Napansin ni Cindy na hindi pa rin siya tinitingnan ni Taylor hanggang sa makarating sila sa lokasyon ng kanilang misyon. Isa pa, tahimik din ito at hindi ito kumikibo kanina pa.
Edrian and Bryant were scouting on the west side of the area. Silang dalawa naman ni Taylor ay papunta sa silangang bahagi ng gubat. At ang tanging maririnig lamang sa pagitan nila ay ang mga huni ng ibon at tunog ng mga insekto. Ni wala ngang tunog galing sa lalaking nasa likuran niya at nakasunod lamang ito sa kanya.
Tumigil muna siya sa paglalakad at humugot ng malalim na hininga, saka hinarap niya si Taylor na kanina pa talaga tahimik. "Mag salita ka naman diyan."
Maliwanag ang buwan sa gabing iyon kaya kitang-kita niya ang mukha ng lalaki, subalit hindi pa rin niya mabasa ang ekpresyon sa mukha nito. Gaya na lang ni Bryant, diyan magaling si Taylor ang magtago sa tunay na nararamdaman nito.
"Ano ba, Taylor. Sabihin mo sakin kung masaya ka ba? O kaya nagulat? Kausapin mo naman ako!" Matagal na silang magkaibigan ni Taylor, kaya hindi niya matatanggap na bigla na lang itong nagpakita ng cold treatment sa kanya. Ni hindi nga siya nito matingnan eh.
Dahil ba buhay si Slater kaya ito nagka ganon? Nakokonsensiya ba ito sa nangyari sa kanila?
"Isang pagkakamali 'yong nangyari satin." Sabi nito sa kanya.
Laglag ang balikat niya sa narinig mula rito. "Dahil ba kay Slater?" mahinang saad niya at napahakbang siya papalapit dito. "Baka naman nagkakamali lang si Bryant at--"
"Isang pagkakamali 'yon, Cindy. Hindi mo ba naiintindihan?"
Her body trembled, but she kept her chin up. She kept her eyes on him only because she wouldn't break there, not in the jungle. Not in front of him. "Iyan ba talaga ang totoong nararamdaman mo?"
Dahil kung siya ang tatanungin, hindi ganon ang nararamdaman niya. Para sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Taylor ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Something that felt so amazing. Kaya hindi siya naniniwala na isang pagkakamali 'yon.
"Pasensya na, hindi na iyon mauulit pa. Hindi na rin tayo pwedeng magkasama pa."
Mas masakit pa yata ang tama ng bala kaysa sinabi nito. Mas lalo lang tuloy siyang nasasaktan sa ipinamukha nito sa kanya. "Hindi pa tayo sigurado, Taylor, kung si Slater nga ba ang taong iyon." Namamagaw ang boses na saad niya. Pero totoo 'yon, hindi pa naman sila sigurado. At kung si Slater man iyon, wala rin namang magbabago dahil tuluyan na siyang naka-moved on dito.
"At pano kung siya nga 'yon?" ngayon, si Taylor naman ang humakbang papalapit sa kanya. "Iniwan ko siya. Dahil akala ko patay na siya. At kung buhay nga siya, for all this time, hindi natin alam kung anong impyernong nararanasan niya sa mga kamay ng bandido."
She didn't want to think too much about that. Hindi sa mga sandaling iyon.
"Ako ang nakakatandang kapatid niya. I was supposed to keep him safe." Disgust tightened his mouth. "Hindi 'yong pagtaksilan siya."
Pinpricks of heat shot across her checks. "Bakit ginawa mo ba 'yon? Because I thought we'd been making love."
Siguro 'yon ang pagkakamali niya, ang maniwala sa maling akala.
"Kailangan na nating matapos itong scouting natin para ma secure na natin ang area. Sa ngayon, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan 'yan."
Right. Of course. Pero may ibang oras pa kaya na pag-usapan nila 'yan? "Mas mabuti ngang magpatuloy na tayo." Aniya saka niya ito tinalikuran.
The jungle was eerily silent around them, and clouds were starting to drift across the surface of the moon, making the shadows even darker.
Mabilis na binunot ni Cindy ang kanyang baril at alam niyang ganon din ang ginagawa ni Taylor. She stepped forward, her body tensing now. Mukhang may biglang kakaiba sa gubat.
Kung noon sila ni Taylor ang nagmamanman sa gubat dati, pero sa mga oras na 'yon mukhang sila naman ang minamanmanan.
The rebel camp should have been about a mile away. No one should be in their immediate area. Kaya tuloy mas lalo siyang pinagpawisan dahil sa tensyon.
Hanggang sa may narinig siya na tila pagkabali ng sanga. Twenty feet to the left. She swung around with her gun.
Narinig ulit niya ang pagkabali ng sanga. At 'yong tunog na iyon ay nanggaling naman sa kanan. Thirty feet to the right.
Mukhang hindi magandang senyales 'to.
Nararamdaman kasi niya ang panganib kahit hindi niya ito nakikita. Isang salita naman ang bumulong sa isipan niya - napapaligiran sila.
Napahinga siya ng malalim. She reached up with her left hand and tapped the communicator near her ear. "Alpha Boss..." Her words were a whisper as she signaled Bryant. "May movement dito sa perimeter namin. Merong--"
Narinig niya ang mabilisang mga yabag malapit lang sa kinaroroonan nila. She took aim, ready to shoot, but then she saw the hostage.
Isang lalaki na itinutulak sa gubat, habang may nakatakip na kulay brown na sako sa ulo nito. Nakatali rin pati ang mga kamay nito paharap. Tapos habang naglalakad ito ay may nakatutok na baril sa ulo nito. Iyong isang mama naman na nasa gilid ng bihag ay ang may hawak ng flashlight at karatula.
"Ibaba niyo ang mga armas niyo!" Sigaw no'ng lalaki na nakatutok sa bihag ng baril.
Inasinta naman niya ito. "Ang mga baril ninyo ang ibaba." Balik niyang angil rito.
Alam niyang may mga back up pa ang dalawang lalaki. Hanggang sa may lumitaw nga na isa pang lalaki mula sa kakahoyan. Gaya niya, hindi rin nagpapaputok si Taylor dahil alam niya na manganganib ang bihag pag gagawin nila iyon. An innocent getting injured in a firefight wasn't on the agenda.
Tumunog naman ang handheld radio mula sa likuran niya. Iyong isang bandido pala ay tumawag ng karagdagang back up. At kung wala silang gagawin ni Taylor, alam niyang mauulit 'yong nabigo nilang misyon noon.
Hindi ako dapat nagpa distract. Kasalanan ko 'to. Nagpatuloy na lang sana ako sa paglalakad para hanapin 'yong kampo ng mga bandido. Masyado kasi akong nagpapadala kay Taylor.
Ngayon pareho na tuloy silang nanganganib.
Napatawa naman ng halakhak ang bandidong may hawak ng flashlight at karatula.
Babarilin talaga kita, gago ka!
"Parang-awa niyo na." Pakiusap pa ng bihag "Tulungan niyo ako."
"Gagawin namin 'yan." Pangako niya rito habang hindi pa rin niya binibitawan ang hawak na baril.
Subalit...
Nakita na lang niya na inihulog ni Taylor ang baril nito. Saka napaangat ito sa dalawang kamay nito. Ano bang ginagawa nito? Ang sumuko sa mga kalaban ay kailanman hindi naging opsyon nila.
"Cindy?" boses iyon ni Edrian na pumantig sa tenga niya. Kung naririnig nga niya ang kasamahan mula sa kabilang linya, sigurado siyang naririnig din ito ni Taylor. Magkapareho kasi ang linya ng comm link nila. "Pupuntahan namin kayo diyan."
Pero gaano katagal? Sana mabilis lang.
Pumunta naman si Taylor sa harapan niya, at iniharang ang katawan nito sa kanya.
Hindi alam ni Cindy kung pinoprotektahan ba siya nito o hinarangan lang siya nito para hindi siya makapagpaputok. Pero kahit ano man 'yon, pareho pa rin naman ang resulta.
"Walang magpapaputok!" Sigaw ni Taylor sa mga bandido. With the transmitter so close to his mouth, Edrian would hear every word and understand exactly what was happening to them. "Pwede kaming tatlo ang gagawin niyong bihag sa halip na isa lang."
Ano? Nahihibang na ba ito?
Ngunit nararamdaman na lang niya ang malamig na bakal na nakatutok sa leeg niya.
It looked as though it was their only plan, for the moment.
Kaya kusa na lamang ibinaba ni Cindy ang hawak na baril, saka itinaas ang dalawang kamay niya.
Magmadali kayo Edrian, please, piping usal niya. Dahil hindi niya alam kung ano pa ang susunod na mangyayari.
*****