Chapter 9

1038 Words
Kasalukuyang hinihilot ni Larkspur ang sintido niya habang nakikinig sa pag-briefing ni Arkin kay Jelly. Isang linggo na rin simula ng pasukin nito ang dating app at ito ang unang beses na makikipagkita ito sa posibleng suspek. Hindi pa rin sila sigurado pero may bulaklak sa profile nito at may codename na 'Blue Iris" na isa ring uri ng bulaklak. Ni-locate niya ang IP address nito pero kahina-hinala ang nakukuha niyang locations nito. Lagi siya nada-divert sa ibang bansa. Wala pa muli na nagiging biktima ang serial killer sa loob ng isang linggo kung kaya't mabilis na silang kumikilos dahil baka may target na ito at ikinakasa na ang panibagong krimen. "Commander Ark, I'm so scared! Pero dahil alam ko naman na nandiyan ka, okay na ako. Hindi ba?" matinis na boses ni Jelly ang umalingawngaw sa conference. Sumandig pa ito sa balikat ni Arkin habang nakalingkis na parang sawa ang mga kamay sa braso nito. Hindi napigilan ni Larkspur na paikutin ang mga mata. Inabala na lang niya ang sarili sa pagkakabit ng earpiece sa tainga niya. Hindi na niya natiis ang pagkarindi ng magpatuloy ang pagsasalita nito kung kaya't lumapit na siya sa mga ito. "Ano, itutuloy pa ba ang misyon o maglalampungan lang kayo riyan?" nakataas ang kilay na sambit niya habang isinusukbit ang baril sa holster na nasa hita niya. "Ang sungit mo naman, Agent Sienne! Eh sa natatakot ako baka gahasain ako at patayin no'n if siya talaga ang killer eh!" sagot ni Jelly sa kanya. Pumalatak siya. "Kapag hindi ka tumigil sa pag-iinarte mo baka ako na lang ang pumatay sa 'yo! Kanina pa ko rinding-rindi sa kaartehan mo!" hindi na talaga niya napigilan na sumabog sa inis. Saan ka ba naiinis, Sienne? Pagkuwestiyon ng isip niya. Napakurap siya habang inaapuhap ang sagot at depensa sa tanong na iyon. Sh*t! "Don't worry, Agent Jelly. Naka-monitor kami nila Dominguez at Prieto sa iyo. May tracking device ka rin at madali ka namin malolocate." pagpapaliwanag ni Arkin at sinenyasan si Teo na ikabit ang earpiece nito kay Jelly. "Hindi ko alam paano ka naging Agent. Mas mabuti siguro bumalik ka na lang sa dagat at maging ganap na jelly fish at tropahin mo ang mga seaweeds!" dagdag na kuda niya pa habang mabilis na sininop ang mga folders at naglakad na palabas ng conference. Hindi na niya nakita kung paano pigilan ni Teo at Arkin ang matawa sa sinabi niya dahil nag-walk out na siya. Nauna na siya sa loob ng monitoring mobile at nag-umpisa ng kumalikot. Inilabas niya ang cellphone at binuksan ang dating app. Lingid sa kaalaman nila Arkin at Teo ay pinasok niya rin ang dating app at gumawa ng sariling account. She edited her profile a bit para hindi gaano makahawig sa kaniya sa personal. Naglagay rin siya ng larkspur na bulaklak sa profile niya at ginamit na rin ang codename niya sa V Queens na Larkspur. Napasingkit ang mga mata niya ng makakita ng mensahe mula sa app. Cereus: Hello poisonous flower. Pagbasa niya sa laman ng mensahe. Pinaglapat niya ang mga labi habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Hmm... Mukhang alam nito ang ibig sabihin ng codename niya. Tumipa siya ng sagot. Larkspur: Hi Cereus. A rare flower. Nakahiligan niya ang pagbabasa ng mga bagay tungkol sa halaman lalo na pagdating sa bulaklak. Natatandaan niya ang uri ng bulaklak na ito dahil namumukadkad ito isang beses sa isang taon lamang na tumatagal ng isang gabi. Cereus: Wow! Are you a botanist? Napangiti siya ngunit hindi natuloy ang pagtitipa ng reply dahil bumukas na ang mobile at pumasok na sila Arkin, Teo at Jelly Fish. Ewan ba niya pero umiinit talaga agad ang ulo niya makita niya pa lang ang hilatsa ng mukha ng babae. "Let's go!" wika ni Arkin kay Teo na pumuwesto na sa driver's seat. Magkatabi naman si Arkin at Jelly sa backseat at siya ay nasa monitoring area sa likod ng mga ito. Humimpil sila sa isang tagong parking lot malapit sa restaurant na pinag-usapan nila. Chineck niya ang earpiece ng bawat isa at gumagana naman ang lahat. Irerecord niya rin ang magiging usapan ng mga ito gayundin ang mukha ng lalaking kakatagpuin nito. Nakakabit na ang surveillance camera sa damit nito na konti na lang yata ay papunta na sa kulambo. Napangiwi nanaman siya sa suot nito. Ang tigas kasi ng ulo at siya na raw ang pipili ng susuotin niya para maakit ito. "Bakit ba kasi ganito ang isinuot mo?" inis na angil niya habang sinisipat ang pagkakakabit ng hidden camera sa may damit nito. "What's wrong with my dress? Ganito dapat ang datingan para masilo natin kung siya man ang killer!" pinasadahan pa nito ng kamay ang katawan. "Ewan ko sa 'yo. Ipapaalala ko lang na tao ang sisiloin natin at hindi insekto at lamok! Kung bakit ba naman kasi nagsuot ka ng kulambo!" Umawang ang labi nito at hindi makapaniwala sa pang-ookray niya sa suot nito. Sasagot pa sana ito ngunit hindi natuloy ng tumunog ang cellphone nito. "Oh my gosh! He's here na raw!" sambit nito matapos basahin ang mensahe at lumingon kila Arkin at Teo. "Okay Agent Jelly. Mauna ka na lumabas at dumiretso na sa loob," utos ni Arkin. Humarap ito kay Arkin sabay hawak sa dibdib nito at mukhang mag-iinarte nanaman. "Wala ba akong pampasuwerte riyan, Commander Ark?" nag-beautiful eyes pa ito. Hindi nanaman niya natiis ang hindi sumingit. "Sana pala ako dala bagua para isabit diyan leeg mo at ipahatid ka kay lotus feet para ikaw talaga pasok swerte," ginaya niya pa ang paraan ng pagsasalita ng mga intsik habang nakangisi ng mapang-asar dito. Umirap ito sa kaniya bago nagdadabog na lumabas ng mobile. Nakita niya na pinindot ni Arkin ang earpiece nito at ilang sandali lang ay narinig na niya ang boses nito. "Agent Jelly, nakaposte kami at nakamasid. Basta gawin mo lang ang mga ibinilin ko sa iyo," sambit nito sabay diretsong lumabas na ng sasakyan kasabay ni Teo. Siya naman ay naiwan sa mobile na napamaang. Ano? Ni hindi man lang nagpaalam o sumenyas man lang sa kaniya? Hangin lang ba ako? Yawa! Maktol ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD