CHAPTER 1

2319 Words
CHAPTER 1 “I am Professor Levi Raphael Hoffman.” Bumagsak ang boses niyang iyon sa buong lecture hall na parang isang napakabigat na hatol. Walang sinumang nangahas na mag-ingay. Kahit ang paghinga ng mga kaklase ko, tila napigil dahil sa pambihirang awra na dala ng lalaking nakatayo sa harapan. Pero ako? Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ako makakurap. Ang bilis at ang lakas ng t***k ng dibdib ko na halos marinig ko na sa sarili kong mga tainga. No... Impossible. Big fat no. Hindi ito maaari. Mali lang siguro ang nakikita ko. Baka gutom lang 'to o kaya'y hallucination gawa ng jetlag at matinding stress sa pamilya ko! Pero kahit anong kuskos ang gawin ko sa mga mata ko, ang lalaking nakatayo sa harap ng lectern na may suot na mamahaling navy suit, malapad ang balikat, matangkad, at may tindig ng isang CEO ay ang eksaktong lalaking ipinag-date sa akin ni Mommy tatlong taon na ang nakararaan sa Munich, Germany. Levi Raphael Hoffman. Pati ang pangalan niya, walang pagbabago. Siya nga. Siya talaga! At ang mas malala? Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi mawala-wala 'yung pamilyar at nakakalokong smirk sa gilid ng mga labi niya habang dahan-dahan niyang inilalapag ang attendance sheet sa ibabaw ng wooden podium. Agad kong iniiwas ang tingin ko at mabilis na nagtago sa likod ng malaking pink backpack ni Babi. Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit na pinatatahimik ang nagwawala kong isip. Holy s**t. Ano 'to? Karma?! Nagsimulang maglakbay ang utak ko pabalik sa eksaktong araw na 'yon tatlong taon na ang nakararaan sa isang upscale, glass-walled cafe sa gitna ng Munich. Alalang-alala ko pa kung paano ako kinaladkad ni Mommy papunta sa cafe na 'yon. Binibihan niya ako ng isang mamahaling designer dress, inayusan nang bonggang-bongga, at pinaalalahanan nang limampung beses na kailangan kong maging charming at ladylike. Dahil ang makaka-date ko raw ay ang anak ng isang kilalang pamilya ng mga negosyante at akademiko sa Europe. Pero nang makarating kami sa cafe, ano ang nadatnan ko? Isang matangkad pero sobrang patpatin na lalaki na nakaupo sa may sulok. Naka-button-down shirt siya na tila sobrang luwang para sa payat niyang frames, may bitbit na napakapal na libro tungkol sa advanced economics, at may suot na makapal at itim na salamin na halos tumakip na sa kalahati ng mukha niya. Naalala ko pa kung paano ako napairap noon habang papalapit sa mesa niya. Inis na inis ako sa mga magulang ko dahil pakiramdam ko ay ginagawa nila akong libreng kasangkapan para makipag-connect sa mayayamang pamilya. Kaya ang ending? Ibuhos ko ang buong inis ko sa kaniya. “So, you're Levi?” 'Yan ang pabalang kong bungad sa kaniya noon habang nauupo ako sa tapat niya nang hindi man lang naghihintay na paupuin niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin noon. Inayos niya ang kaniyang salamin gamit ang dalawang daliri. Walang bakas ng pagkainis sa mukha niya sa kabila ng kabawasan sa respeto na ipinakita ko. “Yes. It's nice to meet you, Natasha,” sagot niya sa isang mahinahon at malalim na boses. Pero dahil sa sobrang arte at sama ng loob ko noon, wala akong pakialam. Buong oras ng date na 'yon, hindi ko man lang siya kinilala nang maayos. Whenever he tried to start a conversation, binabara ko lang siya o kaya'y sinasagot ng tipid na yeah, whatever, at uh-huh. Nang mag-order siya ng kape at pastries para sa aming dalawa, hindi ko man lang ginawa ang magpasalamat. Sa halip, inilabas ko lang ang phone ko at tuloy-tuloy na nag-scroll sa social media, na para bang wala akong kasamang tao sa mesa. “Do you like Munich?” tanong niya sa akin noon, pilit pa ring ibinabalik ang usapan. Tumingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa, kitang-kita ang paghamak sa mga mata ko. “It's fine. Until my parents started forcing me into blind dates with total strangers. Frankly, if you get blown away by a strong gust of wind right now, I wouldn't even be surprised.” I was so rude. Super sungit. Tinawag ko siyang lampasog. Tinawag ko siyang apat ang mata. Tinawag ko siyang walang lasa at sobrang boring. Habang inaalala ko ang lahat ng 'yon, pakiramdam ko ay gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon! Pucha! Bakit ko ba ginawa 'yon?! Dahil lang sa galit ko sa magulang ko, dinamay ko ang isang taong wala namang ginagawang masama sa akin! At ngayon... ang dating payatot na pinagtawanan ko at pinalayas sa buhay ko tatlong taon na ang nakararaan ay nakatayo sa harap ko bilang Professor ko sa university na pinagtataguan ko mula sa mga magulang ko! “Natasha? Hey, Natasha!” Nagulat ako nang tapikin ni Babi ang balikat ko. Napasinghap ako at mabilis na napatingin sa kaniya. “B-bakit?” bulong ko, habang palingon-lingon pa rin sa paligid kung may nakatingin sa akin. “Kanina ka pa tulala diyan, tsaka bakit nakatago ka sa likod ng bag ko?” takang tanong ni Babi habang inayos ang sarili niyang salamin. “Ang tamlay mo bigla. Sabagay, nakakatakot nga ang aura ng prof natin, 'no? Pero grabe, aminin mo... sobrang gwapo niya talaga! Para siyang modelo sa magazine!” Napalunok ako nang malalim. Kung alam mo lang, Babi... Kung alam mo lang kung paano ko ininsulto ang modelo na 'yan noon. “N-normal lang 'yan,” mahina kong maikling sagot habang pilit na ibinababa ang mukha ko. “Don't mind me. Masama lang ang pakiramdam ko.” Habang nag-uusap kami nang patago ni Babi, narinig ko ang muling pagsasalita ni Levi sa tapat ng klase. Ang malamig at may awtoridad niyang boses ay nagpatahimik ulit sa buong silid. “Before we proceed with the course syllabus, let me make things very clear in my class,” panimula niya habang inilalagay ang dalawang kamay sa mga bulsa ng kaniyang slacks. “I value discipline, punctuality, and respect. I do not tolerate excuses, laziness, or students who think they are too good for this subject.” Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon, nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatitig sa pwesto ko sa pinakalikod. Pakiramdam ko ay bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay may patama sa akin. Respect? Laziness? Thinking too good for the subject? Diyos ko, sinasadya niya ba 'to?! “I will be handling Business Management 101 for this semester,” patuloy niya, naglalakad nang dahan-dahan sa harap ng blackboard. Ang bawat hakbang niya ay napakalakas sa katahimikan ng kwarto. “My grading system is strict. Half-baked efforts will net you a failing grade. If you think this class is just a walk in the park, you are free to drop it as early as today.” Rinig na rinig ang mahihinang singhap mula sa mga classmates ko. May ilang bumulong na “Hala, nakakatakot naman,” at “Ang sungit pala talaga.” Pero ako, wala akong ibang iniisip kundi kung paano ako makakalabas sa silid na 'to nang hindi niya nahaharap nang matipuno at eye-to-eye! Wala akong pambayad sa hotel bukas. Zero balance ang mga cards ko. Nagtatago ako sa mga magulang ko para hindi maikasal sa isang matanda. Tapos ngayon, ang nag-iisang klase na kailangan kong ipasa ay hawak pa ng lalaking inisnab ko noon! Ano nang gagawin ko sa buhay ko?! Mabilis na lumipas ang oras habang nagdidtalye siya tungkol sa rules ng class at requirements. Buong isang oras at kalahati akong hindi nag-angat ng ulo. Pilit kong ibinaon ang mukha ko sa hawak kong notebook, nagpapanggap na may isinusulat kahit na puro abstract at bilog lang naman ang iginuguhit ko roon gawa ng matinding nerbyos. “...and that wraps up our orientation for today,” panapos ni Levi matapos ang mahabang pagpapaliwanag. Narinig ko ang paglipat ng mga gamit at ang ingay ng mga upuan habang naghahanda na ang lahat para lumabas. Nakahinga ako nang maluwag. Thank God! Natapos din! Mabilis kong isinara ang notebook ko at inilagay ang registration form sa bag. “Tara na, Natasha! Kain tayo sa cafeteria, gutom na rin ako e!” masayang aya ni Babi habang isinusuot ang kaniyang pink backpack. “Sige, tara, bilis—” Maglalakad na sana ako palabas kasama si Babi nang biglang umalingawngaw ang baritonong boses sa harapan na nagpatigil sa akin sa mismong kinalalagyan ko. “Miss Santos.” Biglang tumahimik ang ilang estudyanteng papatungo sa pintuan. Napalingon din si Babi sa akin, kataka-taka ang mukha. Inangat ko nang dahan-dahan ang ulo ko. Nakatayo na ngayon si Levi sa tabi ng kaniyang desk, inilalagay ang kaniyang mga gamit sa kaniyang briefcase. Hindi siya nakatingin sa akin nang direktang magsalita, pero malinaw kung sino ang tinutukoy niya. “Kindly stay behind. We have something to discuss regarding your enrollment status.” Nanlamig ang buong katawan ko. Enrollment status?! Anong enrollment status?! Maayos ang papers ko! Tumingin sa akin si Babi nang may halong awa at kaba. “Hala, Natasha... bakit ka ipinaiwan? May problema ba sa registration mo?” Pilit akong nagpakawala ng isang feisty pero halatang pilit na ngiti. “I... I don't know. Na-miss lang siguro ako ng registrar. Sige na, Babi, mauna ka na sa cafeteria. Susunod na lang ako.” “Sigurado ka? Hihintayin na lang kita sa labas ng door—” “No, no! Mauna ka na, baka matagalan 'to. I'll catch up later, promise,” pilit kong pagtataboy sa kaniya dahil ayokong marinig ni Babi kung ano man ang sasabihin ng nakakatakot na prof na 'to. Tumango si Babi kahit halatang nag-aalala pa rin. “Okay, sige. Text mo ako kapag tapos ka na, ha?” Napatanong pa ako sa isip ko, dahil hindi naman kami nagbigayan ng numero! Baliw, yarn? Nang wakas ay makalabas na ang lahat ng estudyante, dahan-dahang isinarado ang pinto ng lecture hall. Ayan na. Kami na lang dalawa ang natira sa loob ng napakalaking silid. Tahimik. Sobrang tahimik na kahit ang patak ng aircon ay naririnig ko. Bawat hakbang ko papunta sa tapat ng lectern ay tila napakabigat. Pilit kong ibinabalik ang matapang kong posture 'yung spoiled, feisty, at maarteng Natasha na kilala ng lahat. Ayokong ipakita sa kaniya na natatakot ako o na-iintimidate ako sa kaniya! Tumayo ako sa tapat ng mesa niya, pinaluwag ang balikat, at nagde-kuwatro ng braso sa harap ng dibdib ko. “Is there a problem with my papers, Professor Hoffman?” malamig kong tanong, idine-emphasize pa ang salitang Professor. Dahan-dahan niyang isinara ang kaniyang briefcase. Narinig ang mabilis na click ng lock nito bago siya dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin. Inalis niya ang kaniyang eyeglasses at dahan-dahang pinunasan iyon gamit ang isang malinis na panyo. Tanaw na tanaw ko ngayon ang matatalim, malalalim, at kaakit-akit niyang asul-berdeng mga mata… mga matang walang salamin na nakatitig nang diretso sa kaibuturan ng kaluluwa ko. “Your papers are completely fine, Miss Santos,” malamig niyang sagot habang muling isinusuot ang salamin sa kaniyang tainga. Kumunot ang noo ko. “Then why did you make me stay? Nagugutom na ako at marami pa akong kailangang asikasuhin—” “I just wanted to see,” putol niya sa sinasabi ko. Tumayo siya mula sa kinalalagyan niya at dahan-dahang humakbang papunta sa harapan ng mesa, sumandal doon habang nakatitig sa akin. Sa lapit niyang 'yon, lalong naging halata ang laki ng pagbabago sa katawan niya. Amoy na amoy ko ang kaniyang mamahalin at panlalaking perfume na may halong amoy ng cedarwood at fresh spices. “...if you still remember the man you called payatot and apat ang mata in Munich,” patuloy niya sa isang mababang boses na may halong pang-aasar. Mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko sa sobrang hiya at inis. “That was three years ago!” mabilis kong depensa habang nakataas ang baba. “At tsaka kasalanan mo rin naman! Napakasungit mo rin kaya noon at mukha ka talagang ewan na ewan sa luwang ng damit mo! How was I supposed to know you'd turn out like... like this?!” Isang maliit at nakakalokong ngiti ang lumitaw sa mga labi niya. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. “Like what, Natasha?” bulong niya, ibinababa ang boses na para bang kami lang dalawa ang nakakaalam ng sikreto sa mundong 'to. “Like someone you can no longer push around?” Napa-atras ako ng kalahating hakbang gawa ng matinding tensyon sa pagitan naming dalawa. “Don't act so high and mighty just because you're wearing an expensive suit now, Levi... I mean, Professor Hoffman,” iritable kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin sa dibdib niyang kapansin-pansing malapad sa ilalim ng suit. “Nandito ako para mag-aral. So if you're planning to use your position to get revenge on me for a petty date three years ago, go ahead. I'm not scared of you.” Seryoso siyang tumitig sa akin bago dahan-dahang umiling. “Revenge? No. That's too childish,” sagot niya habang inilalapit ang mukha sa pwesto ko. “But I do hear rumors... A certain German-Filipina student enrolled on a frozen bank account status, currently staying in a budget hotel, and running away from her family.” Biglang nawala ang lahat ng tapang sa katawan ko. Nanlamig ang mga kamay ko at napanganga ako sa gulat. Paano... Paano niya nalaman 'yon?! “How did you...” nauutal kong tanong, nawala na ang matapang kong tono. Tumingin siya sa akin nang may malamig at misteryosong mga mata habang kinukuha ang kaniyang briefcase. “I know a lot of things, Natasha. Especially when it involves you,” malamig niyang sabi habang naglalakad na papunta sa pinto. Huminto siya sa may pintuan at lumingon sa akin. “Enjoy your lunch, Miss Santos. You're going to need all the energy you can get for this semester.” Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, nakatulala, at hawak ang nagwawala kong dibdib habang pinapanood siyang lumabas at isara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD