Chapter 19

1438 Words
Kasalukuyan silang nasa presinto ng Sta. Elena. Katabing barangay ito ng barangay nila. Napasugod sila sa lugar ng mabalitaan na may babaeng natagpuang walang buhay sa may talahiban. Kaparehas ng pattern at palatandaan ng sa serial killer na hina-hunting nila. "Commander Cordoviz, ikinagagalak ko kayong makilala. Chief Robert Mallari, ang hepe ng presinto na ito," pagpapakilala nito kay Arkin. Kapwa inilahad ng mga ito ang mga palad at nagkamay. "It's an honor to meet you, Sir. And by the way, this is Sienne," baling nito sa kanya na nahuling pumasok sa presinto dahil nagmasid-masid pa siya sa paligid. Umawang ang labi niya kasabay ng panlalaki ng mga mata ng bumaling sa ipinakilala ni Arkin. "Hoyyy! Mister Abs!" halos mapatili siya habang itinuturo ang lalaki. "Miss Jebs!" ganting sambit naman ng hepe na kagaya niya ay tila aliw na aliw na nakita siya. Hinampas niya ang balikat ni Chief Mallari ng makalapit dito. "Gagi, naging hepe ka?" Nameywang naman ito at tila nagmamalaki ang mukha habang nakapaskil ang ngiti sa labi. "At bakit? Ako kaya ang pambato ng school natin dati!" Tumawa siya ng mapang-asar. "Pambato? O baka pang-bato!" sabay silang nagtawanan. Nang makabawi ay muling nagsalita ang hepe. "Nice to see you again, Sienne. Akalain mong dito pa tayo magkikita?" Ngumiti siya. "Oo nga. Ikaw na pala ang chief dito? Akalain mo 'yon? Samantalang dati puro ka cutting class!" pambubuking niya rito. Dati niya itong school mate noong high school, nagkakilala sila nang maglaban ang section nila sa damath noon na ito ang representative at siya naman ang representative ng section nila. "Eh ikaw naman palaging laman ng cr, nagsasabog ng lagim! Sa akin ka pa magpapa-igib ng tubig!" ganti nito. Naging tropa niya ito kahit bulakbol at basagulero matalino ito at mabait naman kahit papaano. Sabay silang nagtawanan ng hepe. Pero kapwa sila napatigil ng tumikhim si Arkin na tila na-out of place sa kanilang dalawa. Nakasalubong ang kilay nito at hindi maipinta ang mukha. Mukhang gusto ng ilampaso si Chief Mallari. "Nandito ako oh? Baka gusto n'yo ko isali?" maktol na sambit ni Arkin. Nagkatinginan si Chief at Sienne. "Ay! Nandyan ka pala. Hindi ka naman kasi nagparamdam." "Sorry, Mr. Cordoviz. Nakakatuwa lang na makakita ng dating kaibigan," sagot ni Chief Mallari na tinapik pa si Arkin. Iginiya sila ng hepe sa loob ng opisina at doon na itinuloy ang usapan tungkol sa totoong pakay nila. "So bakit kayo napadpad dito sa presinto ko?" panimula ng hepe ng makaupo sa silya nito. Dagli rin naman naging seryoso ang mga mukha ng tatlo. "Iyong babaeng natagpuan na walang buhay sa may palayan kanina, na-identify na ba?" bungad ni Sienne. Kumunot ang noo ni Chief Mallari. "Pulis ka rin ba, Sienne?" Ngumisi siya. "Huwag ka na magtanong, Mister Abs. Sagot ka na lang!" Umiling ito bago tumikhim. "Alam mong highly confidential ang mga kaso natin. Hindi ko basta-basta ilalabas ang report hanggat hindi klaro sa akin ano ang dahilan ninyo." Umangat sa upuan si Sienne at dumukwang sa lamesa ng hepe. "Kahit magtropa tayo? - - - Ayy!" dagli rin siyang napabalik sa kinauupuan ng hatakin ni Arkin ang suot niyang jacket. Kita niya ang makulimlim pa sa langit na may low pressure area ang mukha nito. Ang mga mata nito ay tila pinagbabantaan siyang manahimik kung hindi ay malilintikan siya kaya padabog na sumandal siya sa upuan at humalukipkip. Nanahimik na siya. Mahirap na, baka tamaan pa siya ng hagupit nito. Pero bakit nakaka-excite? Eme. "Nag-iimbestiga kami kung iisa lang ba ang serial killer na pumapatay dito sa barangay ninyo at doon sa Maynila. Naka-anim na biktima na siya roon, at kung mapapatunayan na siya rin ang may kagagawan sa pagpatay rito sa barangay ninyo ay ito na ang magiging pang-pito. Kailangan namin ang tulong ninyo para sa imbestigasyon, Chief," paliwanag ni Arkin na mataman naman na pinakikinggan ng hepe. Tumayo mula sa upuan si Chief Mallari at may kinuhang folder sa tambak ng mga papel sa kabilang desk nito. Binuklat iyon bago muling bumalik sa upuan at inilatag sa harap nila. "Ito ang police report ng kaso. Ang biktima ay kilala rito sa barangay bilang si Ging-ging." "Siya ba ang unang biktima rito?" kinuha ni Sienne ang folder at pinasadahan ang case file. Naningkit ang mga mata niya at bumaling ng tingin kay Arkin. "Sampaguita Hernandez," sambit niya sa pangalan habang nakikipag-usap ang mga mata sa lalaki. Kita niya ang pagtiim ng mga labi nito bago muling bumaling kay Chief Mallari. Akmang magsasalita si Arkin ng biglang tumunog ang telepono nito. "Hello, Dominguez. Ano??? Sige, pabalik na kami ni Prieto riyan. Asikasuhin mo ang report," wika nito bago pinatay ang tawag. Agad ito tumayo at hinatak ang kamay niya. Tila ito nagmamadali. "Anong sabi ni Dominguez?" tanong niya. "May biktima nanaman ang killer. Kolehiyala. Kailangan nating lumuwas," sagot nito bago bumaling sa hepe na napatayo na rin sa upuan. "Chief Mallari, makikipag-coordinate kami rito sa inyo para malaman kung may kaugnayan ang pagpatay rito o isolated case lang. Salamat sa oras ninyo pero kailangan na muna namin umalis. May bagong biktima nanaman," paalam ni Arkin at nakipagkamay rito. "Maaasahan ninyo ang pakikipagtulungan ng presinto sa kaso na ito, Commander Cordoviz. Mag-iingat kayo ni Prieto." HINDI naman nagtagal at tinatahak na nila ang daan papuntang Maynila. Medyo mabigat ang pakiramdam niyang umalis at kita niya na nalungkot ang Auntie at pinsan niya pero kailangan niyang sumama kay Arkin para sa misyon. Napatingala siya sa langit habang lulan ng sasakyan. Maitim ang mga ulap at panaka-nakang kumikidlat. Mukhang aabutan pa sila ng ulan sa daan. "Hitler, bilisan mo magmaneho ng makarating agad tayo sa presinto. Mukhang aabutan tayo ng ulan," nilingon siya ni Arkin. Isang kamay lang nito ang nagmamaniobra ng manibela habang ang isa ay nakasampay ang siko sa may bintana at humihimas ang daliri sa labi. Parang ang hot ng g*go sa itsura nito! "Mangku, kapag binilisan ko pagmamaneho baka hindi tayo sa presinto mapunta kung hindi sa langit," sagot nito na may matiim na titig. Napalunok siya. Alam naman niya ang tinutumbok ng sinabi nito, tila matigas lang ang ulo ng utak niya na may iba pang pinapakahulugan ang sinasabi nito. Langit. Ay ewan! Napapitlag siya ng kasabay ng pagkulog at pagkidlat ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. "Ay langit ng hotdog!" Napalingon siya kay Arkin ng marinig ang mahinang tawa nito kaya agad niyang hinampas ang braso nito. "Bakit?" tanong nito na sinusupil ang ngiti sa labi. "Bilisan mo na! Aabutan tayo ng madaling araw sa daan lalo at maulan pa!" angil niya rito at mabuti na lang na hindi na rin ito umimik. Malapit na sila sa tulay ng Sta. Quiteria ng mapansin ang mga tanod na nasa gitna ng ulan at may minumwestra sa hangin na tila pinapabalik ang lahat ng mga gustong dumaan na mga sasakyan. "Magandang gabi ho. Hindi ho madadaanan ang tulay ngayon. Napuno ho ang ilog at rumaragasa ang tubig sa tulay. Unpassable po ito ngayon lalo at malakas pa rin ang buhos ng ulan," paliwanag ng tanod. "Baha na rin ho sa ilang mga barangay kaya kung maari na pahupain muna ninyo ang malakas na ulan." "Mukhang kailangan natin maghanap ng mapagpapalipasan ng bagyo, Mangku. Maiipit tayo sa pagtaas ng tubig dito," wika ni Arkin. "Ayun oh, baka pwede tayo riyan." Turo niya sa isang apartelle. Marami ring mga tumitigil na sasakyan doon na mukhang magpapalipas din muna ng malakas na ulan. Kapwa sila basa ng makapasok. "Miss may bakante pa ba?" tanong ni Arkin ng makapasok sa loob ng apartelle. Saglit na yumuko ang receptionist na tila namumula ang mukha ng masilayan si Arkin. Inipit pa nito ang hibla ng buhok sa likod ng tainga bago sumagot. "Opo, Sir. May isang kuwarto pa ho na bakante. Single naman ho kayo ano?" tanong ng babae na tila ang ibig sabihin ay single bed ang available pero nagpapanting ang tainga niya. "Eh kung iyang paningin mo kaya ang gawin kong single? Pwede trabaho muna bago harot?" gigil na singit niya na nagpagulat sa babae. Tila ngayon lang siya napansin. Agad nitong ibinigay ang susi ng nag-iisa na lang pa lang kuwarto na bakante. Naramdaman niya ang pag-akbay at paghapit ni Arkin. "Sorry, Miss. Medyo possessive at selosa ang misis ko. Buntis kasi. Thank you rito!" sambit pa ni Hitler na itinaas sa kamay ang susi bago siya hinatak palayo sa babae na parang gusto na niya gilitan ng leeg sa paraan ng pagtitig niya. Pumiksi siya. "Anong buntis pinagsasabi mo?" Ngumisi ito sa kanya. "Oh edi, bubuntisin pa lang," pilyong sagot nito bago nagmamadaling tumakbo dahil alam na aabutin nanaman ito ng sipa at suntok niya. "G*go!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD