NAGING isang napakalaking bangungot para sa akin ang mga sumunod na araw. Lunes ng umaga. Ang buong Buendia University ay wala nang ibang pinag-uusapan kundi ang naganap sa Charity Gala. “Nakita mo ba?! Nag-bid si Natasha ng 1 Million pesos para kay Prof. Hoffman!” “Saan siya kumuha ng ganoong kalaking pera?!” “Ang suwerte niya! Tatlong oras niyang solo si Prof. Hoffman!” Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa Student Council office, pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinatatayuan ko sa matinding hiyang nararamdaman ko. Pagsapit ng alas-diyes ng umaga, tinawag ako ni Babi sa Finance Table. “Girl...” alanganing sabi ni Babi habang hawak ang official receipt ledger ng university. “Nandito na 'yung billing notice para sa 1 Million pesos bid mo. Sinabi ng University Finance Audit na buk

