Pabagsak na sumandal si Arkin sa sofa niya. Halos lumundo iyon kaya napabuga siya ng hangin bago pa siya kainin ng inis at samain pa sa kanya ang talipandas na 'to. "Bakit ka kilala ng koreanong kapre na yon?" Maanghang na tanong nito sa kapatid na kasalukuyang nakabusangot at nanghahaba ang nguso. "Hindi siya koreanong kapre, Kuya. Okay? Isa siyang Oppa na yummy sana pero cannot be borrow one from two!" sagot nito sa kapatid na ikinakunot nila ni Arkin ng noo. Pinitik niya ang kanang tainga ni Akira. "Sabog ka bang impakta ka? Pinagsasabi mo?" "Ate naman! Pati ba naman ikaw? Love mo ko, 'di ba? Ako kampihan mo!" kumapit pa ito sa braso niya na agad niyang iwinasiwas. "Dami mong kuda riyan. Sabihin mo na kung bakit kayo magkakilala ng Oppa na yun bago pa ikaw ang Oppa-kan ko!" inambah

