Chapter 17

1071 Words
"Andeng?" tawag niya sa pinsan matapos kumatok sa kuwarto nito. Pinihit niya ang seradura at inilusot ang ulo. Nakita niya ang pinsan na nasa kama at nakatingin sa cellphone nito. At gaya kanina, tila hindi nito narinig ang pagkatok niya. "Andengot!" muling tawag niya sabay diretso hakbang na papasok. "A-ate Sienne! May kailangan ka?" tila nautal pa ito sabay lapag ng cellphone at sumandal sa headboard ng kama habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maintindihan pero iba talaga ang pakiramdam niya sa ikinikilos ng pinsan. Sa totoo lang ay simula ng dumating siya ay tila may kakaiba rito. Tatanungin niya nga rin ang tiyahin niya kung may napapansin din ito. "Kanina pa 'ko kumakatok pero hindi ka nasagot. May problema ka ba?" diretsang tanong niya. Tila panandalian itong natigilan pero agad din na ngumiti at umiling. "Wala 'no! Hindi ko lang talaga narinig ang pagkatok mo." Umusog ito at tumabi siya ng pagsandal sa headboard. "Eh bakit hindi mo 'ko narinig? Gusto mo bilihan kita ng cotton buds? Napapadalas na pagkabingi mo." Nilingon siya nito at niyakap habang nakangiti. "Ate naman eh!" Niyakap niya ito pabalik pero hindi maalis ang pag-aalala niya rito. "Andeng, seryoso ako. Ano ba ang gumugulo sa 'yo? Napapansin ko ang madalas na pagkatulala mo simula pa ng dumating ako rito," bahagya niya itong inilayo pero mas hinigpitan lang nito ang yakap sa kanya. "Wala nga, Ate. Marami lang akong iniisip sa trabaho." "Bakit? May nambu-bully ba sa iyo roon? Sabihin mo lang at ako haharap!" Mahina itong tumawa. "Ate Siening, baka nakakalimutan mo na hindi na 'ko bata. Tsaka lagi kong tinatandaan ang tinuro mo sa akin, na lalaban tayo kapag may umaapi sa atin," sagot nito sa kanya pero hindi niya makita ang mukha nito kaya hindi niya mabasa ang kilos nito. Bumuntong-hininga siya."Nag-aalala ako sa' yo, Andeng. Kung may problema ka magsabi ka ha? Hindi ikaw iyan. Kung sino ka man umalis ka sa katawan ni Andengot!" sambit niya at tinampal ng mahina ang pisngi ng pinsan na ikinatawa nito. Kumalas na siya ng pagkakayakap dito at pinisil muli ang mga pisngi nito. Kumilos ito at inabot ang cellphone sa gilid. "Picture tayo, Ate." Nag-pose sila at nag-selfie na dalawa ng iba't ibang anggulo. Tinitigan niya ang pinsan habang nakatitig ito sa mga litrato nila sa cellphone nito. "Oh, bakit ganyan ka makatitig sa pictures natin?" Nilingon siya nito at pinakunot ang ilong. "Ang ganda ko kasi talaga kapag ikaw ang katabi ko." Hinatak niya ng mahina ang buhok nito. "So ano gusto mo palabasin? Na ang pangit ko?" Gumaan ang loob niya ng marinig ang malakas na tawa nito habang nakahawak sa tiyan nito. Nang tumigil ito ay tumunghay sa mukha niya habang pinapahid ang luhang nangilid dahil sa pagtawa. "Sasakalin ako ni Mama kapag sinabi kong ang pangit mo. Lagi tayong ipinagmamalaki no'n sa lahat ng makausap." Napangiti siya. Walang hindi nakakakilala sa kanila ni Andeng sa barangay nila at palaging nakapila ang mga gustong kunin sila para lumaban sa mga pageant. Na parehas naman nilang magpinsan na hindi gusto. "Anong si Tiya lang? Pati ako sasakal sa 'yo no! Mas maganda 'ko sa 'yo ng isang paligo!" "Weh? Kahit hindi ka naman talaga naliligo araw-araw?" pang-aasar nito. Hinampas niya ito sa braso. "Wala sa usapan ang realtalk!" "Pero mukhang maliligo ka na araw-araw, dahil may pogi ka ng asawa," tudyo nito. Sinamaan niya ito ng tingin. "Iyon? Pogi?" Tumango ito at ngumisi. "Yieeee, kunwari pa siya!" "Eh hindi naman talaga siya pogi!" giit niya. Pinasingkit ni Andeng ang mga mata na wari ba ay hindi talaga kumbinsido sa sinasabi niya. "Memetey? Mabaog man, hindi talaga?" Mabilis niyang kinurot ito sa tagiliran na ikinatawa nito. Nang magsawa silang dalawa ni Andeng sa harutan ay nagpasya na siyang lumabas ng kuwarto nito. Gustuhin man niya na matulog na katabi nito, pero ito na mismo ang tumanggi na hindi na rin niya tinutulan para makapag-usap sila ni Arkin tungkol sa kaso na hawak nila. Iniwan niya ito kanina sa kuwarto niya para makapagbihis at makapahinga. Kailangan pala nila mag-usap dahil luluwas na ito pabalik ng maynila bukas. Bukod sa kaso, kailangan din nila linawin ang kasal na naganap kanina. Napahugot siya ng hininga. Tila ang daming bumabagabag sa kanya ngayon. Ang kaso. Ang biglaang kasal nila ni Hitler. At si Andeng na tila may kung anong kutob sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. Marahan niyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto at hinanap ng mga mata si Arkin. Napabaling ang tingin niya sa pinto ng banyo ng bumukas iyon at lumabas si Hitler na nakaboxers lamang at walang suot na pang-itaas. May hawak itong tuwalya at ipinupunas sa buhok nito. Sinundan ng mga mata niya ang butil ng tubig na tumutulo mula sa mamasel na dibdib nito pababa sa linya ng mga abs nito. Syeeet! "Pinagpapantasyahan mo nanaman ako, Mangku. Pasalamat ka asawa na kita, kung hindi kakasuhan kita ng rape with consent," pang-aasar nito na nagpabalik ng ulirat niya. Nakita niya ang nakapaskil na mapang-asar na ngisi sa mukha nito. Lumapit pa ito at tila ibinabandera pa talaga ang katawan sa harap niya. "Pantasya mo mukha mo! At para sabihin ko sa 'yo, walang rape with consent 'no. Try mo ulit mag-aral ng saligang batas!" Hindi na niya alam ano ang pinagsasabi niya. May saligang batas pang nasali sa usapan. Yawa! Tumawa ito at ibinaba ang tuwalya na hawak sa may armrest ng sofa sa kwarto at naglakad palapit sa kanya. "Mayroon, Mrs. Cordoviz. Papayag ako gahasain mo, basta magpaalam ka lang." Kumindat pa ito sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. P*nyeta talaga 'tong lalaking' to eh! Masyadong maharot! Hindi pa naman siya sure kung kakayanin niya na huwag bumigay rito. Anak ng leche flan! Lumunok siya at pilit pinatatag ang mga tuhod na bahagyang nanginginig. Hindi naman siya natatakot pero hindi niya alam bakit nanghihina ang mga tuhod niya sa presensiya pa lang ng talipandas na lalaking 'to. "Tigilan mo nga ko, Hitler. Magbihis ka at huwag mo ibandera iyang katawan mo sa akin dahil nakaka-insecure!" pairap na wika niya habang pilit pinatatatag ang sarili. Lumakad siya at nilampasan ang lalaki. Kumunot ang noo nito. "Nakaka-insecure? Ang alin, Mangku?" Nilingon niya ito. "Nakaka-insecure iyang dibdib mo! Mas malaki pa sa dibdib ko eh!" wika niya sabay baba ng tingin sa dibdib niya na tila pinagkukumpara ang mga iyon. Tumawa ito ng malakas at mabilis na lumapit sa kanya na tila nanggigigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD