Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng penthouse ni Dominic Valencia sa taas ng isa sa pinakamahal na high-rise sa buong Bonifacio Global City.
My palms were sweaty. Heart racing. Throat dry.
What the hell am I doing here?
Hindi ko alam kung anong mas matunog—yung kaba sa dibdib ko o yung elevator na bumalik na sa ground floor pagkapasok ko sa private hallway.
I was alone. Isolated. And one knock away from the man who had been invading my mind… my body… my dreams.
But before I could even raise my fist to knock, the door opened.
And there he was.
Dominic. Barefoot. In a loose black shirt and gray sweatpants that hung low on his hips. Disheveled, casual, but still looked like sin personified.
“Right on time,” he smirked, leaning on the doorframe.
Hindi ako nakapagsalita. Para akong naholdap ng oxygen.
He stepped aside. “Come in.”
I obeyed, like my legs had a mind of their own.
Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng bango ng leather, expensive cologne, at faint scent ng scotch. His penthouse was minimalist pero dark and sexy—black marble, glass, dim lighting. May jazz music na malambing sa background, and the city skyline glittered beyond the wide windows.
“Nice place,” I said, my voice smaller than I wanted.
He offered me a glass of water—not wine, not whiskey. Water. Like he knew I was nervous.
We sat across each other, on a low gray couch. Malayo pero hindi rin.
He studied me for a long moment, eyes narrowed. “So… bakit ka talaga andito, Bella?”
I swallowed. “Curious.”
“Curious sa’kin… o sa sarili mo?”
Napakagat ako sa labi. I didn’t answer.
He leaned closer, his elbows on his knees. “Alam mong delikado ‘to, diba?”
Tumango ako. “Pero gusto ko pa ring malaman.”
His smile was soft, almost fond. “Then I’ll teach you.”
That voice again. Low. Calm. Sure.
“But only if you trust me.”
“Trust you with what?”
He tilted his head. “With control. With your pleasure. With… everything.”
My mouth went dry.
Then he stood and offered his hand.
“Come,” he said.
I took it.
And just like that, I was led deeper into the dark.
Tahimik ang paligid habang hinahawakan niya ang kamay ko, marahan, firm, pero walang pwersa. Dinadala niya ako papunta sa isang parte ng penthouse na mas madilim, mas tahimik. Wala na ang jazz, kundi tanging heartbeat ko na lang ang parang sumisigaw sa tenga ko.
We stopped somewhere near a wide leather chair by the window. City lights glowed behind the glass, pero ang liwanag ay hindi sapat para itago ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Tumigil siya. “Sit,” he said.
Umupo ako—nervous, curious, alert.
Then, kinuha niya ang isang item mula sa maliit na side table. It was… a black silk blindfold.
My breath hitched.
“Ano ‘yan?” bulong ko, kahit halata naman.
“Relax,” he whispered, his voice low and intimate. “I told you… I won’t touch you unless you want me to. Pero I want you to feel everything without seeing.”
Napalunok ako. “Blindfold?”
He smiled, leaning closer. “You trust me, right?”
It was reckless. It was insane.
Pero tinango ko siya.
Slowly, he slipped the silk around my eyes, tying it gently behind my head. The material was soft—like his voice, like the tension building inside me.
Darkness swallowed my vision, pero mas naging matalim ang pandinig ko.
I heard him move—his bare feet on the floor, the way he exhaled, the sound of him kneeling in front of me.
“Bella,” he said, almost reverent. “You have no idea how beautiful you look like this.”
Then came the first touch.
Hindi sa lips. Hindi sa katawan.
Sa leeg.
Mainit ang hininga niya sa balat ko. Then his lips followed—a kiss, feather-light, right at the curve between my neck and shoulder.
I gasped. My whole body shivered.
“Too much?” tanong niya, pero hindi siya tumigil.
“No…” I whispered. “I just…”
“You’re not used to feeling.”
Another kiss—this time closer sa jawline. Then another sa collarbone. Teasing. Torturous. Tender.
His hand rested on my knee—still clothed in my modest black dress. Hindi siya gumalaw paakyat. He just kept it there, like a warning… or a promise.
“Your skin reacts to everything,” he murmured. “That’s what I like about you.”
I bit my lower lip, holding back a moan.
Diyos ko.
Then, slowly, he brought his hand up—barely touching my arm, just his fingertips brushing the sensitive skin near my shoulder.
“Dominic…” I breathed out, feeling lightheaded. “This is…”
“Addictive?” he offered, teasing.
I nodded, kahit hindi niya kita.
“You haven’t even tasted half of what I want to do to you.”
And just when I thought he’d kiss me for real, he pulled away.
His voice was calm but full of heat. “Take off the blindfold.”
I did—shaking hands, lips parted, pupils dilated.
At nang makita ko siyang nakatitig sa akin, dark, intense, and way too smug, alam kong ginawa niya ito not just to seduce me—but to claim something he already knew was his.
“You’re mine now,” he said simply.
And all I could do… was breathe like I’d just survived a storm I never wanted to end.
I was a mess.
Hindi ko alam kung paano ako tatayo, kung paano ako maglalakad palabas ng penthouse na ‘to na para bang wala lang nangyari. My knees still felt weak, my throat dry, and my lips—kahit hindi niya hinalikan—parang naglalaway sa mga salitang binitawan niya kanina.
"You’re mine now."
Bakit parang hindi na ako makahinga ng normal mula nang sabihin niya ‘yon?
“Let me walk you out,” sabi niya, steady as always. Wala man lang bahid ng guilt or confusion sa mukha niya. Calm. Dominant. Sure.
Ako lang yata ang nagka-emergency emotional breakdown.
Tumango lang ako. Wala akong lakas magsalita.
He reached for my bag on the chair and handed it to me like a gentleman. Pero kahit yung simpleng gesture na ‘yon, may halong possessiveness. Parang sinasabi ng kilos niya, You’re safe with me—but never in control.
Naglakad kami palabas ng penthouse, side by side. Hindi niya ako hinawakan, pero naramdaman ko pa rin ang presence niya sa bawat hakbang. Heavy. Intoxicating. Unavoidable.
Pagbaba namin sa private elevator, tahimik pa rin siya. Ako ang unang nagsalita—dahil kung hindi ko gagawin, baka tuluyan na akong mabaliw sa bigat ng moment.
“Dominic…” I said softly, not even sure what I wanted to ask.
He turned to me as the elevator doors slid open. “Hmm?”
“Anong ibig mong sabihin kanina?”
He gave me a half-smile, that damn Valencia smirk that looked both dangerous and devastatingly charming.
“I meant what I said, Bella.”
My stomach flipped.
“You’re mine now. You just haven’t realized it yet.”
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin sa sinabi niya. Pero isa lang ang sigurado ko: wala na akong balikan sa dati kong mundo.
Paglabas namin sa ground floor, nakahintay na ang car service niya. A sleek black SUV, tinted windows, and a driver who didn’t even look surprised na halos 2AM na.
Inalalayan niya ako papunta sa pinto, pero hindi niya ako hinawakan. He just stood close—too close—na halos maramdaman ko na naman ang init ng balat niya kahit may ilang pulgadang pagitan.
“Text me when you get home,” he said, voice softer this time.
I nodded. “Okay.”
Pagka-upo ko sa loob ng sasakyan, hindi agad isinara ni Dominic ang pinto. He leaned forward, elbows resting on the edge, and looked me dead in the eyes.
“And Bella?”
“Hmm?”
“You’ll be thinking about me tonight. Kahit anong pilit mong huwag.”
Tapos isinara niya ang pinto.
Ganon lang.
Just like that, iniwan niya akong half-dazed sa loob ng kotse—mind spinning, heart pounding, body still on fire.
Habang paalis ang sasakyan at unti-unting lumiliit ang silhouette ni Dominic Valencia sa rearview mirror, isang tanong lang ang umiikot sa utak ko:
Anong ginagawa ko?
At mas nakakabahala…
Bakit gusto ko pa ng higit?
Hindi ko maintindihan kung anong parte ng pagkatao ko ang nag-shift. Parang may binuksan si Dominic na matagal nang nakatago—parang isang lihim na pintuan sa loob ko na ako mismo, hindi alam na nandoon.
Hindi niya nga ako hinalikan. Ni hindi kami naghubad. Pero bakit parang para na akong niyurakan? Hindi sa masama—kundi sa paraang nakakakiliti, nakakabaliw, nakakagising.
I pressed my legs together.
God, bakit ako ganito?
Nilingon ko ang labas ng bintana. Mga poste ng ilaw, neon signs, taong lasing sa kalsada—lahat umiikot sa paningin ko pero wala akong ibang iniisip kundi ‘yung malamig pero mainit na daliri niya na gumapang sa leeg ko. Yung mabagal na bulong niya sa tenga ko. Yung…
You’re mine now.
Shit.
Shit.
Shit.
Humigpit ang hawak ko sa clutch bag ko, para bang ‘pag hindi ko pinigilan ang sarili ko, babalik ako sa penthouse niya at magpapakawala sa kamay niya nang buo-buo.
Pero paano na ako pagkatapos?
Anak ako ng isang prominenteng pamilya. Catholic school girl. Creative assistant sa fashion empire ng mom ko. Hindi ako ‘yung tipo ng babaeng pumupunta sa private penthouse parties at nagpapa-blindfold sa mga lalaking katulad ni Dominic Valencia.
At higit sa lahat... hindi ako ‘yung tipong napapasabik sa isang lalaking hindi ko pa man ganap na kilala, pero kayang baguhin ang t***k ng puso ko gamit lang ang isang titig.
Tangina talaga, Bella. Sino ka na?
Biglang tumunog ang phone ko. May dumating na text.
Trisha
Bes, safe ka? Tell me everything. As in lahat. Wala kang itatago.
Napangiti ako kahit magulo pa isip ko.
Bella:
Safe ako. Hinatid ako ng driver niya. Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sayo. Ang gulo.
Hindi ko pa ma-process kung anong nangyari. Pero isa lang ang sigurado ko—
I wanted more.
Hindi lang more kisses or touches. Gusto ko siyang kilalanin. Gusto kong maintindihan kung bakit ganon siya tumingin, kung bakit parang alam niya lahat ng kahinaan ko kahit ilang beses pa lang kami nagkita.
Napatingin ako sa sarili ko sa rearview mirror.
Hindi na ako ‘yung parehong Bella kagabi. Parang may nagising. Parang mas malalim na curiosity—hindi lang sa katawan ko, kundi pati sa damdamin ko. Yung tipong hindi basta mabubura ng simpleng dasal o pagsindi ng kandila sa simbahan.
Kahit ilang Hail Mary pa siguro, hindi ‘to matatanggal.
Biglang tumigil ang sasakyan. Nasa tapat na ako ng bahay namin.
Luminga ako—patay ang ilaw sa labas. Tahimik. Ang buong paligid, parang ibang mundo mula sa iniwan kong penthouse.
“Ma’am?” tawag ng driver.
Nagulat ako. “Yes… thank you po.”
Bumaba ako, pilit pinapakalma ang sarili. Nilapitan ko ang gate, binuksan gamit ang extra key. Hindi ko na in-on ang mga ilaw sa sala—ayokong may madistorbo. Tahimik akong umakyat sa kwarto ko.
At pagkasara ng pinto—
Boom.
Bumagsak ako sa kama ko, buo ang katawan pero laspag ang damdamin. Hinalikan niya lang ako ng hangin, pero bakit ganito?
Kinuha ko ang phone ko. Isa. Dalawa. Tatlong notifications. Lahat galing kay Dominic.
Dominic:
Did you dream of me yet?
Sumikdo ang dibdib ko.
Dominic:
Because I haven’t stopped thinking about you.
Putangina talaga. Lalo mo akong ginulo.
Hindi ako agad nag-reply. Tumitig lang ako sa ceiling, trying to calm the storm that he left inside me.
Pero pagkatapos ng ilang minuto ng silence, ako na rin ang nagpadala.
Bella:
You’re dangerous.
Few seconds later—
Dominic:
Only if you keep coming back.
And I know you will.
Because deep down, you’re craving it.
My whole body burned.
And I knew… he was right.
Hindi ko alam kung ilang minuto—or oras—akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko, hawak pa rin ang phone, habang paulit-ulit na binabasa ang huling mensahe ni Dominic.
“Because deep down, you’re craving it.”
Craving.
Ang bastos naman pakinggan ng salitang ‘yon, pero bakit parang totoo? Bakit parang tumama?
Hindi ba’t ako si Bella Santiago? Responsible. Predictable. Laging may plano. Laging sumusunod. Hindi ako 'yung tipo ng babae na nagpapadala sa tukso. Hindi ako ‘yung basta na lang sumusuko sa init ng katawan.
Pero bakit parang, simula nang makilala ko siya, lahat ng pagkatao ko... unti-unting natutunaw?
Parang may dalawang boses sa ulo ko.
Isang mahinhin, takot, laging may “dapat” at “hindi pwede.”
At isa pa—bagong boses—malambing pero malakas, bulong na hindi ko kayang balewalain.
“Subukan mo lang…”
“Wala namang mawawala kung hahayaang mong maramdaman.”
“Gusto mo rin naman, diba?”
Oo.
Gusto ko.
Gusto ko siya.
Gusto ko yung paraan ng tingin niya sa akin—parang ako lang ang babae sa mundo. Yung paraan ng pagsalita niya—mabagal, madiin, parang inaakit kahit wala siyang ginagawa. Yung paghawak niya—parang laging may hinihintay na permiso, pero handang bumaon sa sandaling ibigay ko.
And for the first time in my life, hindi ko alam kung dapat akong matakot o ma-excite.
Kasi hindi lang ito tungkol sa s*x.
Hindi lang ito tungkol sa curiosity.
May parte sa akin na gusto siyang intindihin.
Bakit ganon siya tumingin? Bakit ganon siya magsalita? Bakit parang may lungkot sa likod ng confidence niya?
May sakit ba siya na tinatago? May sugat ba siya na pinipilit niyang takpan gamit ang arrogance at power?
At bakit ako—isang babaeng walang karanasan—ang gusto niyang unti-unting hubaran ng walls?
“I’ll teach you everything…”
God. Yung line na ‘yon? Parang dumiretso sa kaluluwa ko. Hindi lang katawan ang gusto niyang turuan—pati utak, pati damdamin, pati buong pagkatao.
And maybe that’s what scared me the most.
Hindi siya simpleng tukso lang.
Siya ang simula ng pagbabago ko.
Tumingin ako sa sarili ko sa salamin.
Messy bun. Smudged lipstick. Slight glow sa pisngi. Hindi ito ‘yung normal na version ko. Pero may kung anong kakaiba sa mga mata ko ngayon—parang mas buhay, mas curious, mas… wild.
Ito na ba talaga ako?
At kung ako nga ito—masasabi ko pa bang mali ang ginagawa ko?
Humiga ako ng mas maayos. Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot pero hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.
Nagsimula ito sa simpleng tingin.
Ngayon, gusto ko nang mas malalim.
Gusto ko nang matikman.
Hindi pa man kami nagkakahalikan, pero parang ako na ang pinaka-kilig, pinaka-basa, pinaka-gising na babaeng nabuhay.
At kung ito ang simula ng pagiging akin ni Dominic Valencia…
Then maybe, just maybe—
I’m ready to play with fire.