Chapter 8

1390 Words
Nakasimangot na binuksan ni Sienne ang pinto ng apartment niya. "Ang aga mo naman mambulabog, Hitler!" angil niya rito. Nakahalukipkip ito na nakasandal sa gilid ng pinto niya. Nakasuot ito ng gray poloshirt, maong pants at sneakers na tinernohan ng dark shades nito. Hays! Masyadong guwapo ang tanawin niya ngayong umaga. Kahit na napuyat siya sa pag-babysit sa makulit na babaeng iyon kagabi! "We need to furnish the plan, Sienne. Nakapasok na sa app si Jelly." Diretso na itong pumasok sa loob na akala mo ay pag-aari nito ang bahay niya. Walang choice na sumunod siya rito papasok. "Oh, naibandera na ba niya ang pagka-like-a-virgin niya? Galingan kamo niya ng masilo na ang serial killer. Pero I doubt kung maniniwala iyong killer, hilatsa pa lang ng jelly fish na iyon mukha ng nalipasan ng freshness!" kuda niya habang naglalakad papunta sa fridge at kumuha ng tubig. Ngumisi si Arkin at umiiling na sumandal sa sofa." Pwede bang pag-almusalin mo muna ako bago ka magmarakulyo riyan, Mangku?" inalis nito ang shades na suot at tumambad sa kaniya ang mga mata nito na halatang pagod dahil walang tulog. Namamaga at nagngingitim ang ilalim nito. Tinaasan niya ito ng kilay at pinameywangan. "Ano tingin mo sa bahay ko? Restaurant?" "Hindi. Carenderia." Ipinikit nito ang mga mata habang nakasandal at minasahe ang pagitan ng ilong. Sa inis ay binato niya ito ng takip ng pitsel. Mabuti na lang at plastic iyon kaya hindi gaanong masakit. Naawa naman siya sa itsura nito. Malamang magdamag ito naghanap sa kapatid na pasaway. Mabigat ang mga paa na nagmartsa siya papunta sa kusina. Ewan ba niya pero may isang sulok sa sistema niya na hindi kayang tiisin ang talipandas. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng mga sangkap na mabilis lang lutuin. Ano siya? Special? Itlog at hotdog lang pwede na 'yon no! "Ateeee!" sigaw mula sa itaas ng kuwarto niya ang pumukaw sa atensyon nila ni Arkin. "Andiyan kapatid mo, Sienne?" tanong ni Arkin sa kaniya. She rolled her eyes at mas pinili na huwag sagutin ang tanong ng lalaki. "Ano nanaman? Ngawa ka ng ngawa riyan!" ganting sigaw niya habang naglakad paakyat sa kuwarto. Parang gusto na niya pagsisihan na isinama niya sa bahay niya ang babaeng ito. Marahas niyang binuksan ang pinto ng kuwarto niya at nakita ang babae na pababa na ng kama. "Can I borrow your robe? Wala rin akong extrang damit, Ate," nag-puppy eyes pa ito sa kaniya. Inirapan niya ito at bumuntong-hininga bago naglakad papunta sa closet para humugot ng robe at damit. Inihagis niya ito sa mukha nito na tila ikinatuwa pa dahil humagikgik ito. Siraulo talaga! "Thank you, Ate! Love you!" tumayo ito at dinamba siya ng yakap na ikinagulat niya. Halos muntik pa silang ma-out balance. Agad siyang nagpumiglas at tila kinikilabutan siya. Ewan ba niya at masyadong clingy ang babaeng ito sa kaniya. Para itong ligaw na kuting na panay ang lingkis at yakap sa kaniya. "Bitaw na, Kuting! Mag-ayos ka na at umuwi, baka nag-aalala na sa iyo ang pamilya mo. Hindi maganda ang magrebelde, tandaan mo iyan! Mali ang magalit sa pamilya mo dahil lang may hindi naibigay na gusto mo!" hindi niya mapigilan ang sermunan nanaman ito. Hindi man niya alam ang eksaktong dahilan kung bakit ayaw nitong umuwi pero dapat ay maunawaan nito na mali ang ginagawa nito dahil maaring buhay nito ang masira dahil sa pagrerebelde. Kagabi kasi ay halos lumuhod ito sa kaniya na payagan na sumama sa kaniya dahil ayaw pa nito umuwi. Ayaw rin naman niyang iwanan lang ito sa kalsada at baka mapa-trouble nanaman. Parang hindi kaya ng kosensiya niya. Kaya ang ending, isinama niya sa bahay niya pero siya naman ang sumasakit ang ulo. Sinabayan pa ng pagdating ni Hitler na ginawa namang restaurant ang bahay niya at dito pa makikikain! Hays life! Parang gusto ko ng katahimikan... Kita niya ang paghahaba ng nguso nito sabay yuko. "Sorry, Ate. Opo uuwi na ako. Baka maloka na si Nay Sela kakahintay sa akin," mahinang tugon nito. Ramdam din niya ang guilt sa tono nito. Sa inis niya ay muli niyang pinitik ang noo nito. "Kitams! Bibigyan mo pa ng sakit ng ulo ang Nanay Sela mo! Sa tingin mo maganda iyon?" "Awww! Oo na nga po, magso-sorry ako mamaya!" hawak nito ang noo at lalong nanghahaba ang nguso. "Hala sige at kumilos ka na. Kumain ka muna ng almusal bago umalis. Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya. Pero sa pagtataka niya ay bigla itong ngumiti at tinalon nanaman siya para yakapin. "No need na Ate! Masyado na kitang naabala. Pero pupunta ako rito kapag nami-miss kita!" Napangiwi siya. Ano ba problema ng babaeng 'to? Kulang ba 'to sa aruga at tila sabik na sabik sa atensyon. Marahan niyang itinulak ito palayo. "Sige na at may isa pa akong bwisita sa baba na kailangan asikasuhin. Isa pang KSP iyon, parang ikaw!" sinundot niya ang pisngi nito. "Bumaba ka na agad pagkatapos mo," utos pa niya na tinanguan nito bago siya tumalikod at muling bumaba. Parang na-drain na agad ang energy niya, ang aga-aga! "Parang gusto ko na ulit hilingin ang boring na buhay," mahinang usal niya habang pababa. "You okay, Mangku?" salubong na tanong ni Arkin sa kaniya pagbaba niya. Marahil dahil hindi maipinta ang mukha niya dahil sa maagang pambubulabog ng mga bwisita niya. "Bakit hindi ang sarili mo ang tanungin mo kung okay lang ba? Sa ating dalawa ikaw itong mukhang bisugong pagod," nakairap na pamimilosopo niya rito. Naningkit naman ang mga mata nito pero mukha naman na hindi napikon. Bagkus ay umangat pa ang gilid ng labi at tila sinusupil na mapangiti. "Bisugong pagod? May gano'n ba?" "Oo, ikaw! Kailangan mo lang salamin para makita mo," sagot niya bago mabilis na bumalik sa kusina at inayos ang almusal. Nataranta siya ng makita ang lalaki na papalapit sa kaniya kaya inunahan niya na ito at dinuro ng sandok na hawak. "Huwag ka ng sumagot-sagot, Hitler. Dahil totoo lang sinasabi ko. Magtimpla ka na lang ng sarili mong kape! Baka pati iyon ako pa rin? Ginawa mo na ngang carinderia ang bahay ko, huwag mo na kong gawing coffee shop!" halos hingalin siya sa haba ng kinuda niya na ikinailing at ikinatawa na lang ni Arkin. Nang matapos niyang lutuin ang hotdog ay pumihit siya para kunin ang platong lagayan. Ngunit hindi niya napansin na nakatayo pala si Arkin sa likod niya at inaabot ang baso sa cupboard. Halos mauntog siya sa dibdib nito. "Ayyy hotdog mo!" napasigaw siya pero maagap naman na napahawak sa beywang niya ang isang braso ni Arkin para hindi mawala ang balanse niya. Napatingin siya sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya. "Hotdog ko ba?" nakangisi nitong sambit. Mabilis na itinulak niya ito at lumayo. Nag-iiba na kasi ang pakiramdam niya. Pati ang pisngi niya ay parang sasabog sa tila pag-iinit. Inirapan niya ito. "Bakit ka naman kasi paharang-harang!" hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang sarili. Pati t***k ng puso niya ay tila hindi matapos-tapos sa malakas na pagkabog. Ngumiti ito at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape at dinala sa lamesa. "Nga pala, pwede ba ako makigamit ng banyo, Mangku?" "Ando'n sa dulo. Katabi ng hagdan bago mag-basement," sabay turo sa direksiyon na sinambit. Sakto pag-alis sa harapan niya ni Arkin ay ang pagbaba naman ng babaeng kuting. "Ate, I'm leaving na. Thank you!" nakangiting sambit nito at muling nanaman sana siyang yayakapin pero iniharang na niya ang kamay sa mukha nito. "Oo na. Mag-ingat ka, Kuting!" sagot niya rito. Pero dahil hindi siya nito mayakap ay umangat na lang ang kamay nito at pinisil ang pisngi niya. "Love you, Ate! I'll call you. Buti na lang nakuha ko na ang number mo. Annyeong!" iwinasiwas pa nito ang cellphone at kumaway bago mabilis na tumakbo palabas ng pinto. "Aki---," mabilis pa sa kidlat na nawala ito sa harapan niya. Marahil ay pinakialaman nito ang telepono niya na nasa kuwarto kanina. Hays! "Kapatid mo ba iyong tumakbo palabas?" Napalingon siya ng marinig ang boses ng lalaki. Umiling na lang siya at ipinagpatuloy ang paghahain sa lamesa. "Huwag ka ng tanong ng tanong at kumain ka na lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD