Pagkalipas lang ng walong buwan ay kambal na babae at lalaki ang iniluwal ni Cindy. Nagising siya na masakit ang katawan. Napangiwi siya ng maramdaman ang hapdi sa kamay niya. May itinurok pala sa kanya na pampakalma kanina ng manganganak na siya. Napahawak siya sa tiyan niya. Medyo lumiit na iyon. Tanda na nanganak na siya. Lumingon siya sa kabilang gilid ng kama. Nandoon at natutulog si Taylor habang hawak ang kamay niya. "Taylor..." tawag niya. Agad naman itong nagising. Naalimpungatan pa nga yata ito. Ngumiti ito sa kanya. "Nagugutom ka ba?" tanong sa kanya ni Taylor. Tumango siya bilang tugon. Kinuha naman ni Taylor ang itinabi lang nitong lugaw. "Okay, eat first. Paparating na 'yong babies natin." Sabi ni Taylor. "Ubusin mo muna yang lugaw ng malamanan naman ang tiyan mo."
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


