Episode 1
humahangos ako sa pagtakbo, nakakapagod. Pero natatawa ako habang nauungusan ko ang mga taong humahabol sakin. Ang kagustuhan ko na makalayo sa mga tauhan ng Papa ko. Na ngayon ay gusto akong hulihin upang isama umuwi sa bahay ng mayamang pamilya ko. Taliwas ito sa gusto kong buhay noon pa man ay gusto kong ipaunawa sa kanila. Maaring swerte ako dahil lumaki ako sa isang mayamang pamilya. Pero hindi ko gusto ang alingasaw ng mayayamang gahaman na nakapaligid sa akin simula pa ng bata ako. Kaya naman sa pagtungtong ko ng edad 15 ay rebelde na akong ituring ni Mama. Naging malaya ang buhay ko simula ng lumayas ako sa mansion at namuhay ng mag-isa. Pero simula noon, ganito pa din ang eksena ko sa tuwing nahuhuli ako ng mga tauhan ni Papa. Takbo, Tago at Magpapalamig lng tapos balik rebelde ulit. wala akong permanenteng inuuwian, kung saan lng abutin. Ang tanong nyo siguro ay paano ako nkakakuha ng pera? Tuloy pa din naman ang suporta nila sakin, gamit ko pa din ang credit card na binigay sakin, kaya puro cash withdrawal ang ginagawa ko. Pagkatapos ay pumupunta na ako sa malayo at dun ko ineenjoy ang perang nakuha ko. Hindi ako gumagamit ng credit card para mag-purchase ng kahit anong gamit ko, kahit ang pambayad s hotel na matitigilan ko. Kaya swertehan talaga kapag natyempuhan ako ng tauhan ng Papa. Madalas ay natatakasan ko sila, pero minsan ay nahuhuli din naman ako, at hindi na ako lumalaban kapag huli na, kaya naman trabaho ko na din ang tumakas. Marami man ang tauhan na nagbabantay, pero alam ko naman ang galawan sa mansion, at marami na akong natutunan sa pagtira ko sa labas ng mansion. Mabuti nalang ngayon ay natakasan ko ulit sila, mga tang* talaga.
Hahahahaha.. napagod ako sa pagtakbo, bwiset na mga yun akalain mong natyempuhan ako. Mabuti nalang magaling talaga ako mag isip. Hay nakakatawa talaga ang mga kumag na yun. Siguradong magwawala nanaman ang amo nila kapag nalamang natakasan ko sila, hahahaha.. Hay nakakapagod tumakbo at tumawa, huh huh huh.. habol ang aking paghinga, hingal ako at habol ko ang aking paghinga. Kaya huminga ako nang malalim para makabawi ng hangin sa paghinga. Teka ayun may bus na, kailangan ko makasakay agad. Sinilip ko muna ang paligid at siniguradong wala ng nakasunod sa akin. San kaya ako pupunta ngayon? Ah alam ko na, mag hotel na muna ako ngayon, at mamaya ay gigimik ako. It's Disco time!! Oo nga pala 28years old na ako ngayon, at hindi na talaga ako nag-aral ng kolehiyo. Nag-tapos ako ng highschool at pagkatapos ko mag 18 ay ganito na ang naging buhay ko.
Good day Ma'am! How may I help you?
Inabot ko ang ID ko sa hotel receptionist. One room please..
Ma'am, gusto ko lng po kayo iinform na medyo expensive po ang hotel rooms po namin. Do you have credit card po ba?
Hay naku, pati ba naman kayo kinain na ng sistema ng mayayaman? Oh ayan ang bayad ko, cash lang meron ako walang credit card. Inabot ko agad sa babaeng ito ang envelop na may lamang pera. Please book me for 3days. I think that money is enough for my accommodation? Baka pwede mo na ako bigyan ng susi at gusto ko ng magpahinga. Oo nga pala may bisita ako mamaya, room number ko pang ang alam nya. Paki bigyan nalang sya ng access para makapasok sya sa room ko. Gusto ko magrelax sa hot tub at ayokong maabala ako para magbukas pa ng pinto. Copy?
Yes Ma'am! Sorry if I offend you po.
Okay lang, basta yung ibinilin ko sayo ha. Salamat!
Yes po ma'am.
--------------------
Sorry po Sir sobrang bilis po tumakbo ni Ms. Louise at napakagaling nya po talaga magtago. Nilibot po namin ang buong lugar kung saan po namin sya nakita, pero hindi napo namin talaga sya mahanap. Sorry po talaga Sir!
Tsugss!!
Ang tatang* n'yo talaga! Isang mahinang babae lang hindi n'yo pa mahagip!?! Sayang lang ang pinasusweldo ko sa inyong lahat. Siguro dapat ay palitan na kayong lahat ng mas mahuhusay at mas professional na Security guards. Sabihin mo kay Garcia ay pumunta sya kaagad dito! Gusto ko syang makausap! Bakit ba hindi sya ang nag-report sa akin!?!
Sorry po Sir! Si Chief Garcia po ay nag-paiwan sa location kung saan po namin huling nakita si Ms. Louise. Gusto nya daw po muna tingnan ang mga establishment sa paligid na may security camera na posible naka capture kay Ms. Louise. kaya po kame na ang pinag-report nya.
Okay you can get out of my office and tell Garcia that I will expect a good news from him. Get out!
Yes Sir!
-----------------------
Ding dong.. click click.. Bumukas ang pinto ng hotel at may pumasok..
Mukang dumating na ang bago kong kalaro.
knock knock!
Pasok! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito at halos gusto ko ng mag-pakalunod dito sa bath tub sa sobrang tagal mo ay naiinip na ako!
Pasensya na ma'am, medyo trapik lang kasi. Dala ko po lahat ng ipinagbilin nyo kay boss. Lalabas nalang po muna ako.
Ha? anong lalabas? Hindi ba sinabi ng boss mo kung anong trabaho mo dito?
Alam ko po ma'am, kaya lang ay nagrerelax pa po kayo.
Ay ang tang* mo naman pala! edi maghubad ka na din at samahan mo ako dito. Sayang naman ibabayad ko sayo kung ituturo ko pa lahat ng dapat mong gawin!
Sige po ma'am, pasensya na po ang akala ko kasi ay...
Hindi ko na pinatapos.magsalita ang baguhang ito, at hinila ko na sya. Hindi ko na maantay pa na ma-hubad sya. Simula ng mag-rebelde ako ay pakiramdam ko nawalan na talaga ako ng respeto sa aking sarili at puno nalang ako palagi ng pagnanasa. At gusto kong nasasatisfy ako ng sobra sa tuwing ginagawa ko ito sa iba't ibang lalaki. Hindi din ako nakikipagtalik ng paulit ulit sa isang lalaki At lalong wala akong naging seryosong relasyon. Ang katagalan ay nami-meet ko ang ka-s*x ko ng hanggang 3 beses lang, depende kung nagustuhan ko talaga serbisyo nya. At kung hindi naman ay pagkatapos ng isang bess ay hindi na ito nauulit. Kahit kailan ay hindi ako nagtanong ng pangalan nila, iyon ang rules ko at wala din maaaring magtatanong ng pangalan ko. Kaya ang lagi kong ibinibilin kay bakla na boss ng mga lalaking nakakasama ko ay hotel room number ko lang ang hahanapin. Nag simula ako mag hire ng s*x toy ko simula ng mag 22 ako. Dahil noon ay sa online games lng, sigarilyo at alak ako nagpapalipas ng oras. Nasubukan ko na din tumikim ng droga, pero hindi ko ito nagustuhan. Kaya naman balik ako sa alak, sigarilyo, online games at ngayon ay s*x.
Ahh ahh ahh.. bilisan mo, halikan mo ako, sarapan mo ahmm ahmm ahmm.. Talagang sinasabi ko sa ka-s*x ko kung ano gusto kong gawin nya sa akin, ako nag-uutos sa kanila, at wala silang pwedeng gawin kundi sundin ako. Buhatin mo ako papunta sa bed ko.
Basa po tayo ma'am.
Eh ano naman? Bayad ko ang room na ito, kaya gawin mo lang kung anong sinasabi ko. Kaya naman tumahimik na sya at binuhat ako sa papunta sa kwarto at naupo sya sa kama at ako nmn ay nakapaibabaw sa kanya. Habang patuloy nya akong hinahalikan sa leeg, sa dibdib at nagugustuhan ko iyon. Maya maya pa ay inihiga nya ako at nag-patuloy sa aming ginagawa. Nag-labas pasok sya sa akin, ngunit ng maramdaman kong tila mas nahahayok na sya sa akin ay, itinulak ko ang lalaki palayo sa akin.
Bakit? hindi mo ba nagustuhan? Pero malapit na akong labasan?
Yun nga ang problema! Bakit ka nag-eenjoy? dapat ay ako lang o ako muna ang mag-eenjoy. tumigil na muna tayo, sa banyo ka magparaos mag-isa mo!
Totoo pala usapan ng mga kasamahan ko, baliw nga ang babaeng ito, nakakapag init ng ulo. Tama ba namang bitinin ako. bwiset na babae ito! Kung hindi lang malaking magbayad ito, iiwanan ko na ito.
Ano na? ang tagal mo dyan sa banyo!? Ako pa ba mag aantay sayo? Bilisan mo at nawawalan na ako ng gana!
Yes ma'am lalabas na po. Ma'am, paano tayo magsisimula ulit?
Halikan mo ako, mula sa paa, gusto kong mapaexcite mo ako, at kapag hindi ko nagustuhan ay paaalisin na kita. Kaya nagsimula syang halikan ako sa paa, sa binti, sa hita at nagsimula ulit ako makaramdam ng konting excitement. Ngunit nawalan ako ng gana ng sinubukan nyang halikan ang aking maselang bahagi. Isa iyon sa hindi ko gustong gawin sa akin ng mga lalaking nakakasama ko. Kaya umupo ako at pinigilan sya.
Ano naman po ang problema?!
Umalis ka na, hindi na kita kailangan. ung envelop sa ibabaw ng mesa, kunin mo at lumabas ka na. Siguraduhin mong sarado ang room ko bago ka lumayas.
Hay sige aalis na ako . Bahala ka sa buhay mo! Hay baliw nga ang babaeng iyon, sayang maganda sya, sexy at mukang mayaman. Pero baliw at adik sa lalaki. Sino pa kaya ang magseseryoso sa kanya. Hay buti nlng at malaki sya magbayad, kung hindi at binitin pa nya ako, baka masaktan ko lang sya.
Malimit ay ganito ang eksena ko, basta hindi ko nagustuhan ay pinaaalis ko na ang lalaking inupahan ko para maka-s*x. At naiiwan ako sa hotel, kakain mag isa, maninigarilyo at mag-iinom hanggang sa makatulog ng hindi ko na mamamalayan.
--------------------------
Magandang gabi Sir, nandito na po ako, ipinatatawag n'yo daw po ako?
Anong update kay Louise? anong balita sa pag-tingin sa mga security camera? Nalaman mo ba kung nasaan sya ngayon?
Negative Sir! I apologize pero wala kahit isa sa mga cctv sa paligid ang nakahagip kay Ms. Louise.
Bwiset!!! Nasaang sulok nanaman kaya ng mundo ang babaeng iyon? Ituloy nyo ang pag-hahanap sa kanya at siguraduhin mo na kapag nahuli n'yo sya ay sa resort n'yo dadalahin at hindi sa Mansion. Lalong huwag na huwag n'yo ipapaalam kay Estella. Siya ang aking asawa, ang ina ni Louise.
Yes po Sir! Hindi po kami titigil sa pag-hahanap kay Ms Louise. Aalis na po ako Sir. Salamat po..
Sige makakaalis ka na.. Malilintikan sakin ang batang iyon kapag nahuli na sya. Pinahihirapan nya talaga ako na matagpuan sya, galingan nya ang pagtatago kung ayaw nyang mahirapan sya ng sobra kapag nahuli na sya.
--------------------
Ahhhhhhh... tanghali na pala, aray ko.. ang sakit ng ulo ko... Hindi na ako nakapagdiscon kagabi, nagpakalango nalang ako mag-isa s alak. Kaya eto napakasakit ng ulo ko ngayon. Tumawag ako sa hotel service para magpaakyat ng malamig na malamig na tubig. Un ang mabisang pang alis ng hang over ko.
knock knock..
Tumayo ako, nag-balot ng kumot sa aking katawan, at binuksan ang pinto. Hindi ko na nagawang magbihis kagabi at nalango na ako magisa sa alak, matapos ko mabwiset sa kalaro ko kagabi at palayasin sya. Ang bilis naman ng tubig na ito at naiakyat n agad. nahihilo pa ako tumayo. Pasok at iwan mo nalang ang tubig dyan, magbibihis lang ako. Lumabas ka na agad pagkalapag mo ng tubig sa table. Nagulat ako sa nagsalita.
Ms. Louise! pumasok na ako at isinara ang pinto ng hotel room ni Ms. Louise.
Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap? Alam na ba ng Papa kung nasaan ako? Sunud sunod na tanong ko. Please huwag mo ako isama, ayoko umuwi dun. Hindi ako sasama, at kapag pinilit mo ako ay tatalon ako sa bintana ng hotel na to! Banta ko sa security guard ng papa.
Ms. Louise kumalma lang po kayo. Hindi ko pa po naipapaaalam kay Sir na natagpuan ko na kayo. Gusto ko muna maconfirm na mahahanap ko kayo, bago ako magreport sa inyong Papa.
Nilapitan ko agad ang matipunong Chief SG ng Papa ng malaman kong hindi nya pa ako nairereport. Teka, huwag mo sasabihin kay papa kung nasaan ako ngayon. Paano ba ito, sige babayaran kita. Ipapadala ko sa account mo, basta wag mo lang ako isurrender kay Papa. Hindi ko na kaya sikmurain mamuhay kasama sila, kaya hayaan mo nalang ako mabuhay ng malayo sa kanila. Please naman. Mag-isa ka lang ba?
Yes ma'am mag-isa pa lang ako, at wala pang nakakaalam na pinuntahan kita. Mag-isa ako kumilos sa paghanap kay Ms. Louise. Simula talaga ng maging SG ako sa pamilya Cortes, isang palaisipan din sa akin ang madalas na eksena ng paghabol namin sa anak ni Mr. Cortes. Kaya ngayon ay sinubukan ko mahanap sya ng mag-isa at gusto ko din subukan alamin ang dahilan ni Ms. Louise sa knayang palaging pag-alis at pag-takas.
Oh good! Thank you! paikot ikot ako habang natataranta sa pag-iisip ng paraan para matakasan ang lalaking ito. At kumatok na din ang hotel service na may dalang tubig. At sya na din ang nagbukas ng pinto at kumuha nito.
Ma'am, paumanhin po baka po pwedeng magbihis na muna kayo. Sinabihan ko sya magbihis habang inaabot ang isang baso ng malamig na tubig. Halatang may hang over sya at amoy na amoy sa buong kwarto ang alak, at nakakalat pa ang mga pinag inuman nya.
Ininom ko ang tubig na halos bumuhos na din sa aking katawan dahil nanginginig pa ang aking mga braso dahil sa pagkataranta. Ah Oo nga, hindi pa pala ako nakakapag-bihis. Pero teka mag-bibihis lang ako pero maaari bang lumabas ka na muna?
Hindi po ako lalabas, sasamahan at babantayan ko kita sa labas ng banyo habang nagbibihis. Hindi ko na po hahayaan na makaisip nanaman kayo ng paraan para makatakas.
Ay grabe sasama ka sa pag-bibihis ko? Sigurado ka ba? Hindi ka natatakot?
Sasamahan ko po kayo, babantayan ko kayo sa labas ng banyo.
Ah okay, dahil gwapo ka naman, macho at mukang wala ka nmn plano gumawa ng hindi maganda. Okay sige payag ako. Pero paano kung ako ang may gawin sayo? Anong gagawin mo? gwapo sya talaga at isa yan sa kahinaan ko. kaya sinusubukan ko syang landiin, at baka payagan nya din akong makatakas.
Sige na po at aantayin ko kayo hanggang sa matapos kayo.
Okay yan ang gusto mo. Inihanda ko sa kama ang susuotin kong damit, sinadya kong ilatag sa harapan nya ang panty at bra ko. Saka ako pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nakatapi ako ng tuwalya at lumabas ako s kwarto kung saan nag-aantay ang SG ni Papa.
Ma'am, sa banyo po kayo magbihis. Dahil hindi po ako lalabas ng kwarto nyo.
Edi panuorin mo ako habang nag-bibihis ako, ayaw mo lumabas eh.
Dinampot ko ang susuotin ni Ms. Louise at inihatid sya loob ng banyo saka ako lumabas. Pasensya na Ms. Louise, dyan po kayo magbihis sa banyo.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, nainsulto ata ako sa lalaking ito at halos kaladkarin na ako papasok sa banyo. Feeling naman nya!? Nakakainis ha, sya lang ang lalaking nakatanggi sa kagandahan at kalandian ko. Akala nya ay matino syang tao, parepareho lang ang lahat ng lalaki. Puno ng pag-nanasa at mga walang respeto. Kung makaarte ang isang ito, kung hindi ka lang tauhan ni Papa ay siguradong magkakàndarapa ka din sa akin. Yan ang usap usapan sa loob ng utak ko. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa lalaking ito. Pagkabihis ko ay padabog kong binuksan ang pinto ng banyo. Oh ano na ngayon? San mo ako dadalahin?
Ms. Louise, kumain na po muna kayo bago po tayo pupunta sa resort n'yo. Doon po kayo ipinahahatid ng Papa n'yo.
Ha? ayoko sa resort! Bakit doon? Bakit hindi mansion? Nasaan ba ang mama ko?! Hindi ba nya alam na ipinahahanap pa din ako ng papa?Please hayaan mo nalang akong makaalis mag-isa dito, huwag mo ako dalahin sa nakakadiring lugar na yun. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak at lumuhod sa lalaking nasa harapan ko at makiusap na huwag ako dalahin sa resort ng Papa.
Ma'am, tumayo po kayo dyan, huwag po kayo umiyak. At hindi naman po kayo masasaktan. Gusto lang po makasigurado ng inyong papa na palagi po kayong ligtas.
Hindi yon totoo! Hindi yon ang gusto nya! Ikukulong nya lang ako sa resort at.. Natigilan ako sa aking pag-sasalita ng maalala kong tauhan ng Papa ang kausap ko.
May problema po ba? sabihin n'yo sakin at baka matulungan ko kayo. May gusto bang manakit sa inyo? pwede naman natin ipaliwanag sa inyong Papa ang dahilan kung bakit ayaw nyo umuwi, at para po matulungan kayong maayos ang problema n'yo.
Hindi pwede, basta ayoko dun. Walang naniniwala sa akin sa pamilyang iyon! Lahat sila takot sa Papa. Walang makakatulong sa akin, kaya pabayaan mo nalang ako. Promise lalayo na talaga ako, pupunta ako sa ibang bansa, isurrender ko na lahat ng card ko, basta sabihin mo nalang na nakatakbo ako ulit. Pakiusap naman pakinggan mo ako! Hindi ka din naman maniniwala kahit sabihin ko sayo ang dahilan. Humahagulgol ako ng iyak habang nakikiusap sa lalaking nasa harapan ko. Nagulat ako ng maramdamang hinahagod nya ang aking likuran habang nakaupo sya sa aking harapan.
Kumalma ka lang ma'am, at sabihin mo sakin ang dahilan. Baka may maitulong ako sayo.
Tumayo ako bigla, tumalikod ako at pinunasan ang aking mukha. Kung sasaihin ko ba sayo ay maniniwala ka? Tauhan ka ng Papa at siguradong ipararating mo sa kanya ang lahat ng malalaman mo sakin.
Gusto ko ipangako mo sakin na hahayaan mo akong umalis?
Hindi po ako pwedeng mangako sa inyo, pero titingnan ko kung anong maitutulong ko sa iyo. Kaya sabihin nyo ang dahilan at makikinig ako.
Nanahimik ako at nag-isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan o mag-gagawa ako ng ibang dahilan. Pero hindi ko maunawaan, dahil sa unang pagkakataon ay tila gusto kong magtiwala sa lalaking nasa harapan ko, at umaasang maniniwala sya sa akin at matutulungan nya ako na makatakas. At lalo na ang hindi ako makabalik sa lugar na isinumpa kong balikan simula pa ng ako ay naging 15 years old. Kung kailan ako ay unti unting nagbago at naging rebelde. At bawat pagkakataon na masesermunan ako ng mama dahil sa pagiging rebelde ay sa resort ako inuuwi ng Papa.
----------------