CHAPTER 2

1633 Words
WHEN he came home, he went straight to his bed. Nakakapagod ang araw na ito para sa kaniya. Bukod sa mag-hapon ang kanilang page-ensayo ay natambakan din siya ng mga gawain sa kaniyang pag-aaral. He took a civil engineering course. Bata pa lamang siya ay gusto niya talagang maging engineer katulad ng kaniyang ama na namatay.  Bata pa lamang siya ay naulila na siya at ang nag-iisa niyang kapatid. Namatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang malalang aksidente.  Ang kasama niya na lang sa buhay ngayon ay ang kaniyang Lola at saka ang nag-iisa niyang kapatid. Si Jaries, ang bunso niyang kapatid. Anim na taon lang ang tanda niya rito.  Kakatapos lang ng kapatid niya sa elementarya. Nasa highschool na ito ngayon. Bumukas ang pinto ng kaniyang silid. "Adam Morris," tawag sa kaniyang buong pangalan. Napabaling naman siya roon at nakita niya ang kaniyang Lola. Siya lang naman ang tumatawag sa kaniya sa buo niyang unang pangalan. His full name with his surname was Adam Morris Llagas.  "Yes po, 'La?" Bumangon siya sa pagkakahiga at humarap sa kaniyang Lola na nakasilip lang sa kaniyang silid.  "Bumaba ka na, maghahapunan na," saad ng kaniyang Lola. Napatango-tango naman siya.  "Susunod po ako," sabi nito.  Bago pa man siya makalabas sa kaniyang kuwarto ay chi-neck niya na muna ang cellphone niya. Sa dinami-rami ng nagme-message sa kaniya ay ilan lang sa kanila ang pinapansin niya, hindi niya na nire-reply-an ang iba lalo na kung hindi niya naman ito kakilalang lubos. Wala naman talaga siyang balak.  Ang kaniyang mga kaibigan at lubos na kakilala ang kaniyang binibigyan ng pansin.  Halos lahat kasi sa mga nagme-mensahe sa kaniya ay mga babaeng may gusto lang sa kaniya. Hindi niya naman ito pinapansin. Isa lang naman ang babae sa kaniyang puso.  Hinihintay niya lamang itong bumalik ulit sa kaniya. Siya si Viatrix, ang babaeng kaniyang unang minahal. Mahal nila ang isa't isa ngunit kailangan nilang maghiwalay.  Nag-aral sa ibang bansa si Via at nakipaghiwalay sa kaniya. Ilang taon na rin ang lumilipas at kahit ilang taon pa ang lumipas, maghihintay siya hanggang sa makabalik ito.  May mensahe siya mula kay Kate, sinasabi lamang nito na kailangan na nilang maghanda sa paparating na basketball tournament.  Umiling na lang siya, i-o-off niya na sana ang screen ng cellphone niya nang biglang may pumasok na mensahe. Agad na napataas ang kaliwang kilay niya nang makita kung kanino ito nanggaling… Kay Fabella.  Mabait at matulungin ang pagkakakilala niya kay Fabella ngunit kadalasan ay napaka-maldita at madalas mapa-away. Kaibigan na rin ang turing niya rito. Marami na rin itong na-itulong sa kanila. Maraming records nga lang ang babaeng ito sa school. Kung hindi siya nagkakamali ay mas marami raw ang records ni Fabella no'ng highschool. May partner in crime pa raw ito. Si Carmie Alonzo, ang pinsan ni Fabella at Misael.  Si Carmie ay ang babaeng nagligtas sa isang babae nitong nakaraan lang sa school. Si Carmie rin ang babaeng inaasar ng kaibigan niyang si Achilliance at ang babaeng gustong makita ni Kate. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtatagpo ang dalawa sapagkat hindi nila hinahayaan ni Achill at Misael na makakuha ng impormasyon si Kate.  Natawa siya nang maalala 'yon. Kasali rin kasi siya sa gumagawa ng paraan upang hindi magkita si Carmie at Kate.  Binuksan niya ang mensahe na nanggaling sa kaibigan niyang si Fabella. Nagtataka siya dahil hindi naman ito madalas nagpapadala ng mensahe sa kaniya. Kung mag-uusap man silang dalawa ay sa personal na.  'Adammmm!'  Ayan ang eksaktong nakapaloob sa mensahe mula kay Fabella. Nagtaka talaga siya. Hindi niya na lang ito pinansin at saka itinabi ang cellphone. Tuluyan na siyang lumabas ng silid niya.  Tinutukso siya ng mga kaibigan niya na may gusto raw siya kay Fabella na wala namang katotohahanan, tsk, tsk, kasalanan talaga ito ng kaibigan niyang si Xander.  Siya talaga ang nag-imbento niyon. Hindi niya alam kung ano ang naisip ng mga kaibigan niya't pinapareha siya nito kay Fab. "ANO ba ang dapat kong gawin?" Keith said to her. Hindi niya naman maiwasang mapapikit.  "Alam mo kung tutuusin kasalanan mo 'yan, eh! Bakit ba kasi hindi ka gumamit ng proteksyon?!" sabi ni Fabella sa kaniya.  "Ang totoo niyan ay hindi ko naman talaga inaasahan. Birthday ni Nikolai noon, uminom kami. Wala ako sa sarili ko," sabi pa nito. Napakunot naman ang kaniyang noo. Close pala si Keith at Nikolai? Napaisip naman si Fabella."Naalala mo pa ba talaga na may nangyari sa inyo? Baka kasi hindi naman totoo 'yan. Baka ginagawa ka lang ul*l ni Mikai."  Tumango-tango naman si Keith. "Oo, naalala ko pa. Wala ako sa sarili ko pero alam ko na siya 'yon. At saka nagpa-DNA test ang nanay niya, positive. Anak ko 'yon."  "Good. May ebidensya ka naman pala, pero siguraduhin mo. I think, dapat sabihin mo 'to sa parents mo."  "No way!" agad na sagot ni Keith. "My Dad will disown me!"  Fabella made a 'tsk' sound. Ang OA! “Nasa sa iyo pa rin ang desisyon niyan. Basta, ang greatest advice ko sa iyo ay sabihin mo 'to sa mga magulang mo.”  Hindi naman sumagot si Keith. Natahimik sila. Tumingala si Fabella sa kalangitan kung saan marami nang bituin.  Nandito sila sa bench sa tapat ng bahay nila Fabella. Pagka-uwi nila kanina ay inabisuhan na ni Fabella si Keith na mag-uusap sila. Kaya si Keith na mismo ang nagtungo sa bahay ni Fabella kinagabihan.  "Gusto ko lang naman makita ang anak ko," biglang bulong ni Keith. Tumingin sa kaniya si Fabella pagkatapos ay tinapik ang kaibigan sa balikat.  "Talk to Mikai, gumawa kayo ng agreement, or talk to her mother. Pero need mo pa rin talagang kausapin ang Mama mo, kahit ang Mama mo na lang," sabi naman ni Fab sa kaniya.  Napailing-iling si Keith. "Natatakot kasi ako, baka lumala lang ang sitwasyon."  "Alam na ba ito ng kapatid mo?"  She's talking about Kate Blake, Keith Louisse's brother. "Hindi pa," sagot nito. "Gusto ko lang naman siyang makita. Three years old na siya ngayon. Kaya pala…"  "Kaya pala, ano?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Fabella.  "Kaya pala siya nawala before, right? Ang sabi ay may emergency kaya ilang buwan din siyang hindi pumasok sa school. Buntis na pala siya!" Nagtaas ng boses si Keith. "At ang ikinasasama ng loob ko ay hindi niya man lang ako in-inform na nabuntis ko pala siya?!"  "'Wag ka nga sumigaw," bawal sa kaniya ni Fabella. “Pero, ano ba talaga ang totoo?” tanong ni Fabella sa kaniya. Hindi niya naman sinasabi na hindi nagsasabi ng totoo itong si Keith. Gusto niya lang itong hulihin. Pakiramdam niya ay may dapat pa siyang malaman. He sighed. “Fine. This is the full details,” panimula nito sa kaniya. “We are FUBU’s.” The corner of Fabella’s mouth quirks. Knew it. “Ang nangyari sa inyo ni Mikai sa birthday ng kapatid niya ay hindi ang una?” she asked. Tumango naman kaagad si Keith. Hindi nga malabong mabuntis niya ito! FUBU means f*****g Buddies. “Yes. This is actually my fault…” “Talaga. Buti alam mo,” sagot naman ni Fabella. “Ginusto niyo pareho ‘yan. Kaya panindigan niyo ‘yan.” “Pero ayaw niyang ipakilala o ipakita man lang ang anak ko sa akin, paano ko ito mapapanindigan?” Napailing-iling na lang din si Fabella. Napaisip na naman siya. “There has to be a reason why she won’t let you see her kid.” “Meron,” sabi niya. “Bago siya umalis. Nag-away kami. I told her some things. Siguro isa rin iyon sa rason. I pushed her away and weeks or months later ay nawala na siya.”  Fabella purses her lips. Kaya naman pala. "Magiging okay lang din ang lahat. Be brave."  Bigla naman natigilan si Fabella nang may biglang pumasok sa utak niya. Kung anak nga ni Keith ang bata, may karapatan pa rin talaga siya na makita ito.  "I don't know how…"  Tumingin ng diretso si Fabella kay Keith. "Ano namang sinabi ni Mikai sa'yo? Wait, nag-usap ba kayo?" she asks.  "Hindi kami nag-usap nang matagal. Nakita ko lang siya last two months na may karga-kargang bata sa mall. Tinanong ko siya kung kaninong anak 'yon but she just rolled her eyes on me. Nagtaka ako, dahil pamilyar sa akin ang bata."  Napakunot ang noo ni Fabella.  "Bakit naging pamilyar?" "Xerox copy niya ang Daddy ko," sabi nito. "Parang siya 'yong nasa baby picture ni Dad."  "Marami ngang ebidensya. Anak mo nga talaga," sabi pa ni Fabella habang natatawa. "Anak ko nga. Sinubukan kong kausapin si Mikai nitong nakaraan ngunit panay iwas siya. Hindi rin ako hinahayaan na makalapit sa kanila."  "Ang unfair naman siguro no'n…" "Gusto ko lang makita, mahawakan ang anak ko," sabi ni Keith. Tinapik ulit ni Fabella ang balikat ni Keith.  "I'll try to help, Keith."  'Ang landi mo kasi', gusto ni Fabella na idagdag 'yon ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili.  "Thank you," nakangiting sabi naman ni Keith.  "May kakilala akong magaling na attorney, baka makatulong," dagdag pa ni Fabella. Dahan-dahan namang nanlaki ang mga mata ni Keith.  "Seryoso?!"  Fabella made a face. "Mukha ba akong nagbibiro? Ayaw mo? Edi 'wag!"  Hinawakan naman ni Keith ang mga kamay ni Fabella.  "Gusto ko! Gusto ko! Thank you so much!" sabi pa ng kaniyang kaibigan. Natatawa namang tumango si Fabella sa kaniya.  "Kahit sa totoo naman ay kaya mo 'tong mag-isa. Kaya mong kumuha ng mas magaling pang abogado, mas mayaman ka sa akin, hello?" Fabella rolled her eyes.  Napakamot naman sa ulo si Keith. "Mate-trace kasi ni Dad kapag ako mismo ang gumawa. Kaya ingat na ingat ako. Gusto ko munang i-sekreto ito. Malapit naman na akong gum-raduate sa business administration."  Napaismid naman si Fabella. "Kung makaka-graduate ka…"  Nagkatawanan pa ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD