“I TOLD you, Ma, mag-enjoy ka lang diyan. Okay lang ako rito.” Tumawag ang kaniyang ina sa kaniya haban nags-sketch siya. Masaya naman talaga siya’t nagkakaroon ‘to ng magandang pahinga sa ibang bansa. “Anong ginagawa mo ngayon, Fabella? Wala ka ba sa school, ano?” “Wala pa po kaming class ngayon. Bukas pa po,” sagot naman ng dalaga. Nagkuwentuhan lang angmag-ina hanggang sa nagpaalam na sila sa isa’t isa. Bago pumatak ang alas-tres ng hapon ay narinig niya naman ang pagbukas ng pinto ng silid na ‘to. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya ang pinsan niyang si Misael na namumungay ang mga mata. Malamang ay kakauwi lang nito ngayon. “Ano, naubos niyo ba ‘yong mga wine?” natatawa niyang tanong. “Mabuti naman at naka-uwi ka ng ligtas.” “Wala ka talagang tiwala ‘no?” “Wala pero

