“READY na ba lahat ng gamit mo?” Stella asked her. Agad naman tumango si Fabella sa ina. Nakaayos na talaga ang kaniyang mga gamit— dino-double check niya lang talaga ang mga ‘to. “Hinihintay ka na nila Misael sa baba— mag-iingat ka,” paala ng kaniyang ina sa kaniya. Tumango lang muli si Fabella. “Yes, Mama, huwag ka mag-alala, uuwi pa rin naman po ako ng buhay,” sagot ni Fabella at marahan pang natawa. Pinagpatuloy niya na ang pag-ayos. Ilang minuto lamang ang lumipas ay lumabas na rin siya ng kanilang bahay. Naghihintay lang din pala ang mga kaibigan niya. Siya na lang pala ang hinihintay. Tinulungan siya nitong dalhin ang maleta niya— nandoon lahat ng gamit niya. Kahit pa sabihin niyang three-day vacation lang ay doon pa rin naman sila matutulog ng dalawang gabi kaya naman mas m

