Chapter 6

1836 Words
The rap sounded on their door an hour later. Taylor glanced up to see Cindy coming out of the shower. Her hair was still wet, and her clothes clung tightly to her body. "Baka si Edrian o si Bryant 'yang kumakatok diyan sa labas." Anito at napalingon ito sa pintuan. Kung si Bryant nga ito, baka maghinala pa ito na may milagro ngang nagaganap sa pagitan nilang dalawa ni Cindy. Even though they'd tried to fix the wrecked bed, Taylor knew that the minute Bryant looked into his eyes, he would know. Kilalang-kilala siya ni Bryant at alam niyang madali lang siyang mabasa ng kaibigan sa ikinikilos pa lang niya. Bryant also knew well enough not to say a damn word that would make Cindy feel uncomfortable. Tumayo na si Taylor para pagbuksan ang pinto. He checked through the peephole and saw Bryant staring straight ahead. Matapos niyang pagbuksan ang pinto, umatras naman siya ng konti upang mabigyang daan na makapasok si Bryant. Pumasok na si Bryant sa suite nila, hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang siyang na tense. Kunot ang noong isinara na lamang niya ang pinto. "Did you get a visual?" Cindy asked as she approached him. Napatango rito si Bryant. Hanggang sa napansin ni Taylor na pinasadahan nito ng tingin si Cindy at saka inilipat nito ang paningin sa kama, at balik itong napatingin sa kanya. Mukhang may something talaga ang mga tingin nito sa kanila ni Cindy. Huh! Si Bryant pa. "Is Edrian coming in for the update?" Cindy glanced toward the door. "I'm sure kailangan niyang marinig ang--" "Kailangan ko munang makausap kayong dalawa." Walang emosyong saad ni Bryant sa kanila. Mukhang hindi yata gusto ni Taylor ang patutungohan sa pag-uusap nila. "Si sir Marcio...siya talaga ang nag-utos satin na gawin ang misyong ito. He asked specifically for our team to handle the mission." "Tayo siguro ang pinakamagaling na team para sa kanya." Nakangiting wika ni Cindy. Ngunit kabaligtaran naman ni Bryant na hindi man lang ngumingiti. "May tip na siya ukol sa bihag, at ang gusto niya na e follow-up natin 'yon. Ako naman, gusto ko munang makakuha ng sapat na visual bago ko e-relay sa inyo ang hinala ko." "Ano bang klaseng paghihinala ang sinasabi mo?" Napahalukipkip na tanong ni Taylor. Lumapit si Cindy sa tabi niya. Naglaho na ang ngiti sa mga labi nito. Nakadikit naman ang balikat nito sa balikat niya. Bryant's watchful gaze noted that light touch. Nanlaki na lang ang mga mata nito, saka nagpakawala ito ng isang malalim na hininga. "Ang sabi ng intel ni sir Marcio na taga Manila raw ang bihag ng mga bandido. A man with strong ties that could potentially be...manipulated by the group holding him." "What kind of ties?" Tanong ni Cindy. "Military ties to a covert team." Sagot ni Bryant at napatuwid ito ng tayo. "To our team." Bigla namang kinabahan si Taylor sa pahayag ni Bryant. "Nakita ko na 'yong bihag kanina." Napakuyom ang mga kamay na wika ni Bryant. Mukhang may hindi maganda rito. Panandalian naman itong napatitig lang sa kanya. "I got the visual confirmation that we needed." Bakit ba hindi na lang siya diretsahin nito kung sino nga ang bihag na pinaghinalaan nito? "Ang bihag na tinutukoy ko ay si...ang kapatid mong si Slater." Cindy's body swayed next to him, and Taylor automatically reached out to her, wrapping his hands around her shoulders. Hanggang sa bigla siyang nanigas. Buhay si Slater? "Talagang nakakaawa ang itsura niya ngayon, ang payat na niya at ang haba na ng buhok niya. Pati balbas niya ay napakahaba na rin. Pero alam kong siya nga 'yon." "Hindi. Patay na si Slater." Paanas na wika ni Cindy. Bryant's gaze drifted to her. "Buhay pa si Slater, Cindy." "Pero linibing na natin siya." Nanlamig naman ang buong katawan ni Taylor. "Oo, at alam natin na walang katawan ang inilibing natin sa burol ni Slater." Aniya at humakbang siya papalapit kay Bryant. "Nakita ko siyang binawian ng buhay." Hindi 'to maaring mangyari. "Pinulsuhan ko pa nga siya, pero tumigil na ang pagpitik sa pulso nito." Bulalas niya. "Isa pa, maraming dugo ang nawala rito kaya nga ako pinanghihinaan ng loob na makaligtas pa ito." Kung alam niyang mabubuhay pa ang kapatid niya sa kalagayan nito, hinding-hindi naman niya ito iiwan sa lugar na iyon. "Ako mismo ang nakakita sa kanya, Taylor. Mismong ang dalawang mga mata ko ang nakakita sa kanya." Napasabunot ngayon si Bryant sa kanyang buhok na tila desperado. "Kilalang-kilala ko si Slater kahit paman nag-iba na ang bulto ng katawan nito. Hindi man ako one hundred percent na sigurado kung si Slater nga iyon, pero tugma rin kasi ang bihag sa deskripsyon ng intel ni sir Marcio." "T-Taylor?" Cindy sounded shocked and lost. Hindi naman siya diretsong makatingin sa dalaga. Natatakot kasi siya sa kung ano ang makikita niya sa mga mata nito. Ilang beses na ang ginawa nilang pagniniig. At para na ring ilang beses nilang pinagtaksilan ang kapatid niyang si Slater. Halos ilang beses nilang pinagsaluhan ni Cindy ang init sa kanilang mga katawan, samantalang ang nakakaawang kapatid niya ay pinahihirapan ng mga badido bilang bihag ng mga ito. "Kailangan nating gumawa ng karagdagang recon ngayong gabi. Wala tayong dapat masayang na oras. Kailangang gawin nating advantage ang kadiliman ng gabi." Matigas na pahayag sa kanila ni Bryant. "Cindy, I'll need you to get working on the satellite imagery. We'll all go in to sweep the area. Then we'll plan for extraction at 0600." Extraction? His brother's extraction? "Taylor, gusto kitang makausap na tayo lang." Bryant's words held the snap of command. At napagtanto na lang ni Taylor na kanina pa pala siya nakatitig kay Bryant, subalit wala siya sa kanyang presensya. Napatango na lang siya rito at iminuwestra niya ito palabas ng pinto. Hindi pa rin siya makatingin kay Cindy dahil ayaw niyang makita ang pagsisisi sa mga mata nito. Alam naman niyang si Slater ang mahal ni Cindy, hindi siya, at ngayong napag-alaman nila na posibleng buhay pa nga ang kapatid niya, alam niyang ikadudurog ito sa damdamin ng dalaga. Bryant shut the door after them. They were in the hallway. Alone. There was no sound from the room behind him. Nothing at all. "Ma ha-handle mo kaya ang misyong ito, Taylor?" Tanong sa kanya ni Bryant. Ang malamang buhay pa ang kapatid niya? O ang pakawalan si Cindy dahil hindi naman talaga ito naging sa kanya? Napatango si Taylor. "I'll get the mission done." Hinablot ni Bryant ang braso niya. "Alam kong may pagtingin ka kay Cindy, Taylor. Nakikita ko 'yon sa klase ng pagkakatitig mo sa kanya. Alam ko rin na sinundan mo siya pauwi sa condo niya sa Makati." Halos pabulong na saad nito. "Buddy, I'm so damn sorry for you." Sorry na buhay pa si Slater? Eh dapat nga magbunyi sila dahil buhay ang kapatid niya. At maging masaya siya para kay Cindy dahil buhay ang lalaking totoong minahal nito. Masayang-masaya rin siya dahil buhay nga ang kapatid niya. Matapos ang tatlong taon na paghahanap niya sa katawan nito, nakita rin ito sa wakas. Kahit alam ni Taylor na hindi nararapat si Slater kay Cindy pero hindi pa rin niya ito sinaway. He'd caught his brother cheating on Cindy, twice. Ngunit hindi niya lang ito masabi-sabi sa dalaga dahil natatakot siyang masasaktan ito. "Hindi ka nararapat para sa kanya, Slater." Iyan ang mga salitang ipinukol niya sa kapatid nang madatnan niya itong may kasamang ibang babae sa loob ng silid nito. Pero ang totoo...wala sa kanilang dalawa ang nararapat para kay Cindy. "Gusto ni sir Marcio na ikaw mismo ang gumawa sa misyon na 'to dahil kadugo mo si Slater, pero hindi niya lang alam ang namamagitan sa inyo ni Cindy--" "Walang namamagitan samin ni Cindy." Giit niya rito. Eh wala naman talagang sila. Lalong hindi pwede sa pagkakataong ito. Tigilan mo na ang pagsisinungaling sa sarili mo, Taylor. Tapos na kasi ang masayang gabi na iyon. Kahit ipilit pa niya, alam niyang wala talagang patutungohan ang nararamdaman niya para sa dalaga. "Taylor..." Pumiksi siya sa pagkakahawak sa kanya ni Bryant. "We'll do the mission. Ililigtas natin ang bihag kung siya nga ang kapatid kong si Slater. Kung hindi man siya si Slater, ililigtas pa rin naman natin siya." Dahil iyon naman talaga ang trabaho nila. Iyon ang kadalasang ginagawa nila sa tuwing meron silang mga misyon. Ayaw niyang kinakaawan siya ni Bryant dahil nakikita niya ito sa mga mata ng kaibigan. "Gusto ka niya, Taylor." Sabi sa kanya ni Bryant. Nanigas siya sa sinabi ng kaibigan. "Si Slater ang gustong pakasalan niya." At hindi ako, sa isip ni Taylor. Napabuga ng hangin si Bryant. "May isang oras na lang bago natin sisimulan ang misyon." Napatango siya rito. "Taylor--" He held up his hand. "Let's just get him free." Iyan lang talaga ang tanging naisip niya sa mga oras na iyon. Gagawin ang misyon nila. At ililigtas ang bihag. "Okay." Bumuga ulit ng hangin si Bryant. "But you're to stand back on the actual extraction, got it? Ikaw ang magsilbing cover ng team." Exactly, gaya na lang sa palaging ginagawa niya sa tuwing magkakaroon sila ng misyon. Titirahin ang mga kalaban mula sa malayong distansya. "Kailangan ko kayo ni Cindy para mag survey doon sa area. Nang umalis kasi ako sa pinagkukutahan nila, marami pa silang dinadala na mga lalaki." Panandaliang natigilan muna ito. "Are you going to stay in control?" Cindy was the only one who could make him loose control. Si Cindy...ang babaeng hindi naging sa kanya. "Yes." He didn't want the word to be a lie. Tinalikuran na siya ni Bryant at imbis na balikan niya si Cindy sa suite nila, lumabas siya ng resort para lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko na lang sana siya ginalaw. Sana kusa na lang akong lumayo sa kanya. Because now - now he knew what he'd be losing. Patawad, mahal kong kapatid. Hindi ko naman intensyon na agawin sayo ang babaeng mahal mo. ----- Her ear was pressed to the door. The resort might be fancy, but the room doors were thin, and Cindy could hear every word that Taylor and Bryant said. Walang namamagitan samin ni Cindy. Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya ng sobra sa sinabi nito, mas wala nga siyang nararamdaman eh nang sinabi ni Bryant na posibleng buhay pa nga si Slater. Pero totoo kayang buhay pa si Slater? Paano nangyari 'yon? Kinumpirma ni Taylor na patay na nga ito sa pamamagitan ng pagpulso nito kay Slater. Siya rin mismo nakita niya ang kalagayan ni Slater noon. Maraming dugo ang nawala rito kaya maliit na lang talaga ang tsansa na mabuhay ito. Slater had been dead. Sigurado siya roon. Tatlong taon na nga ang nakalipas simula nang iwan nila ito ni Taylor sa isang masukal na gubat sa Basilan. Ngunit kusa na lang nagsilandasan ang mga luha niya sa kanyang pisngi nang pabalik-balik na mag echo sa tainga niya ang sinabi ni Taylor kay Bryant. Walang namamagitan samin ni Cindy. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD