nangyari. Nalinawan naman siya. She made a mental note to talk to Keith later or tomorrow. Nang makarating sila sa gymnasium ay naabutan nila ang pinsan niyang si Sael. Nandoon din ang buong grupo. Ito ay sina; Xander, Kate, Achill, Misael at… Adam. Palihim na napangiti si Fabella. Isang taon na siguro siyang may pagtingin kay Adam Llagas. Nandoon din pala si Keith na nakahiwalay sa kanila, tahimik lang ito sa isang gilid. Gusto niya na sanang lapitan para kausapin ngunit kay Sael na muna siya lumapit. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nito hinahanap. “Bakit?” tanong niya kay Sael ngunit imbes na ang pinsan niya ang sumagot ay ang isa sa mga kaibigan niya na si Achill. “You used to come here directly after your class. Nasanay lang kami, lalo na si Adam.” Tumingin pa si Achill kay Adam at saka ngumisi. Nagtaka siya lalo nang tuksuhin na nilang lahat si Adam. “Anong nangyayari, ha? Nabato ba kayo ng bola sa ulo? Kaya mukha kayong mga sira-ulo?” Umirap pa si Fabella sa kanila. Nagkatawanan naman ang magbabarkada. “May gusto kasi siya sa iyo. Ayaw niya lang aminin!” sabi naman ni Kate. Isa rin ito sa hinahangaan niya ngunit mas hinahangaan niya ng husto si Adam. “Wala nga akong gusto kay Fab!” depensa naman ni Adam at napatayo pa. Halata sa mukha niya ang pagkapikon. “Aminin mo na lang kasi,” natatawa namang sabi ni Kate. Hindi naman maiwasan ni Fabella na hindi kumabog ang dibdib at makaramdam ng kaba. Hindi niya rin inaasahan na sasabihin ng mga kaibigan niya sa kaniya na MAY GUSTO SA KANIYA SI ADAM? The hell?! Sana nga totoo sapagkat may gusto rin naman talaga siya kay Adam, matagal na. “Wala nga akong gusto sa kaniya!” “’Wag ka mag-alala, Adam. Hindi naman kita gusto para sa pinsan ko,” sabi ni Sael. Si Misael Consejo ay ang kaniyang protective na pinsan, madalas protektahan ni Sael ang mga pinsan niya, kasama siya, si Carmie, Clare at Cassie. Dati dalawa silang nagbabantay sa kanila ngunit namatay na ang kakambal ni Fabella na si Fabello. Iba naman ang paraan niyon ng pagbabantay sa kanila. Dahil nga puro sila babae ay bantay-sarado talaga sila, halos lahat na magiging kasintahan nila ay dapat na dumaan muna kay Sael. “Ewan ko sa inyo!” sabi na lang ni Fabella. “Umayos nga kayo kung ano-ano na naman ang pinagsasabi niyo,” she added. Siya naman ang kinutyaw ng mga ito, “Kunwari ka pa, halata naman na may gusto ka rin sa kaniya," saad ni James at natawa. Sinamaan niya ito ng tingin, at dahil malapit siya kay James ay siniko niya pa ito. Normal na sa magbabarkada ang magbiruan ng ganito. Palagi na lang, araw-araw. Mga abnormal! Akala mo hindi anak-mayaman! Lihim na namn siyang napangiti. Kung tutuusin ay mga spoiled na mga binate ang mga ito. Panay English at mga aloof. Pero nang mabuo silang magba-barkada? She swears! Malaki ang pinagbago nilang lahat… na alam niya na madadala nila ang mga personalidad na ito sa kanilang pagtanda. Lalo na ‘tong si Xander… dumating siya sa Tastotel. Napakatahimik at sobrang tapang. Ayaw niya nang kinakausap siya. Pero no’ng isang beses na nagkasama-sama sila sa basketball team. Nakakita siya ng pagbabago. Hindi naman halata na siya ang nag-impluwensiya ng mga iyon. "Ano ba?! Hindi, ah! Mga imbento kayo?!" inis na sabi ni Fabella. Naiinis, pero tama sila. Nagkukunwari lamang siya. "Fabella's right, imbento kayo." Awtomatikong napatingin si Fabella ng diretso kay Adam nang sumang-ayon ito sa kaniya. Doon niya rin napansin na nakatitig na rin ito sa kaniya. May bagay na pumasok sa kaniyang isipan while she's looking directly at his eyes. Hindi niya lang talaga napigilan ang sarili niya na mapatitig dito. "Isa ka pa, kunwari ka rin. Bakit hindi niyo na lang kasi aminin?" Bumalik lang siya sa riyalidad nang magsalita ulit si James. Pati rin ba si James ay makikisali? Okay lang. Nakaramdam siya ng kilig. Hindi niya lamang pinahalata. Nag-iwas s'ya ng tingin kay Adam. Ganoon din si Adam sa kaniya. "Eh wala ngang aaminin?!" inis na sabi ni Adam. Hindi naman naiwasan ni Fabella na mapahawak sa kaniyang noo. "Umayos nga kayo, alam niyo, ang nonsense niyo! Uuwi na nga ako, dapat kanina pa ako naka-uwi!" pagmamaktol niya pa. "Sabay ka na sa amin," sabi naman ni Sael. "Ayaw ko nga." "Dala ko iyong van namin. Tsaka naghihintay si Tita Stella sa bahay, hindi ka ba niya sinabihan na sa bahay ka dumiretso?" Si Stella Serrano-Ruwiz ay ang nanay ni Fabella. Mabait ito at maalagain na ina sa kanilang dalawang magkapatid… Noon… Three years ago, nawala sa kanila ang nag-iisang kapatid ni Fabella. Ang kaniyang kambal, ang unico hijo ni Stella. Namatay ito dahil sa isang malubhang sakit noong sila'y labing-amin na taong gulang sila. "Hindi," sagot naman ni Fabella. Bigla niyang naalala na in-off niya nga pala ang kaniyang telepono dahil panay ang tawag sa kaniya ng kaniyang kaibigang babae na si Richsza. "Hindi ko alam," dugtong niya pa. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Misael. "I-check mo kasi cellphone mo, hintayin mo na kami, isang practice na lang," sabi pa ni Misael. Nakita naman ni Fabella na kinuha ng mga ito ang atensyon ni Keith na tahimik lamang. "Isa pa, last na," sabi nila sa kaniya. Nag-aalangan namang tumayo si Keith. "Kanina pa 'yang last na 'yan," rinig niyang sabi ni Keith. Napailing-iling siya. Kailangan niya itong maka-usap tungkol sa problema niya. Halata naman na problemado ito base sa kaniyang itsura. Napatingin naman siya kay James nang tapikin nito ang balikat ni Fabella. "Talk to him later. Kailangan niya nang taong makaka-intindi sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin, wala naman akong alam diyan." Tumango-tango naman si Fabella. Na-upo siya sa isang gilid habang pinapanood sila na nagpa-practice ng basketball. Naalala niya pala na malapit na ang competition nila at balita niya'y makakalaban nila ang mga hambog na 'yon. Naiinis talaga siya sa grupong 'yon dahil bukod sa ininsulto siya ng mga ito noong nakaraang laban ay talaga namang nakaka-inis talaga ang pagmumukha ng mga ito. Minamaliit nila pa ang basketball team ng kaniyang paaralan. Naalala niya last year na nakipag-away pa siya sa nobya ng isa sa mga kasali sa team dahil sa pan-i-insulto nito sa kaniya. Hindi niya na napigilan ang sarili niya talaga no'ng mga panahong iyon. Madalas si Fabella na tawaging 'one of the boys' sapagkat ito naman talaga ang description sa kaniya. May kaibigan din naman siyang babae at ito ay si Richsza ngunit mas marami pa rin talaga ang mga kaibigan niyang lalaki. Sila James iyon. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin sa mag-ensayo ang mga kaibigan niya. Nagpaalam lang ito na magbibihis lamang sila pagkatapos ay uuwi na rin. Tumango lang si Fabella. Mamayang gabi ay gusto niyang maka-usap si Keith. Nang silang dalawa lang. Napatingin siya sa labas ng wash room nang makita niyang nauna nang lumabas si Adam. Wala sa sariling napangisi siya. Matagal na talaga siyang may gusto rito at kung hindi titigil ang mga kaibigan niya sa sinasabi na may gusto rin sa kaniya si Adam ay tiyak na maniniwala na siya. Napatingin sa kaniya si Adam nang mapansin nito na nakatitig siya sa kaniya. Hindi naman nag-iwas ng tingin si Fabella. Nakangisi lang siya sa kaniya kaya napakunot ang noo ni Adam, halatang nagtataka, naguguluhan. Sana lang talaga totoo ang sinasabi ng kaniyang mga kaibigan na may gusto talaga sa kaniya si Adam. Matutuwa siya...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook