Mabilis siyang tumayo habang mahigpit na bitbit ang tablet. Tila may kung anong pakiramdam ang biglang lumukob sa kanya. Parang wala sa sarili na lumabas siya ng silid at dire-diretso na lumabas. Nawala na rin sa isip niya na kasama niya si Hitler. Hindi rin naman niya nadaanan nang palabas siya hanggang sa marating niya ang main road at pumara ng jeep. Kipkip niya ang tablet habang naglalakbay sa kawalan ang isip. Ang naiwan na si Arkin ay umikot lang sa likod bahay para maginspeksyon at ng makabalik sa loob at pumasok sa silid na pinag-iwanan niya kay Sienne ay napakunot siya ng noo dahil wala na ito roon. "Mangku?" tawag ni Arkin dito. Lumabas siya at inikot ang bahay pero walang Sienne na sumasagot. "Sienne!" muling tawag niya ng makalabas siya ng bahay. Umikot siya sa bakura

