Chapter 14

1212 Words
Napalunok si Sienne sa sobrang lapit ng mukha ni Arkin sa kanya. Kitang-kita niya rin na halos mag-isang linya na ang makapal nitong kilay at dumikit na ang ilong nito sa ilong niya sa sobrang lapit. Ramdam na rin niya ang pagpaypay ng hininga nito na amoy menthol. Pusang gala! Ano kaya toothpaste nito? Ang fresh ng hininga, ang sarap maghingalo. Char! "Answer me, Sienne," mahina pero may hagod na nakakakilabot na anas nito. Ang mga mata nito ay walang puknat ang paninitig sa kanya habang kinorner naman ng mga braso nito sa magkabilang gilid ang katawan niya. Tumabingi pa ang ulo nito na wari ba ay hinihintay ang sagot niya bago siya sentensiyahan. Lumunok siya muli. Nampusa! Natutuyuan ang lalamunan ko sa pinaggagawa ng lalaking 'to! "Uulitin ko, Mangku. Gusto mo ba ang lalaking walang mata na 'yon?" sa pagkakataong iyon ay inilapit na nito ang labi sa tainga niya kaya lalong nagwala ang buong sistema niya. Bahagya siyang lumayo kaya halos mapaliyad na siya. "Ano ba, Hitler! Umalis ka nga! Ano ba iyang gusto-gusto na yan? Para kang g*go!" bahagya niya itong itinulak. Napatiim ang mga labi nito. Bumaba ang tingin nito mula sa mga mata niya pababa sa labi niya na bahagyang nakaawang. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang mukha niya dahil naalala niya ang pangahas na paghalik nito sa gilid ng labi niya bukod pa roon sa nagising siyang nakalapat ang labi nito sa kanya. Kapwa sila napalingon sa pinto ng tumunog ang doorbell niya. Mabilis niya itong itinulak palayo at inayos ang sarili. Shuta! Ang puso ko lalabas na yata sa dibdib ko! Bakit ba nagbibigay ng mix signal ang talipandas na lalaking 'to?! Naiinis na nalilito ang isip niya. Napaigtad siya ng muling tumunog ang doorbell. Agad niyang binuksan ang pinto habang nakasunod sa likod niya si Arkin. Nakabusangot pa rin ang mukha nito lalo na ng mabungaran ang nakangiting mukha ni Rohui. "Ikaw nanaman? Epal ka rin eh no?" singit agad ni Arkin sabay hila sa kanya paalis sa pinto at ito ang humarap sa lalaki. Makaasta akala mo siya ang may-ari ng bahay! "Sienne, pasensiya ka na pero pwede ba ko makahiram ng screw driver? Iyong cabinet kasi sa unit ko lumuwag ang turnilyo parang itong taong nasa harap ko," nakangiting patutsada pa nito kay Arkin. Nakatingin lang ito sa kanya na tila hindi nakikita ang nakabusangot na mukha ni Hitler sa harapan nito. Imbes na sasagot siya ay naunahan nanaman siya ni Arkin."Bakit dito ka naghahanap ng screw driver? Mukha ba kaming hardware?" Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis sa dalawang lalaking nasa harapan niya. Parang mga manok na nagsasabong ang mga ito. "Ahmm, pumasok ka muna, Rohui. Hahanapin ko lang kung may screw driver ako," singit niya sa pagitan ng masamang palitan ng tingin ng dalawa. Hinila niya ang braso ni Arkin para magkaroon ng daan si Rohui makapasok. "Seriously, Mangku? Papapasukin mo ang singkit na 'yon? Ni hindi mo nga siya kilala!" pabulong na angil nito sa kanya habang hila niya ito papunta sa sala. Patamad na tinignan niya ito. "Tumahimik ka na, Hitler. Ikaw din naman estranghero pero pinapasok din kita. Kaya tumigil ka na, okay?" napapagod na wika niya rito. Naiinis na kasi siya sa inaarte nito. Wala namang ginagawang masama iyong isa. Mabuti na nga lang at cool lang si Rohui at hindi ito pinapatulan. Kung hindi, baka naghalo na ang balat sa tinalupan sa loob ng unit niya. Tila naman nasaktan ito sa sinabi niya at tuluyan ng hindi umimik. Gusto niyang bawiin ang sinabi, pero alam naman niyang hindi na niya magagawa iyon. Hinayaan na muna niya ito at pumunta sa stockroom para icheck ang mga tools niya. Nang lumabas siya ay magkatapat ng nakaupo sa sofa ang dalawa na kahit hindi nag-uusap ay parang pinapatay na sa isip ang isa't isa sa paraan ng pagtititigan. Inilapag niya ang tool box at binuksan. Dinig niya ang mga yabag ng paglapit ng dalawa sa kaniya mula sa pagkakaluhod sa sahig. "Let me help you, Sienne. Nakakahiya na sa 'yo," si Rohui na agad na lumuhod din sa sahig at inagaw ang tool box sa kanya. "Mabuti naman marunong ka pala n' on, Singkit?" patuyang singit ni Arkin na ramdam niyang tumabi sa kanya. Nambabakod yarn? Ngumisi lang si Rohui bago kinalikot ang toolbox at kinuha ang tatlong screw driver na magkakaiba ang sukat. "I'll borrow these, Sienne. Ibabalik ko na lang mamaya. Hopefully, wala ng masamang hangin sa paligid." Kita niya ang sinusupil na ngiti nito sa labi. Ito talagang lalaking 'to palagi na lang nakangiti kaya lalong sumisingkit. Isinara nito ang toolbox at tumayo na. "At least hindi mukhang virus katulad mo," pabulong na rebutt naman ni Arkin. "Hitler," naiinis na sambit niya sa pangalan nito para manahimik na. Tumalim naman ang mga mata nito na tila nagagalit sa kanya. Wala naman siyang kinakampihan sa dalawa pero kailangan na niya sawayin ito para hindi na humaba pa. Pero tila pakiramdam ni Arkin ay kinakampihan niya si Rohui. Napapailing na lang siya na igiya ang lalaki hanggang pinto. Nang makalabas na si Rohui ay maingat niyang isinara ang pinto. Nang maipinid niya ito ay napatili siya ng biglang may matitigas na bisig ang humaklit sa kanya at mabilis siyang isinandal rito. "Ayyy! Uhmmp---" Ang mga kamay niya ay mabilis nitong naitaas at ipinako sa may ulunan niya at walang kaabog-abog na kinuyumos siya ng mapagparusang labi nito at tuluyang nilunod ang tili niya. Hindi niya napaghandaan ang pag-atake nito. Ang totoo, naiwan siyang nanlalaki ang mga mata at hindi makakilos. Pakiramdam niya ay may mga paru-paro sa loob ng sikmura niya habang magkalapat ang mga katawan at labi nila ng talipandas na 'to. Napakurap siya ng maramdaman ang paggalaw ng labi ni Arkin at ang pagtatangka nito na makapasok sa bibig niya. Mariin at puno ng intensidad ang paraan ng paghalik nito. Humahagod at tila tinutunaw ang sistema niya. Sinikap niyang kumilos para makawala rito bago pa man tuluyang bumigay ang maharot na pakiramdam niya. Pero mas lalo lamang siyang nababaon sa pagitan ng pinto at mainit na katawan nito. Napaawang ang labi niya at nagtagumpay na makasalakay sa loob ng bibig niya ang labi ni Arkin ng kagatin nito ang labi niya. Anak ng pusang gala! Ayaw man niya aminin pero nagugustuhan niya ang halik nito. Kakaiba at mas masarap ang pinapalasap sa kanya nito kaysa sa kung ikukumpara no'ng una na naglapay lang ang labi nila. Syete! Kapwa nila habol ng hininga ng tumigil si Arkin sa paghalik sa kanya. Inilapat nito ang noo sa noo niya at ibinaba ang mga kamay niya pero agad naman itong pumulupot sa beywang niya at ang isa naman ay umangat para haplusin ang labi niya. "Don't make me feel mad again, Milashka. You will never like it. Iba ako magparusa at gumanti kaya sundin mo ang sinasabi ko," sambit nito sa pagitan ng paghabol ng hininga at paghaplos sa mukha niya. Tila may kilabot na hatid ang sinambit nito pero mas lamang na nalilito siya sa pinagsasabi nito. Kumunot ang noo niya. "Ano? Anong parusa pinagsasabi mo?" Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito. "Kapag pinarusahan kita, siguradong hindi ka dadatnan ng siyam na buwan," paanas na wika nito bago mabilis na muli nitong sinakop ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD