Mabilis na sumenyas si Arkin kay Teo para iabot ang mga folder sa kaniya. Nakahawak pa rin ito sa noo na may bilog na pula dahil sa pagkakatama ng ibinato niyang marker.
Hindi niya napigilan ang matawa sa itsura nito na napansin naman agad ng lalaki at ikinasimangot nito.
"What?" angil nito sa kaniya.
"Mukha ka kasing siopao asado. Sa susunod kasi huwag ka patulala-tulala!" natatawang asar niya pa rito habang binubuklat na ang isang folder ng kaso at nakatayo pa rin sa whiteboard.
Tumawa rin si Teo sa gilid pero agad din napatigil ng samaan ito ng tingin ni Arkin.
"Mapanakit ka talagang mangkukulam ka!" bubulong-bulong na maktol nito.
Nginisihan niya ito bago muling bumaling sa pag-aanalisa sa kaso.
"Ayon sa autopsy ni Barrameda ang cause of death niya ay asphyxiation." Pinasadahan niya ang litrato na kuha sa crime scene at ipinakita ito sa dalawang kausap. May pasa ang leeg nito indikasyon na may malakas na pressure ang humawak rito na naging dahilan ng pagkamatay. Idinikit niya ito sa board gayundin ang natitirang lima pa. Ang lahat ng mga ito ay pawang may mga pasa sa leeg.
Bumaling siya sa mga ito. "Lahat sila iisa ang cause of death. Posibleng sinakal sila hanggang mamatay." Nilingon niya ang board at itinuro ang mga litrato.
Si Arkin ay matamang nakikinig lamang sa kaniya at maging si Teo. Tila naging interesante sa kanila ang mga sinasabi niya. "Isa pa na pagkakapareho ng lahat ay lahat sila nakuhanan ng sample ng semilya ng lalaki sa kanilang mga ari. Ibig sabihin, maaring habang nasa kalagitnaan sila ng pagtatalik ay tsaka nito pinapatay ang mga biktima."
Sumandal si Arkin sa conference chair at humalukipkip habang nakatingin sa kaniya. "So ibig sabihin, maaring hindi pwersahan ang pakikipagtalik ng mga biktima sa suspek," pagkukumpirma nito.
"Posible. Check the autopsy, walang nakita na defensive wound. Ibig sabihin, walang panlalaban na nangyari," pagbibigay konklusyon niya.
Kumunot ang noo ni Arkin. "How can you explain the other wounds?" tanong nito na akala mo siya ang ini-interrogate.
Iyon ang isa sa palaisipan. May mga paso at hiwa ang mga katawan ng mga biktima.
Kinunutan niya rin ito ng noo. "Hindi ba trabaho ninyo ito? Bakit ba ako nagbibigay ng konklusyon? Hacking lang dapat ang trabaho ko rito ah?" reklamo niya.
"Sige na ituloy mo na ang sinasabi mo, Mangku. We need those information para magkaroon ng direksiyon ang paglutas sa kaso." ngumisi pa ito sa kaniya.
Pinaglapat niya ang mga labi at pumikit habang hinihilot ang pagitan ng mga mata.
"Parang gusto ko talaga manakit today," mahinang angil niya habang pinipigil na sumabog sa inis.
Narinig niya ang pagtunog ng upuan kaya dumilat siya at nakita na umahon sa pagkakaupo si Arkin. Si Teo naman ay tila sumiksik sa pinakagilid at halos ibaon ang sarili sa pader.
"Joke lang, Mangku. Have a seat and let's discuss ano ang hakbang na gagawin natin," sambit nito.
Bahagya pa siyang napapitlag ng maramdaman ang mainit nitong palad sa magkabilang balikat niya at iginiya siya para maupo. Tumabi naman ito sa kaniya, iniurong nito ang isa pang conference chair at idinikit pa talaga sa upuan niya.
Tinaasan niya ito ng kilay na napansin nito. "Why?"
"Lumayo ka ng konti, Hitler. Masyado kang close!" masungit na wika niya rito.
"Ha?" maang naman na tanong ni Arkin.
Iwinasiwas niya ang kamay at itinulak ng bahagya ang upuan nito palayo. "Ang sabi ko lumayo-layo ka! Alam mo 'yung social distancing?"
Tumawa ito ng mahina bago naiiling na iniurong ng konti ang silya bago bumaling kay Teo. "Dominguez, bumili ka nga muna ng milktea sa labas. Paramihan mo ng yelo ng lumamig ang ulo ng isa rito," utos nito sabay tingin sa kaniya na sinuklian niya ng irap. Pero lihim siyang natuwa dahil favorite niya ang milktea. Ohryt!
"Opo, Commander." pagtalima nito.
Nilingon niya si Teo habang pinipigilan na magningning ang mga mata at pagkatakam. "Teo, padagdagan mo ng pearl. Tsaka samahan mo na rin ng pambara!"
Kumunot naman ang noo ni Teo. "Anong pambara?"
Pinaikot niya ang mata. "Iyong malalafang syempre. Aba! Pinapahirapan ninyo ako rito sa kaso tapos ni wala man lang kayo pa-foods?" pagra-rant niya pa.
Nakita niya si Arkin na sumenyas kay Teo habang may sinusupil na ngiti sa labi, tila nagsasabi na sundin na lang ang gusto niya. Bumunot ito ng wallet sa bulsa at nag-abot ng pera.
"So ano ang gagawin nating unang hakbang para mapalabas ang serial killer?" tanong niya paglaon. Ginanahan na siya magtrabaho dahil sa pagkain at milktea na paparating. Patay-gutom activated!
"Tatlo lang tayo nila Teo na hahawak ng kaso. Kaya ikaw ang papasok sa dating site kung saan malayang nakakahanap ng biktima ang suspek," sagot nito.
Nangalumbaba siya at inaanalisa ang papasukin.
"Ako talaga?" paninigurado niya sabay lingon dito.
"Alangan namang ako?" sagot nito. Napakurap pa siya dahil ginaya pala siya nito at nakapangalumbaba rin habang nakatingin sa mukha niya. Doon niya malapitan na napagmasdan ang mukha ng lalaki. Mas malinaw, mas malapit.
T*ngina! Bakit ba ganito kaguwapo ang Hitler na ito? Parang kayang-kaya ka lunurin sa titig pa lang ng mga mata nito. Iyong tipong hindi ka pa tinatanong pero handa ka ng ibaba ang lahat ng dapat ibaba, at isuko ang dapat isuko ng walang alinlangan.
Wala sa loob na naipilig niya ang ulo sa naisip. Juskopo!
"Ang pangit mo kausap. Sarap mo barilin!" kunwa ay angil niya rito ngunit sa gulat niya ay ikinangiti lang ng hinayupak.
Napasinghap pa siya ng makita ang isang kamay nito na umangat palapit sa mukha niya at walang abog na pinisil ang pisngi niya.
"Ang cute mo, Mangku!" pakiramdam niya para siyang bata na pinanggigigilan nito.
Nasa ganoon silang ayos ng bumalik si Teo mula sa pagbili ng pagkain. Tila nag-alangan pa ito na pumasok pero sa huli ay mas pinili na rin ang pumasok.
Tinabig niya ang kamay ni Arkin at inambahan ito ng suntok. Ang hinayupak parang walang nangyari na sumandal sa upuan nito at inayos ang mga folder.
"Ehem, bakit may landian na nagaganap? Ayaw mo ba pumila sa akin, agent Prieto?" mapanghusgang sambit ni Teo habang inilalabas sa plastic ang milktea at inilapag sa harap niya.
"Isara mo ang bibig mo, kung ayaw mong manahimik habang buhay!" banta niya rito.
"Siyanga pala Dominguez, pakibigay ang detalye ng dating site kay Agent Prieto. Iyong report galing sa mga nakuhang ebidensiya sa mga cellphone ng biktima," utos ni Arkin kay Teo. Ayos na rin iyon para maiba na ang usapan. Pakiramdam kasi niya ay nag-iinit ang pisngi niya.
Tumango naman agad ang lalaki at lumapit sa desk sabay kuha ng isa pang folder at inabot sa kaniya. Sumipsip muna ito sa milktea na hawak bago nagsalita.
"Nandito ang mga detalye, Agent Prieto. Iba-iba ang code names at screen name na ginagamit nito sa bawat biktima. Ang mga litrato na ginagamit nito ay hindi niya rin totoong mukha."
Ginaya niya si Teo at sumipsip din sa hawak na milktea habang pinasadahan ng basa ang folder. Tinitigan niya ang bawat litrato, napasingkit pa siya ng mga mata dahil may nakita nanaman siyang pattern. Umangat ang ulo niya at nilingon si Arkin na nakatingin pala sa kaniya.
Kanina pa ba ko tinitignan ng talinpandas na 'to?
"There's also a possible pattern here. Lahat ng ginamit niyang pictures, may kasamang bulaklak," itinuro niya ang mga kinalalagyan ng mga ito sa bawat litrato.
Agad naman na sinilip ng dalawa ang sinabi niya at tila sumang-ayon ang mga ito sa sinabi niya.
Nilingon niya si Teo ng muli itong magsalita."Nga pala, base sa report ang suspek daw ay mga birhen ang mga binibiktima. Birhen ka pa ba, Agent Prieto?" diretsa at tila kaswal lang ang pagkakatanong nito pero para sa kaniya ay nakakapanting ng tainga. G*go!
Naramdaman niya rin ang pagtuwid ng likod ni Arkin mula sa pagkakaupo at alam niyang nakatingin din ito sa kaniya.
Napabuga siya ng hangin at humalukipkip. Gusto niyang matawa dahil nakaabang pa rin ang dalawa sa sagot niya.
"Hindi pala ako pwede riyan. Maghanap ka ng birhen na agent, Teo." wika niya kay Dominguez. Ayaw niyang lingunin si Arkin dahil baka hindi niya magustuhan ang reaksiyon nito.
Kumunot ang noo ni Teo sabay tingin kay Arkin bago tumango at mabilis na lumabas ng pinto. Ilang segundo lang ay muli itong bumalik at may hatak-hatak na babae.
"Oh Commander Ark!" matinis na boses ng babae ang umalingawngaw sa loob ng conference. Ipinasok niya ang hintuturo sa magkabilang tainga niya sa sobrang rindi. Ito iyong babae na nakasalubong nila sa hallway kanina!
"Si Agent Jelly, puwede siya Agent Prieto. Hindi ba Commander?" pakilala ni Teo rito. Ang babae naman ay agad tumabi kay Arkin at humawak sa braso. Pinigilan niyang mapataas ang kilay.
Sarap lunurin sa dagat ng jelly fish na 'to! Ang harot!
Humalukipkip siya sabay turo sa babae. "Birhen 'yan?"
Ayaw niya maging judger, pero parang ganoon na nga.
Ngunit imbes na si Teo ang sumagot ay sumabat ang babae. "Oh yes! I'm like a virgin! Never been kissed, never been touched!" sambit nito sa maarteng boses habang may pagmuwestra pa ng mga kamay at nakatingin kay Arkin.
"Weh? Keps reveal nga," hamon niyang wika rito habang nakangisi.
"Sienne," mahinang sambit ni Arkin sa pangalan niya pero may diin at pagbabanta.