"Clear!" Sigaw ni Bryant. Tumayo na si Cindy mula sa paggapang niya sa likod ng couch. Nasa sahig naman si Slater habang kinubabawan ito ni Bryant. Nakita niya ang pagdaloy ng maraming dugo, kung kaya't mabilis niyang dinaluhan ang mga ito. Nakabuka lang naman ang mga mata ni Slater. Napatitig ito kay Bryant na nakatutok ng baril dito. "Huhulihin ka na namin," sabi ni Bryant dito. "Na record namin ang lahat ng sinabi mo kay Cindy. Hindi ka na makakatakas pa ngayon." Slater clenched his teeth. "Hinding-hindi ako sasama sa inyo. Hindi!" "Wala kanang choice pa." Angil ni Bryant. Then he talked into his transmitter. "Kailangan namin ng ambulansya dito." He leaned over Slater. "Hindi naman malubha 'yang sugat mo. You'll stand trial for what you've done." "You...think...mapapabagsak...niyo

