Chapter 7

1443 Words
"Mangku," tawag sa kaniya na kahit hindi mag-angat ng tingin ay alam niya kung sino. "Oh?" sagot niya habang nanatiling nakayuko ang ulo sa lamesa at pinag-aaralan kung paano papasukin ang site at makokorner ang suspek. Bumuntong-hininga ito kung kaya't umangat ang mga mata niya rito. "Lalim ah? Nakakalunod. Problema mo, Hitler?" Ngumiti ito ng alanganin at nilaro ng daliri nito ang hawak na susi. "I need to go. Tumawag kasi ang kasambahay ng kapatid ko. Tinakasan nanaman siya," tila problemado talaga ang tono nito. "Ilang taon na ba ang kapatid mo? Report mo na kung may 24 hours ng nawawala," payo niya rito. Muli itong humugot ng malalim na hinga. "She's 22 but acts like a 5-year old kid. Kapag ganitong tumatakas iyon, palagi na lang napapa-trouble. Napailing siya. Kabataan talaga. "Nasa tamang edad naman na siya. Let her enjoy her life, Hitler. Huwag masyadong over protective at baka lalo lang magwala ang kapatid mo," may kasamang irap dito na turan niya. "That's my role as her brother, Mangku. Hindi ko pwedeng pabayaan ang batang iyon." tumayo ito mula sa pagkakasandal sa lamesa ng conference at tumabi sa kaniya. Nilingon niya ito. "See? You treat her like a kid, try mo kaya pagkatiwalaan siya. Feeling ko nasasakal na iyon sa paghihigpit mo." Bumuntong-hininga ito. "Nag-iisa kong kapatid iyon. Tsaka mahigpit na bilin ng parents namin na alagaan at bantayan ko siya. Lalo na sa panahon natin ngayon na laganap ang mga halang ang kaluluwa." Pumalatak siya. "Oh ang bilin naman pala sa iyo ay alagaan at bantayan, hindi sakalin at paghigpitan. Magkaiba iyon, Hitler!" dinuro niya pa ang mukha nito ng likod ng ballpen na hawak niya. Napatawa ito at umangat ang kamay para pisilin nanaman ang pisngi niya. "Teka lang, bakit hindi ako ang kampihan mo? Hindi mo pa kilala ang kapatid ko, baka pati ikaw mawindang sa katigasan ng ulo no'n!" Tinabig niya ang kamay nito sa pisngi niya at pinitik ang noo nito. "Hindi laro ang pinaguusapan natin, bakit kailangan may kampihan? At kung may kailangan kampihan, ikaw ang kahuli-hulihang kakampihan ko!" angil niya sa mukha nito. Napamaang naman siya ng sumandal ito sa headrest ng upuan at pumikit habang nakangiti. Kita niya pa ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. 'Sh*t! Ang sexy ng hayup na lalaking 'to! Nagkakasala ang mga mata ko!' piping usal ng isip niya. Napakurap siya ng dagli itong magmulat at nahuli ang paninitig niya. Pakiramdam niya namula ang mukha niya sa pagkapahiya. Buti na lang at tila okupado ng isipin sa kapatid nito ang isip at hindi na nagkomento sa pagtitig niya rito. "Tara na, isabay na kita. Ihatid muna kita bago ko halughugin ang buong maynila para hanapin ang pasaway kong kapatid," sambit nito na umahon na mula sa upuan. "Hindi na, Hitler. Kaya ko na umuwi at unahin mo na ang paghahanap sa kapatid mo," nginitian niya ito habang iwinasiwas ang kamay na tila itinataboy na ito. Pero sa pagtataka niya ay tila napako ito sa kinatatayuan nito habang nakatitig lang sa mukha niya. Kumunot ang noo niya. "Bakit ganiyan tingin mo sa akin, Hitler?" naconcious siya bigla sa itsura niya kaya napapahid ang kamay sa mukha niya. Ngumiti ito at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Wala naman. Mas maganda ka pala kapag nakangiti," sambit nito sabay talikod. "Una na 'ko, Mangku. Mag-ingat sila sa iyo pauwi!" pahabol na asar pa nito. Hindi na siya nabigyan ng tsansa makasagot dahil nakalabas na ito ng pinto ng conference. Tulala siyang napatitig sa hangin. Kinilig ba siya? Sinapo niya ang dibdib ng tila bumilis ang pagtibok nito. Sh*t! MAGHAHATINGGABI na ng mapagpasiyahan niyang umuwi. Binitbit niya rin ang mga dokumento ng kaso, kailangan niya aralin ang mga detalye nito. Kasalukuyan siyang naglalakad, nahihirapan na kasi siya sumakay at wala rin mabook online. Pero ayos lang naman sa kaniya para makapag-isip siya habang naglalakad. Napalingon siya sa mga nadadaanan. Matingkad ang mga sumasayaw na ilaw. Nasa mga hilera pala siya ng mga night clubs naglalakad ngayon. Dinig mula sa loob ang kabi-kabilang mga tugtog. "Don't touch me!" sigaw ng isang babae na lumabas mula sa isa sa mga bar ang umagaw ng atensiyon niya. Tila ito lango na sa alak dahil hindi na ito makatayo ng maayos habang may tatlong mga lalaki ang kasabay nitong lumabas. "We'll take you home, Baby. Let's go," sambit ng isang lalaki at nagtangka muli na hawakan ang babae pero pumiksi ito. Muntik pa itong matumba sa ginawa nito. Umiling siya at balak na lagpasan na lang ang mga ito. Masyado siyang pagod para makialam pa rito. "F*ck! Did you guys put a drug on my drink?" dinig niya na sinambit ng babae. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya na nakahawak ito sa pader habang ang isang kamay ay nasa noo nito na tila nahihilo. "I did not drink any alcohol sa loob. I just got dizzy ng iabot mo sa akin ang orange juice kanina!" dinuro ng babae ang isang lalaki. Kita niya ang pagngisi ng tatlo. Smells trouble. "Pa-hard to get ka pa kasi. Kung kanina ka pa sumama edi sana kanina pa tayo nasa langit pare-pareho," wika ng isa pang lalaki na medyo matangkad at maputi. Hinaklit nito ang braso ng babae na nagpasubsob sa dibdib nito. Sinabayan naman ng tawanan ng mga kasama nito. Naningkit ang mga mata niya lalo at nag-apiran pa ang mga ito. Akay nila ang babae papunta sa parking lot. Mariin siyang pumikit bago pumihit pabalik ng lakad at sumunod sa mga ito. "Saan kayo pupunta?" pagpukaw niya sa atensiyon ng mga ito. Nakasandal siya sa poste at nakahalukipkip. Ang babae ay tangka na nilang ipasok sa loob ng sasakyan. Madilim ang mukha na binalingan siya ng isa. "Sa langit, gusto mo sumama?" napakunot ang noo niya ng makita ang pamumula ng mga mata nito. Tsk! Pumalatak siya. "Langit? Nakarating ka na roon?" "Oo! Marami ng beses," nakangising sagot nito sabay dila sa ilalim ng labi nito. Sumingkit ang mga mata niya at umalis mula sa pagkakasandal sa poste. "Wow, sana all! Eh sa impyerno, na-try mo na?" Nagkatinginan ang tatlong lalaki sabay nagtawanan. Ang babae naman ay tila kinukuha pa rin ang lakas hanggang ngayon dahil mahigpit itong nakakapit sa hood ng kotse. "Hindi pa, mas masaya ba roon?" kita niya na humakbang palapit ang isa sa mga lalaki habang tila naman nag-aabang ng masarap na eksena sa pelikula ang dalawa. Ngumisi siya. "Huwag ka mag-alala, ipararanas ko sa inyo ng mga tropa mo. Kayo na ang magsabi kung gaano kasaya," usal niya. Tumaas ang sulok ng labi niya ng isang dipa na lang ang layo nito sa kaniya. Ikiniling niya ang ulo at pinagmasdan ang mukha nito. "Ang pangit mo pala lalo sa malapitan?" Umawang ang labi nito at biglang tumalim ang mga mata. "You, B*tch!" sigaw nito sabay igkas ng kamay at umakmang susuntukin siya. Gusto niyang matawa sa itsura nito. Galit na galit ng sinabihan ng pangit! Mabilis niya itong naiwasan. "Tsk! Masakit talaga minsan ang katotohanan," gatol niya pa sa galit nito. "I'll kill you!" sumugod itong muli. Kumiling siya para iwasan ito sabay igkas ng isang malakas na sipa sa pagitan ng hita nito. "Oh my gosh! Nabasag ang dragon balls!" nilagay niya pa sa bibig ang isang kamay habang nakaluhod ito at namimilipit sa sakit. Dagli ring kumilos ang dalawa pa nitong kasama at sabay na sumugod. Mabilis siyang umikot at sinipa ang mukha ng isa, sabay paling sa pangatlong lalaki na susuntok sa kaniya. Hinuli niya ang kamay nito sabay pilipit. "Arrrgghhh!" sigaw nito. Sinipa niya ito at sumadsad sa kalsada. Tinignan niya ang tatlo na pagulong-gulong sa kalsada habang namimilipit. "Now that's hell!" nakangising sambit niya sa mga ito. Binalingan niya ang babae na nanlalaki ang mga mata sa nakita. "Thank you, Ate! You are so cool!" sambit nito na tila naluluha sa tuwa at pagkamangha. Mukhang medyo nahihimasmasan na ito. Pinitik niya ang noo nito. "Cool cool ka riyan! Ginawa mo pa 'kong aircon! Tumayo ka na riyan!" angil niya rito. Kita niya ang pagnguso nito sabay hawak sa noo na pinitik niya. Matalim niyang tinignan ito. "Walang masama sa pag-eenjoy sa buhay. Pero sa susunod, matuto kang ingatan ang sarili mo! Hindi sa lahat ng oras may darating para tulungan ka!" sermon niya pa rito. Hinila niya ang kamay nito para mailayo sa tatlong mga bugok na itlog pugo. Nilingon niya ito ng nahirapan na siyang hilahin ito palakad. Pagharap niya ay napatda na lang siya ng bigla siya nitong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD