Chapter 18

1239 Words
"Sienne?" napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya. Kasalukuyan siyang namimili ng rekado para sa pananghalian nila mamaya. Nagprisinta siya sa tiyahin na siya na lang ang mamalengke ng araw na iyon. Mukha kasing hindi maganda ang pakiramdam nito. Si Andeng naman ay hindi pa nalabas ng kuwarto, habang si Arkin naman ay iniwan niyang tulog na tulog pa. Hindi niya alam kung ano'ng oras ito luluwas pabalik sa HQ. Nasabi nito na may lead sila sa serial murder case, at isa ang lugar nila sa posibleng pinagtataguan ng suspek. Nilingon niya ang tumawag sa kanya at pilit itong kinikilala. Sumingkit pa ang mga mata niya bago tila biglang nahanap sa kanyang memorya kung sino ito, "Larry?" Lumapad ang ngiti ng lalaki at maliksing lumapit habang walang patid ang paninitig sa mukha niya. Medyo nailang siya lalo ng maalala ng tuluyan ang lalaki. Isa ito sa masugid na manliligaw niya noon. Halos tila papunta na nga yata sa obsesyon ang pagkahumaling nito sa kanya at naputol lang iyon ng umalis na siya sa lugar na iyon at naging miyembro ng V Queens. "Akala ko namamalikmata lang ako na nakita kita. Ikaw nga talaga 'yan," may pagkasabik sa mukha at tono nito. Alanganin man ay ngumiti siya rito. "Uhm, sige ha una na 'ko. Tanghali na kasi, kailangan na ni Tiyang itong mga pinamalengke ko," maayos na paalam niya rito at akma ng tatalikod ng pigilan siya nito at hinawakan ang bayong na bitbit niya. Nilingon niya ito. Biglang tila nahiya ang mukha nito sabay yuko ng ulo at sinuyod ng kamay ang medyo wavy nitong buhok. "S-sorry. Pero pwede ba kita maihatid?" Tatanggi na sana siya ngunit muli itong nagsalita. "Please? Kahit ngayon lang mapagbigyan mo 'ko, Sienne," may lungkot sa boses na turan nito. Bumuntong-hininga siya. Hindi naman siya natatakot dito dahil kahit may gawin ang lalaki sa kanya ay alam niyang maipagtatanggol niya ang sarili. Pero gayunpaman ay kailangan niya pa rin maging alerto at mag-ingat. "Okay," napipilitang sagot niya. Tila naman nagningning ang mga mata nito sa pagpayag niya. Agad nitong kinuha sa kamay niya ang bayong na hawak. "Ako na ang magdadala nito. Dapat sa katulad mo ay hindi napapagod. Kung ako magiging asawa mo, sisiguraduhin ko na wala kang ibang gagawin kung hindi ang maging reyna ko lang." Gusto niyang mapangiwi sa pinagsasabi nito. Hindi kilig ang nararamdaman niya kung hindi kilabot. Lalo na sa paraan ng pagtitig nito. May itsura naman itong lalaki, matangkad at makinis ang balat. Maamo ang mukha nito, pero tila may malalim pa itong personalidad na hindi niya matukoy. Tila ito isang tupa na maaring biglang mag-anyong lobo kung sasagarin ang pasensiya. Bukod pa roon ay pamangkin ito ng gobernador sa lugar nila kaya marami rin ang ilag dito. Napalingon siyang muli rito ng dugtungan pa nito ang sinasabi, "O kung mapagod man kita, malamang habang gumagawa lang tayo ng mga supling." Kita niya ang multo ng ngisi nito. Nakakubli iyon pero hindi nakaligtas sa paningin niya. G*go! Gusto na niya pagsisihan ang pagpayag na maihatid nito pero wala na siyang magagawa. Inipon na lang niya ang pagpipigil na huwag itong gulpihin. Nang malapit na sila sa bahay ay natanaw na niya si Arkin sa may tarangkahan habang nakahalukipkip. Luminaw ang mukha nito na alam niyang nakasimangot habang naglilipat-lipat ang tingin sa kanya at sa kasama niya na parang tuko at laging nakadikit sa kanya habang naglalakad. "Bakit ka umalis na hindi ako kasama?" salubong na angil ni Arkin sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. Parang malapit na mag-isang linya ang kilay ng lalaki dahil sa pagsasalubong. "Eh tulog ka pa, alangan naman na istorbohin pa kita? Tsaka kaya ko naman," mahinahong sagot niya. Wala siya sa mood makipag-debate rito. Nilingon niya si Larry na tila umaapoy ang mga mata habang nakatingin kay Arkin. Kinuha niya ang bayong dito. "Thank you, Larry," pagpukaw niya rito. Tinignan siya nito. "Sino siya, Sienne?" tanong nito. Wari bang kahit may hinala na ito ay gusto pa rin na marinig ang sagot. "Ako ang asawa ni Sienne. Kaya kung ako sa iyo, dumistansiya ka na sa asawa ko," mahinahon pero may pagbabanta ang boses ni Arkin. Tumawa ng pagak si Larry sabay himas sa baba. "Asawa? Totoo ba, Sienne?" "Oo, Larry. Sige na, umuwi ka na. Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka," pagtataboy niya rito. Ramdam na niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki sa harap niya. "Kayo ang mag-ingat," pagdaka ay mahinang sagot nito bago tuluyang tumalikod. Sinipa at sinuntok pa nito ang puno bago mabilis na tumakbo palayo. Binalingan niya si Arkin na naglakad na rin pala papasok ng bahay. Siraulong 'yon, hindi man lang siya hinintay! Kasalukuyan silang nasa hapagkainan at kumakain ng tanghalian. Siya na rin ang nagluto dahil matamlay pa rin ang Tiya Alice niya. Sinabawang tahong na may malunggay, pritong tilapia at ginataang suso ang iniluto niya. Si Arkin ay tila tinotopak at hindi siya pinapansin simula ng dumating siya mula sa palengke. Talipandas talaga! "Ang sarap naman nitong tahong, Tita!" sambit ni Arkin habang binubuksan ang shell ng ikalawang tahong. Sobrang magana nitong nilalantakan ang niluto niya. Ngumiti si Tiya Alice kay Arkin. "Hindi ako ang nagluto niyan kung hindi ang asawa mo." Saglit itong natigilan. Akala niya ay hindi pa rin siya nito papansinin ngunit dagli rin itong bumaling ng tingin sa kanya. Napalunok siya ng magtama ang mga mata nila habang inilalabas nito ang dila at kinukuha ang kuntil na laman ng tahong. "Ang sarap ng tahong mo," pabulong lang iyon. Ay hindi, he just mouthed it directly to her. Napalunok siya sa ginawa ng haliparot na lalaki. Parang uminit ang paligid at pinagpapawisan siya. Gano'n na ba karumi ang isip niya? P*nyeta! "Masarap din ang tilapia at suso mo, Mangku," kaswal na muling papuri nito sa luto niya pero gaya ng tahong ay iba rin ang interpretasyon niya sa winika nito. Lalo siyang nainitan ng pinaikot-ikot pa nito ang dila sa hinigop na shell ng suso at ilabas pasok iyon sa bibig na tila nananadya. Bakit ba pakiramdam niya ay dibdib niya ang pinaglalaruan ng dila ng talipandas na 'to?! Ipinilig niya ang ulo at tinignan ang mukha nito. Kita niya ang pilyong ngisi na naglalaro sa labi nito kaya mabilis niyang sinipa ito sa binti sa ilalim ng mesa na ikina-igik nito. "Aww!" hiyaw nito dahil matapos niya masipa ang gulugod nito ay siya namang pagtama rin sa ilalim ng mesa ng tuhod nito. "Buti nga sa 'yo!" mahina pero pagigil na sambit niya rito. "Ano nangyari sa iyo, Hijo?" baling ni Tiya Alice kay Arkin na ngayon ay hinihimas ang tuhod at gulugod ng binti. "Wala ho, Tita. Nag-cramps lang." Sinimangutan siya nito na ikinangisi naman niya. Namumula rin ang mukha nito. Hindi niya malaman kung dahil sa sakit ng pagsipa niya o dahil sa inis sa kanya. Gustong-gusto niyang humalakhak pero nagpigil siya. "Tigilan mo kakasimangot, Hitler. Nagmumukha kang kulubot na hotdog. Overcook yarn?" mahinang dagdag asar niya pa rito. Hindi na niya ikinubli ang lapad ng ngisi niya rito. Ngunit sa gulat niya ay ngumisi rin ito pabalik sa kanya at tila nakarekober na sa sakit. "Kulubot na hotdog? Ipapakita ko sa 'yo mamaya. Ikaw na ang magsabe kung overcook ba ang hotdog ko o medium rare," anas pa nito habang bahagyang nakadukwang sa kanya. Kinindatan pa siya nito habang nakakagat sa mapupula nitong labi. Holy sh*t! Mukhang mapapakanta siya ng 'Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?' Char!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD