Chapter 15

1099 Words
Sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ang gumising sa pupungas-pungas niyang diwa. P*nyeta naman ng isandaang beses oh! Ang aga-agang istorbo! Pabulong na angil niya habang nakapikit pa ang mga mata pero agad ding napamulat ng marinig ang tinig ng tiyahin niya na tumatawag. "Sienne, anak gising na!" Napabalikwas siya at tila ngayon lang nakabalik sa ulirat. Sh*t! Hindi pa rin siya nasasanay. Napakagat-labi pa siya bago patamad na bumangon. "Opo Tiya! Gising na gising na po!" sagot niya kahit hindi pa lubos maimulat ang mga mata. Oo nga pala, umuwi siya sa tiyahin niya isang linggo na ang nakalilipas. Isang linggo na rin mula ng takasan niya si Hitler matapos ang panghahalik nito. Ang masaklap lang, kahit nakalayo na siya ay araw-araw naman siyang hindi pinapatulog. Kung maka-flashback naman kasi sa kanya iyon ay parang palaging kahapon lang nangyari. "Lumabas ka na riyan at lumalamig na ang pagkain. Hindi magandang pinaghihintay ang grasya!" "Oho! Sana all hindi pinaghihintay!" pa-hugot na sigaw na sagot niya. Late nanaman siya nakatulog kagabi. Wala nanaman ibang laman ang isip niya kung hindi ang halik ng talipandas na iyon. Ginulo niya ang buhok niya bago nagdadabog na bumaba ng kama at mabilis na pumasok sa banyo para maghilamos. Nakita niya ang tiyahin na abala sa kusina nang makababa siya. Wala si Andeng dahil nasa team building ito. Nalingunan siya ng tiyahin kaya inabutan na siya nito ng plato. "Oh, sumandok ka na ng kanin at matatapos na itong piniprito kong tinapa." Agad naman na naglaway siya sa nakahain sa hapag. Ito talaga ang pinaka-namimiss niya kapag malayo siya sa mga ito. Ang masasarap na luto ng tiya niya at ang mga ulam na pang-probinsiya. Sa maynila kasi ay puro mga ready-to-eat na ang nga pagkain at frozen. Itlog na may kamatis, nilagang talbos at okra na may sawsawang bagoong isda na may siling labuyo, tinapa at ensaladang mangga ang mga nakahain. Kulang na lang yata ay magkorteng puso ang mga mata niya. "Wow, Tiya! Grabe na-miss ko talaga ang mga ganito. Ang sarap! Tara na ho," pag-yaya niya rito bago mabilis na umupo sa bangko sabay taas ng isang paa sa upuan at nagsimulang magkamay na sumubo. Ngumiti naman ang tiya niya at tila lubos na nasisiyahan sa nakikita. Ngunit hindi pa siya nag-iinit sa pagkakaupo at paglantak ng mga pagkain ng may kumatok sa pinto. "Tiya, ako na ho," pagprisinta niya bago mabilis na tumayo habang sinisimot sa daliri niya ang kanin. Nakangiti siyang binuksan ang pinto sa pag-aakala na si Andeng na ang dumating ngunit dagling nabura ang ngiti niya ng mapagsino ito at wala sa loob na malakas na isinarang muli ang pinto. Panandalian siyang napatulala bago napakurap ng muli itong kumatok sa pinto. "Sienne, we need to talk," wika nito sa likod ng pinto. Humugot muna siya ng hinga bago muli itong pinagbuksan. "Ano'ng ginagawa mo rito?" pa-angil na bungad niya. "Mangku, we need to talk," may pagsusumamo sa tinig ng ulitin ang sinambit nito. Kumurap-kurap pa siya dahil hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang talipandas na hindi nagpapatahimik sa sistema niya ng isang linggo. "Pa-paano mo nalaman na nandito ako?" Bumuntong-hininga ito. "I have my ways. We really need to talk, may bagong biktima nanaman ang serial killer," panimula nito. Hindi niya alam kung madidismaya ba siya o ano. Pero sa totoo lang iyon ang pakiramdam niya. Hindi pala ito pumunta roon para lang makita siya, kung hindi para sa kaso at muling pananalakay ng serial killer. Mesheket ah?! "And about what happened last time, pasensiya ka na pero hindi ako magso-sorry. Ginusto ko ang nangyari sa atin - - -," hindi natapos ni Arkin ang sasabihin. "Nangyari? Ano'ng nangyari iyon? Sino ang lalaking iyan, Sienne?" kapwa sila napalingon ni Hitler ng marinig ang tinig ng tiyahin niya. Nasa may likod na pala niya ito at nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Arkin habang nakakunot ang noo at nakapameywang. "Magandang umaga ho. Ako po si Arkin Cordoviz, gusto ko lang ho sana makausap si Sienne tungkol sa - - - uhmmp! " mabilis niyang dinamba si Arkin at tinakpan ang bibig nito. Baka kung ano pa ang masabi ng talipandas. Walang alam sa trabaho niya ang tiyahin niya. "At ano ang nangyari sa inyo na pag-uusapan ninyo? Ito ba ay nobyo mo ha, Sienne?" may himig pang-uusig sa tono ng tiyahin niya ng bumaling sa kanya. Napalunok siya at hindi makasagot. "Sienne," mababa pero may nakakakilabot na hagod ang pagtawag na iyon sa kanya ng tiyahin. Alam niyang nauubos na ang pasensiya nito. Mabait ang tiyahin niya ngunit nakakatakot kung magalit. "Huling beses kong uulitin ang tanong ko, nobyo mo ba ang lalaking iyan?" Syete! Mukhang mapapasubo siya. P*nyeta ng isandaang beses! Mariin siyang pumikit habang hawak pa rin ang bibig ni Arkin. "O-oho, Tiya." Isang hampas sa braso niya ang ibinigay nito sa kanya. "At may nangyari na sa inyo? Jusko kang bata ka! Hindi ganyan ang pagpapalaki ko sa inyo ni Andeng!" parang gusto na siya nito saksaksin sa talim ng mga tingin nito. Nakagat na lang niya ang labi niya. Mas okay na lang na maniwala itong magnobyo sila kaysa ang malaman nito ang trabaho niya at bigyan pa ito ng dagdag alalahanin. "Hala sige, mag-ayos kayong dalawa at sasama kayo sa akin!" pagalit na wika nito at nagmartsa na papasok sa silid nito. Binitawan niya ang pagkakayapos kay Arkin at tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. Napakunot ang noo niya ng makitang nakangiwi ito. "Bakit ganyan mukha mo? Para sabihin ko sa 'yo, wala lang akong choice kaya ko sinabi na jowa kita. Maka-arte ka parang lugi ka pa ah?" angil niya rito at tinapik ang pisngi nito. Pumalatak ito. "Gagi, hindi dahil doon kaya nakalamukot ang mukha ko," wika nito habang pinupunasan ang mukha nito ng kamay. "Eh ano?" "Ang baho ng kamay mo! Pinunas mo ba 'yan sa ano mo?" ngumisi na ito sabay tingin sa pagitan ng hita niya. Ay sh*t! Kumain nga pala siya ng bagoong isda! Gagi. Nakakahiya! Sabay sila napalingon ng lumabas ang tiyahin niya na nakaayos na. Agad siyang tiningnan nito. "Oh, bakit hindi ka pa nagpapalit?" Kumunot ang noo niya. "Saan tayo pupunta, Tiya?" "Kay Mayor, hindi pwedeng nagsisiping na kayo tapos hindi kayo kasal. Juskong mga kabataan kayo! Ala ay, kilos na! Nakakahiya kay Mayor at natext ko na!" Ang tiyahin niya ay dating sekretarya ng Mayor ng bayan nila. Maaga lamang itong nagretiro sa trabaho at nagtayo ng maliit na negosyo para mas matutukan silang magpinsan. Napanganga siya at nagkatinginan sila ni Arkin. Smells trouble. Big f*cking trouble!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD