Chapter 13

2430 Words
Ang weird. Pero ang saya. Para siyang hindi lumalakad kundi lumulutang. Kahit wala siyang tulog masyado, parang ang gaan-gaan ng buong katawan niya. Every little thing felt heightened—yung kulay ng langit, yung hangin na dumadampi sa balat niya, yung simpleng pagtunog ng message notification sa phone niya. Hindi siya sigurado kung anong tawag dito. Pero isa lang ang alam niya: ibang-iba na siya ngayong umaga. Iba ang ngiti niya. Iba ang tingin niya sa salamin. Iba ang t***k ng puso niya habang iniisip kung anong ginagawa ni Dominic ngayon. Hindi man nila inamin, pero alam ni Bella—may nabago na. Hindi lang katawan niya ang ibinigay niya. Parang puso na rin. At sa kabila ng lahat, hindi siya nagsisisi. “Girl. GLOWING ka,” bungad agad ni Trisha pagkaupo ni Bella sa opisina nila. Napalakas pa ang ihip ng kape ni Trisha habang tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Sino ‘yan at anong ginawa niya sa bestfriend ko?” Napailing si Bella, pilit pinipigil ang ngiti. “Wala. Anong pinagsasasabi mo?” “Wala daw,” sagot ni Trisha habang itinaas ang isang kilay. “Bella, halata. Yung mata mo parang may sariling ilaw. Yung ngiti mo parang commercial ng Colgate. Tapos ‘yang blouse mo, mas bukas than usual. Tapos may pa-pink-pink ka pa sa pisngi!” Tumawa si Bella, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero hindi niya rin maitatanggi. She felt it. Deep in her bones. Something happened—and it changed her. Kahit ang mga tao sa paligid nila sa opisina, parang may napansin. “Miss Santiago,” sabi ni Ate Liza, ang isang senior designer, habang nilalagyan ng tela ang mannequin. “You look so happy today, ha. May blessing ba?” “Baka may suitor na,” hirit pa ng isa. “Or baka naman… may nangyari,” sabay kindat ng isa pa, dahilan para mapangiti si Bella habang umiiling. Pinilit niyang ibaling ang atensyon sa sketches niya, pero hindi talaga siya makafocus. How could she, when every movement she made reminded her of him? Yung haplos niya. Yung mga ungol niya. Yung boses niya na dumadagundong sa tenga ni Bella habang paulit-ulit nitong binubulong, “You’re mine now.” Napapikit siya sandali, hoping to calm her heartbeat. But the butterflies in her stomach wouldn’t stop. Hanggang sa isang message ang dumating mula sa unknown number: > "I miss how you tasted last night." – D Napakagat labi si Bella, agad na ni-lock ang phone. Hindi niya alam kung matatawa siya o mahihimatay. Her entire body reacted. Napapikit siya ulit habang sinubukang pigilan ang biglang init na umakyat sa batok niya. “Bella!” sigaw ni Trisha, nang makita ang reaksyon niya. “OMFG. Sino ‘yan? Sino ‘yang nagpa-pink sa’yo ng ganyan?” “Wala nga,” tugon niya, pero hindi niya mapigilang ngumiti. “Kilala mo siya. Pero… it’s complicated.” Umupo si Trisha sa tabi niya, seryoso ang tingin. “Complicated? As in pwedeng ipost sa sss o secret-secret lang?” Bella bit her lip, hesitant. “Secret muna… pero okay naman. Masaya ako.” “Masaya ka,” ulit ni Trisha, pero halata ang pagdududa sa boses. “Just be careful, ha. Hindi lahat ng masarap, safe. Minsan ‘yung pinaka-masarap pa ang pinaka-dangerous.” Ngumiti lang si Bella, pero hindi niya pinansin iyon. Hindi niya kailangan ng warning ngayon. Hindi niya kailangan ng duda. She was happy. She was glowing. And for the first time in her life, she felt like a woman. Ilang araw na ang lumipas mula noong gabing ‘yon. Yung gabing nagpabago sa lahat. Pero habang si Bella ay lumulutang pa rin sa alaalang yun, si Dominic naman… tila bumalik sa dating anyo. Tahimik. Malamig. Minsan, parang wala siya doon. At first, Bella thought he was just busy. Natural lang—he was a venture capitalist, laging may meeting, laging may flight, laging may crisis to handle. Pero habang tumatagal, parang hindi na lang ‘busy’ ang dahilan. Kasi kahit andiyan siya physically, parang iba na. Hindi na siya tumitingin kay Bella ng matagal. Hindi na siya nagtetext kagaya ng dati. Hindi na siya bumubulong ng “mine” habang yakap siya sa kama. Parang may pader. Parang may bumalik. “Are you okay?” tanong ni Bella habang magkausap sila sa phone isang gabi. Hindi siya pinuntahan. Wala lang—sinabi lang nitong “May meeting early tomorrow.” “Yeah,” sagot ni Dominic. “Why wouldn’t I be?” “Wala lang… You’ve just been… distant.” Tahimik. Walang sagot. “Dom?” tanong ulit ni Bella. “Look, I’m fine. Don’t overthink it, Bella.” Masakit. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi sa tono. Sa lamig. Sa pagkawala ng init na dati, kahit sa text lang, ramdam na ramdam ni Bella. Noong una, tiniis niya. Baka nga may pinagdadaanan. Baka pagod lang. Baka… siya lang ‘to. Pero isang gabi, naglakas-loob siyang puntahan ito sa condo. Gusto niyang maramdaman ulit ‘yung closeness nila. Pero pagkapasok pa lang niya sa unit, ramdam na niya—iba na ang ihip ng hangin. “Babe,” bulong niya, lumapit at hinawakan ang braso nito habang nanonood ng stock market news sa TV. “Hmm,” sagot lang ni Dominic, hindi man lang siya tiningnan. Hinila ni Bella ang sarili palapit, hoping for even just one soft kiss. Pero ang nakuha niya lang ay isang malamig na tapik sa hita. “May ginagawa ako, Bella. Not now.” Pak. Parang may humampas sa puso niya. Hindi siya sanay. Dominic always wanted her. Always touched her. Always looked at her like he owned her. Ngayon, parang wala lang siya. Parang invisible. Tumayo siya nang dahan-dahan, pilit ngumiti. “Okay… I’ll go. Baka may kailangan kang tapusin.” “Yeah. Thanks.” Hindi man lang siya hinatid sa pinto. Hindi man lang siya hinalikan. Paglabas niya ng unit, hindi na niya napigilan. Tumulo ang luha niya. Hindi niya alam kung ano ang mali. Hindi niya alam kung siya ba ang may kasalanan. Akala niya, pagkatapos ng gabing ‘yon, magiging mas close sila. Mas intimate. Mas connected. Pero bakit ganito? "Hello?!" boses ni Trisha mula sa kabilang linya. "Besh..." Mahina ang boses ni Bella. Wala sa tono, walang sigla. "Bella? Anong nangyari? Ang tagal mong di nagrereply, tapos ngayon parang iyak ka?" Tahimik si Bella. Hindi niya alam kung paano uumpisahan. Kasi paano mo nga ba ikukuwento na ang lalaking minsang nagpanginig sa’yo sa isang haplos… ngayon, ni hindi ka matingnan sa mata? "I'm at home," bulong niya. "I just left his place." "Si Dominic?" Sumeryoso agad ang boses ni Trisha. "Yeah... He’s been cold. Hindi ko maintindihan. Hindi na siya sweet, hindi na siya affectionate, hindi na siya yung Dom na kilala ko. After… after that night, everything changed." Napabuntong-hininga si Trisha sa kabilang linya. "s**t. Bella… I was afraid this would happen." "Huh?" Kumunot ang noo ni Bella, pilit pinapakalma ang sarili pero ramdam ang panic sa dibdib. "Listen to me, okay? Guys like him—rich, experienced, powerful—sanay sila sa control. Sanay sila sa excitement. They chase, they conquer, and sometimes… that’s it." "Pero hindi siya ganun," pagtanggi ni Bella, nanginginig ang boses. "He said I was his. He looked at me like I was more." "Babe," mahina ngunit diretso ang tono ni Trisha. "He also looked at you like he wanted to devour you. And maybe he did. You gave him everything. Your first time? Your heart? Alam kong sincere ka, pero tanungin mo sarili mo: kilala mo ba talaga siya?" "Hindi siya masama..." mahinang sagot ni Bella. "I’m not saying he is. But he’s dangerous, Bella. Emotionally. You’re not the first girl he’s touched. Pero ikaw? You’ve never even had a boyfriend before him. This is new to you—but to him? It might just be... a phase." Hindi na nakaimik si Bella. Masakit. Pero totoo. Ayaw niyang maniwala. Ayaw niyang isipin na baka totoo nga si Trisha. Na baka, para kay Dominic, she was just a beautiful experience. A sweet distraction. "Kung mahal ka niya, he’ll fight for you. He’ll show it. Pero kung hindi niya kayang panindigan 'yung mga binitawan niyang salita… then maybe it’s better na nakita mo na agad." "Trish..." napabulong si Bella. "Mahal ko na siya." "Alam ko." Seryoso ang boses ng kaibigan niya. "Pero sana, hindi mo muna binigay ang buong ikaw. Kasi now, you’re left with pieces." Tahimik ulit si Bella. Ang cellphone niya, mahigpit na nakasapo sa pisngi, para bang doon siya kumukuha ng lakas. "Promise me," dagdag ni Trisha, "Kung mas lalala pa 'to… you’ll walk away before it destroys you." Bella didn’t respond. Kasi paano mo lalakasan ang loob na layuan ang taong minahal mo, kahit hindi niya kayang mahalin ka pabalik? Kinabukasan, hindi na nakatiis si Bella. Hindi na siya makakain. Hindi makatulog. Puno na ang dibdib niya ng tanong—na para bang sasabog kung hindi niya mailabas. Kaya kahit nanginginig ang mga kamay niya, kahit ilang beses siyang nagbura at nagtype ng text… sa huli, nag-decide siyang puntahan siya. Face to face. Kailangan niyang marinig mula sa kanya. Kailangan niyang malaman kung bakit biglang nag-iba lahat. Pagdating niya sa penthouse ni Dominic, hindi siya agad pinagbuksan ng guard sa lobby. "Miss, may schedule po ba kayo kay Mr. Valencia?" "Ako po si Bella. Sabihin n’yo lang… nandito ako. Sabihin n’yo, urgent." Tumango ang guard at tumawag sa taas. Minutes later, sumagot ito: "Sige po, akyat na lang daw po kayo." Pagbukas ng pinto sa penthouse, nandoon si Dominic. Pero hindi siya yung Dom na niyakap siya habang umiiyak. Hindi siya yung Dom na naghalik sa balat niya na parang dasal. Siya yung Dom na ngayon… parang ibang tao. "Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong. Mas lalong bumigat ang dibdib ni Bella. "Dom…" Mahina ang boses niya. "I just wanted to talk." "About what?" "About us." Tahimik. Ilang segundo lang, pero parang isang taon sa tahimik na pagitan nila. "You've been distant," tuloy niya. "Hindi ka na tumatawag. Hindi ka na nagtetext. I feel like… I did something wrong." "Bella," sabay iwas niya ng tingin, "Don't overthink things." "Overthink? Dom, I gave myself to you—" "Exactly," putol niya. "And now you’re expecting what, a love story?" Napaatras si Bella. Para siyang sinampal ng mga salita niya. "I never promised you anything more than what we had that night." "Pero sinabi mo—" "Sinabi kong ‘you’re mine’ because that’s how I felt in that moment." His voice was sharp. "But feelings change. Don’t confuse lust with love, Bella." Hindi makapaniwala si Bella sa naririnig niya. "So, that’s it? Tapos na tayo?" "We were never something official to begin with." Tila huminto ang mundo ni Bella. Kulang na lang ay may pumutok sa dibdib niya. "You used me," mahinang sabi niya, pilit nilalabanan ang pag-iyak. Dominic sighed and turned his back on her. "Don’t make this dramatic, Bella. You wanted it just as much as I did." "Pero ako lang yung nagmahal." He didn’t respond. And that silence? Mas malakas pa sa kahit anong salita. Bella nodded slowly, pinipigilan ang luha na gustong tumulo. "Salamat," mahina niyang sabi, "at least ngayon alam ko na." Then she turned around, shoulders shaking, heart crumbling. And Dominic? He let her walk away. Tatlong araw na ang lumipas mula nung huli nilang pag-uusap. Tatlong araw ng walang tawag, walang text, walang kahit anong paliwanag. Pero si Bella, hindi pa rin mapakali. Hindi pa rin matanggap. Pilit niya itong inuunawa—baka may pinagdadaanan lang si Dominic. Baka… baka kailangan lang niya ng oras. So she did something she swore she wouldn’t do. Bumalik siya sa penthouse. Hindi para makiusap. Hindi para magmakaawa. Kundi para linawin. Kahit isang tanong lang: “Totoo ba talaga lahat ng sinabi mo?” Pag-akyat niya sa elevator, dala niya ang kaba, ang pag-asa, at ang sakit. Pero wala siyang ideya kung gaano pa kasakit ang sasampal sa kanya. Pagdating sa hallway, bahagyang bukas ang pinto. Narinig niya ang tawa ng babae—mabilis, matinis, pamilyar. Celine. Mula sa siwang ng pinto, nakita niya ito. Nakaupo si Celine sa sofa, naka-bathrobe lang. Basa pa ang buhok, hawak ang wine glass, habang si Dominic… Nakaupo rin, shirtless, hawak ang baso ng whiskey. “Missed this,” ani Celine habang idinampi ang mga daliri sa dibdib ni Dominic. “Nothing’s changed,” tugon niya, malalim ang tono. Tumigil ang mundo ni Bella. Parang may pumasok na malamig na kutsilyo sa puso niya. Parang sinampal siya ng realidad: wala siyang halaga kay Dominic. Hindi siya pinili. Hindi siya mahal. Hindi siya makagalaw. Pero nang biglang tumingin si Dominic sa may pinto—nagtama ang mga mata nila. Bella. Nakatingin sa kanya. Lumutang ang guilt sa mata ni Dominic, pero saglit lang iyon. Bumalik agad ang maskara ng kawalan ng emosyon. “Bella…” mahinang sabi niya, pero hindi siya lumapit. At si Celine? Ngumisi. “Oops. Baka may naiwan ka sa kama, Dom?” sabi nito, malisyoso ang tono. Bella stepped back. Lumuha ang mga mata niya, pero hindi siya nagsalita. Hindi siya nag-eskandalo. Hindi siya nagtanong. She just turned away. And this time… she didn’t look back. Hindi niya alam kung pa’no siya nakalabas ng building. Hindi niya maalala kung anong sinabi ng guard, o kung may ibang nakasalubong siya sa lobby. Wala siyang naririnig—pati sariling t***k ng puso niya parang tumigil na. Pero ang sakit, naroon. Ramdam na ramdam. Humigpit ang yakap niya sa sarili habang naglalakad sa Makati sidewalk, naka-heels pa rin, naka-coat, pero parang hubo’t hubad. Wala na. Lahat ng kinapit niya kay Dominic—yung mga tingin, yung haplos, yung mga binitawang salita—lahat ‘yon, kasinungalingan. “You’re mine.” “I won’t hurt you.” “I want you.” Pumikit siya habang tumutulo ang luha. Akala niya special siya. Akala niya totoo ang koneksyon nila. Pero mas totoo palang… masaya siyang nilaro. Naglakad siya hanggang makasakay ng taxi. Tahimik lang siya. Tahimik ang biyahe. Tahimik ang puso niya. Pero ang mata niya? Namumugto. Hindi huminto ang pag-iyak. Pagdating sa condo, sinalubong siya ni Trisha. “Oh my God, girl—anong nangyari sayo?!” “Wala,” mahinang sagot niya, sabay yuko. “Bakit ka umiiyak?!” “Wala… wala na siya.” Tumulo ang huling luha ni Bella habang binitiwan ang huling salitang kaya niya pang sabihin. “Niloko niya ako.” At doon, sa wakas, tuluyang bumagsak si Bella. Sa sahig. Sa damdamin. Sa katotohanan. Heartbroken. Shattered. Alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD