Mabilis na pinindot ni Sienne ang elevator para manatili itong bukas ng makita ang isang bulto ng tao na may buhat na patong-patong na boxes. Halos matabunan na ng mga dala ang mukha nito. Mabilis at pagewang-gewang itong lumalakad habang sumisigaw ng "wait" para sa elevator.
Paakyat na siya sa apartment niya dahil namili siya ng stock na grocery para sa bahay. Nitong mga nakaraan kasi ay tila madalas ang mga nagiging "bwisita" niya sa bahay. Kung hindi kasi ginagawa na restaurant ang bahay niya para roon makikain ay ginagawa naman itong cooking school para roon magpaturo kung paano magluto. Mas lumaki tuloy ang gastusin niya sa grocery. Hays!
"Thank you, Miss!" wika ng lalaki ng makapasok sa loob ng elevator. Bahagya itong sumilip mula sa patong-patong na karton na hawak para tumingin sa kanya.
Nakangiti ito kaya halos mawala na ang mga mata nito. Tantiya niya ay halos nasa 6 feet ang taas at malapad ang mga balikat at may katamtamang laki ng braso. Medyo naka-flex ang mga iyon na bumakat sa t-shirt nitong puti na suot habang bitbit ang mga kahon. Namumula ang pisngi nito na halatang makinis kahit na pawisan. At infairness, walang pores si koyaaaa!
Sh*t! Ano ba iniisip ko?
Ngumiti siya pabalik dito at tumango.
"I know this is too much to ask, but can you press the 7th floor please? Pasensiya na, I just can't do it with these stuff in my hands," medyo alanganin pa ito na ngumiti na tila nahihiya talaga.
Ngumiti rin siya rito. "No problem. Naka-press na ang 7th floor."
"Oh, sa 7th floor din ba ang unit mo?" tila may kislap ng tuwa ang mga mata nito. Siya naman ay napapangiwi dahil parang siya ang nahihirapan dito. Ewan ba niya kung bakit hindi man lang nito ibaba ang mga bitbit.
Marahan siyang tumango. "Bakit hindi mo muna ibaba iyang mga kahon? Hindi ka ba nangangawit?"
Muling nawala ang mga mata nito ng ngumiti sa kanya. "It's okay, exercise ko na rin ito. Besides, medyo sensitive ang mga laman ng boxes kaya I can't just put it down. By the way, anong unit mo? I'm glad na may nakilala na agad akong bagong neighbor. At least it will be easier for me to adjust."
Nag-alangan siyang sagutin iyon. Estranghero pa rin kasi ito, kahit napaka-friendly ng poging personality nito. Wait, sinabi ko bang pogi? Oo nga, pogi nga. Very Oppa. Jeez!
Napakurap siya ng marinig niya ang mahinang tawa nito. "Pasensya ka na, mukhang masyado akong naging feeling close agad. By the way, I'm Rohui Cho. Sa apartment 750."
"I'm Sienne," sabay sila napalingon ng tumunog ang elevator at bumukas na iyon. Pinindot niya ang button para hindi agad iyon sumara. "Go ahead," sambit niya at inilahad ang kamay na nagmumuwestra na lumabas na.
"Thank you, Sienne. It's nice to meet you," wika nito at bahagya pang tumungo sa kanya dahilan para mahulog ang isang box na dala nito.
Mabilis siyang lumapit at inilapag muna sa sahig ang dala niyang plastic ng grocery. Tumapon ang laman ng box na puro libro.
"Oops, sorry about that, Sienne. Ako na riyan." Akma nitong ibababa ang mga dala ngunit maagap niyang pinigil ito.
"It's okay. I'll walk you to your unit," wika niya sabay buhat sa box at pinulot ng isang kamay ang plastic ng grocery niya.
"Gusto ko ng ikahiya ang sarili ko. It should be a man helping a woman and not the other way around. I really felt so embarrassed now," umiiling ito sabay yuko na tila itinatago ang mukha nito.
Natawa siya. "Tama na ang emote. Hindi na uso ang mga ganyan dahil may gender equality na tayo. A man also needs help of a woman, that's the reality. But that doesn't make them less of a man, in my own point of view."
Nakita niya ang pag-awang ng labi nito. "Woah!" tanging nasabi nito habang nanlalaki ang singkit na mga mata. Admiration is written all over his poreless face.
"Woah woah ka riyan. Tigilan mo 'ko." inirapan niya ito at mahinang tumawa. Sumabay siya sa pagtigil nito ng tumapat sa pinto.
Doon lang nito ibinaba ang mga hawak na boxes at dinukot ang susi sa bulsa nito bago mabilis na inabot mula sa kamay niya ang buhat na box at ipinatong sa iba pang boxes sa sahig.
"Thank you, Sienne. Would you like to come inside to grab some coffee or snack?"
Umiling siya. "Hindi na, salamat."
Hinilot nito ang batok na tila nahihiya na hindi niya mawari. Namumula rin ang tainga nito. Ang puting t-shirt nito ay basa na ng pawis pero bakit parang ang bango pa rin tingnan? Maygad self!
Kapwa sila napasinghap ng biglang malaglag muli ang box na ipinatong nito at tumapon ang mga libro. Sabay silang lumuhod at pinulot ang nagkalat na libro. "Kaya ko na 'to, Sienne. No need for you to help. Masyado na kita naabala."
Pumalatak siya pero nagpatuloy pa rin sa pagpulot ng libro. "Mukhang mahilig ka magbasa ah?" sinipat niya ang mga libro. Mayroong about agriculture and landscaping, may human anatomy, may computer coding at criminal psychology.
Binuklat niya ang isang libro at babasahin sana ang mga may guhit ng highlighter doon pero agad nitong kinuha iyon sa kamay niya. "Hindi naman, pero kailangan lang. I'm a College Professor. I just got hired to teach that's why I moved in here para hindi ako mahirapan sa byahe."
Sabay silang tumayo at hinabol pa niya ng tingin ang pag babalik ng lalaki ng mga libro nito sa box.
Tumango-tango siya. Akma siyang sasagot ng makarinig ng tikhim mula sa likuran niya. "Mangku."
"Oh, Hitler. Ang aga mo naman yata?" turan niya rito. Nakahalukipkip ito at nakasalubong ang kilay. Konti na lang parang magpapalitan na yata ng puwesto ang mga ito sa tindi ng pagsasalubong.
"Oo nga, kayo rin ang aga ninyo. Intsik ba kayo?" pumaling ng tingin si Arkin kay Rohui. Sarkastiko ang itsura nito.
Ngumisi naman si Rohui at bahagyang pinalis ang pawis na tumutulo sa noo. "Hindi ako Chinese, Korean ako pare. I'm Rohui Cho, new neighbor of Sienne," bumaling si Rohui sa kanya at ngumiti. Tila balewala lang rito ang kagaspangan ni Arkin.
Agad naman siyang napalingon kay Arkin ng maramdaman ang kamay nito na humawak sa kanya at hinatak na papunta sa pinto ng unit niya. Inagaw nito ang plastic ng grocery sa kamay niya.
Napalingon siya sa likod ng magsalita si Rohui matapos nila na makatapat sa pinto ng unit niya pero ramdam niya ang higpit ng hawak ni Arkin sa braso niya. Pakiramdam niya ay gusto na siya nito patagusin sa pintuan.
"Wow! Unit 749 ka? Magkatabi lang pala ang unit natin!" masiglang wika ni Rohui. Nilingon niya ito habang sinususian ang lock. Ngumiti siya rito at tumango pero napasinghap siya ng biglang agawin ni Arkin ang susi sa kamay niya at ito na ang nagsusi. Sabay hila sa kanya papasok.
Atat na atat???
Nilingon niya si Rohui na nakatayo pa rin sa tapat ng pinto nito at nakalagay sa beywang ang isang kamay habang ang isa naman ay kumakaway sa kanya at nakangiti hanggang mata.
"Kaway-kaway pa. Mukha namang pusa na kumakaway sa feng shui!" bulong-bulong na maktol nito.
Napakurap siya dahil ng maipasok siya nito sa loob ng unit ay pabagsak nitong isinara ang pinto.
Hinatak siya nito hanggang mapaupo siya sa sofa habang ang mukha nito ay hindi pa rin maipinta.
"Problema mo ba, Hitler?"
"Wala!" ingos nito sa kanya at padabog na umupo sa tabi niya sabay muling halukipkip. Para itong bata na tinotopak dahil hindi nabigyan ng kendi.
Abnormal na talipandas.
"I don't like that guy," muling wika nito habang hinuhubad ang suot na jacket at may folder na inilapag sa coffee table.
Tumayo si Sienne matapos itong irapan. "Bakit tinanong mo ba siya kung gusto ka rin niya?" sambit niya habang sarkastikong nakangisi rito pero agad nabura ang ngisi niya ng makita niya ang pagdilim ng anyo nito.
"Bakit ikaw gusto mo ba siya?" tumayo ito at dahan-dahan na lumalapit sa kanya kung kaya't napapaatras din siya sa bawat hakbang nito.