Linggo ng umaga. Ang buong university grounds ay napuno ng mga makukulay na banderitas, mga naglalakihang tent para sa iba't ibang departamento, at ang ingay ng libu-libong estudyanteng nag-uunahan sa pagpunta sacovered court. Bilang isa sa mga pangunahing opisyal ng Student Council at committee head para sa mga aktibidad, abalang-abala ako simula pa madaling-araw. Suot ko ang aming official red-and-white Student Council polo shirt, nakatali nang maayos ang aking mahabang buhok sa isang mataas na ponytail, at may suot na ID badge sa aking dibdib habang bitbit ang isang makapal na clipboard para sa listahan ng mga kalahok. “Natasha!” tawag sa akin ni Julian habang naglalakad patungo sa gilid ng volleyball court kung saan nagaganap ang pre-game warm-ups. Suot din ni Julian ang kaniyang spo

