"So what do you need, Mr. Cordoviz?" pilit niyang tinapangan at pinatatag ang boses. Tinaasan niya pa ito ng kilay pero ang totoo nangangatal na ang kaniyang katawan at mga tuhod. Hinigpitan niya ang kapit sa hamba ng pinto para kumuha ng suporta.
Napatigil sila ng may tatlong kalalakihan na lumabas mula sa elevator at direktang nakatingin sa kaniya pero hindi niya pinansin.
Aba! Kasalanan ko ba kung maganda ko?
"Let's talk inside," mahinahon na sambit nito pero ang dating sa kaniya ay pautos.
Nameywang siya sa gitna ng nakabukas na pinto niya. "Hoy Mister, at bakit naman kita papapasukin? Ni hindi nga kita kilala. Malay ko ba kung serial killer ka o rapist?"
Nakita niyang hinilot nito ang sintido. "Miss, if you don't let me in malalaman ng mga kapitbahay mo na hinack mo ang cctv ko at binosohan mo ak---," hindi nito natapos ang sasabihin dahil mabilis niya itong dinamba at tinakpan ng kamay ang bibig.
Lumingon-lingon pa siya sa paligid. Ang tatlong lalaki ay napatingin muli sa gawi nila kung kaya't hatak-hatak niya ito papasok sa loob habang nakatakip ang bibig nito. Sa tangkad nito ay halos nakayuko na ito habang kipkip niya sa braso ang batok nito.
Itinulak niya ito paupo sa sofa niya at nameywang sa harap nito. "Iyang dila mo puputulin ko iyan eh! Basta na lang nangbibintang!"
Napakurap siya ng tila prente naman ito na sumandal sa sofa niya at humalukipkip habang nilulunod siya ng mga mata nito sa pagtitig. "Why don't you go upstairs and fix yourself first, Miss Mangku," nakangisi nitong sambit sabay pasada ng tingin sa kabuuan niya.
Napaawang ang labi niya at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Pusang gala! Wala nga pala siyang bra! May pameywang-meywang pa siyang nalalaman kanina, may gulay! Nakaka hiya! Kainin na sana 'ko ng lupa! Now na!
Dinig niya ang mahinang tawa nito kaya marahas niya itong binalingan. "Hoy! Anong Mangku?" tanong niya rito habang nakakrus sa dibdib ang mga kamay niya.
"Mangkukulam. Look at you, para kang nakipagsabunutan sa kanto," kalmadong sambit nito pero may sinusupil na ngiti sa labi. "Pero sexy na version ng mangkukulam naman," pahabol pa nito.
Bigla siyang naconcious. Ni hindi pala siya nag-abala magsuklay man lang at magpalit ng damit bago bumaba. Nakakainis! Pakiramdam niya kasingpula na ng kamatis ang mukha niya.
Sa gigil ay ibinato niya rito ang scented candle na namataan niya na mabilis naman nitong nailagan. "Pervert!" angil niya rito.
"Look who's talking? Sino kaya sa atin ang pervert? Go ahead, Mangku. We need to talk. Hurry up!" sagot nito at sumandal na sa sofa sabay dekuwatro.
"Oo na, Hitler! Makautos ka daig mo pa pinuno ng martial law!" pairap na turan niya rito sabay nagmamartsa na umakyat sa kuwarto niya para magpalit ng damit.
Hinihingal na itinuon niya ang mga kamay sa vanity mirror niya. Hindi niya alam bakit parang nagpapalpitate siya sa presensiya ng Hitler na iyon. Lalo na kapag tumitig na ang berde nitong mga mata.
Ipinilig niya ang ulo bago mabilis na naghilamos at nagtoothbrush. Shockers! Nakakahiya talaga, nagbubunganga siya tapos baka ang baho pala ng hininga niya!
Napatitig siya sa repleksiyon sa salamin at napatigil sa pagkuskos ng ngipin niya ng maalala ang guwapong mukha nito. Pusang gala! Umayos ka, Sienne! Tigilan ang pagpapantasya!
Agad na minadali niya ang pagtotoothbrush at mabilis na nagbihis. Isang plain black shirt, ripped jeans at hoodie jacket ang isinuot niya.
Nang bumaba siya ay agad hinanap ng mata ang Hitler na iyon pero wala ito sa sofa kung saan niya ito iniwan. Lumingon siya banda sa may kusina at mabilis lumapit doon pero wala rin ito.
Nasaan na ang Hitler na iyon?
Nakakunot ang noo na tumingin siya sa may main door, binuksan niya iyon at sumilip sa labas pero wala namang tao roon.
Nang isinara niya ang pinto ay nakarinig siya ng kaluskos sa basement. Bigla siyang ginapangan ng kaba.
Nasa basement ang computer room niya!
"Anak ng pusang gala! Mukhang mabibisto pa 'ko ah?!" mahinang bulalas niya bago nagkukumahog na bumaba sa basement. Marahas niyang binuksan ang silid at doon natagpuan ang hinahanap. Nakaupo ito sa harap ng PC niya habang naiilawan ang mukha ng monitor at may tinitipa sa keyboard.
"What are you doing here? Sino nagbigay ng permiso sa iyo na mangialam ng mga gamit ko!" galit na sigaw niya pero tila hindi naman ito natinag.
Inikot nito ang gaming chair paharap sa kaniya at humalukipkip. "To answer your first question, kinukumpirma ko lang ang salarin sa pangha-hack sa cctv ko sa condo. Second, we're just even Miss Mangku. Dahil hindi ka rin naman humingi ng permiso ng pagpiyestahan ng mga mata mo ang katawan ko. I can sue you, you know," wika nito sabay taas ng dalawang kamay at pinagkibit ang balikat.
Pinaglapat niya ang mga labi para pigilan ang bumabangon na gigil sa loob niya. Sarap halikan ng hayp na 'to... Este sarap pala suntukin...
"Kapal ng mukha mong Hitler ka! Unang una sa lahat, hindi ko binalak na bosohan ka. Malay ko ba na may kung sinong feeling macho ang lalabas sa cctv footage na iyon na feeling niya ang laki ng flappy bird niya eh hindi naman!"
"What?! You mean you saw it?" nakaguhit ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Yuck! Of course not! Naaninag lang, ang nipis ba naman ng puting tuwalya na ginamit mo. Ang mahal mahal ng condo ninyo roon pero wala kang pambili ng makapal na tuwalya?!"
Napatawa na ang lalaki sa harap niya. Nakakahipnotismo ang tawa nito na para siyang hinehele sa ulap. Nampusa na yan!
"Very detailed huh? Hindi mo pa nakita ng lagay na iyan ah?" puno ng pang-aasar ang tono nito. Mukhang trip nito na igisa talaga siya sa sarili niyang mantika.
"Ewan ko sa 'yo, Hitler! Bakit ka ba kasi nandito? Ipapakulong mo ako? Nasaan ang warrant of arrest ko?"
"I can actually do that, Miss Mangku. Because clearly you violated the Republic Act 8792 under the cyber crime law," wika nito sabay ahon mula sa pagkakaupo sa gaming chair niya at lumapit sa kaniya. Inilagay nito ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon nito.
"Ma-may ebidensiya ka ba?" hamon niya rito. Napaatras siya dahil patuloy ito na lumalapit sa kaniya.
Ngumisi ito habang patuloy pa rin ang paghakbang sa kaniya. "There is no perfect crime, Miss Mangku. And you are not an exemption to that. I admit I was impressed by your hacking abilities but a bit neglectful on some part."
"Neglectful on some part? Saang part, aber?"
"You forgot to erase your browsing history. Tsk! Tsk!" nang-aasar pa nitong wika.
Napalunok siya. Oo nga pala! Hindi niya nabura sa sobrang pagmamadali niya mag-exit! Shunga mo, baks! Gusto niyang sampalin ang sarili sa pagiging careless.
"So, kakasuhan mo nga ako?"
"Yes, definitely. But I have a proposal," wika nito sabay yuko sa kaniya para magpantay ang mukha nilang dalawa. Halos isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.
Muli siyang lumunok bago sumagot. Pakiramdam niya nauuhaw siya sa lapit ng pagitan nilang dalawa.
"Proposal agad? Wala man lang ligawan?"
Tumuwid ng tayo si Arkin at wala sa loob na hinilot ang sintido.