Tinitigan niya ang mukha ng lalaki at mukhang nauubos na ang pasensiya nito sa kaniya. Pero hindi pa rin maialis ang kakisigan nito.
Nakapameywang ito na nakatingin sa mukha niya. "Miss Mangku, this is a serious matter. Gusto mo bang makulong?"
Humalukipkip siya at nilabanan ang titig nito. "Kung ikaw magkukulong sa akin, why not?" she smirked.
Pero napalunok siya ng tumiim ang titig nito at marahan na tinatawid ang pagitan nila. Sa bawat hakbang nito ay siya namang atras niya hanggang maramdaman na ng likod niya ang lamig ng pader. "Really huh? Are you sure, Mangku?"
Mas lalong kumalabog ang dibdib niya ng inilapat nito ang magkabilang braso sa gilid niya at inilapit ang mukha sa kaniya.
Ngumiti siya ng alanganin at nag-peace sign. "Ito naman masyadong seryoso sa buhay! Joke lang naman 'yon, Hitler! Ano bang propo---," hindi niya naituloy ang tanong ng biglang tumunog ang cellphone nito.
Inalis nito ang isang kamay na nakalapat sa dingding para dukutin ang cellphone sa bulsa ng jacket nito pero ang isang kamay ay nanatili pa ring nakadiin sa pader.
"Hello, Dominguez," sagot nito sa telepono pero ang mga mata ay matiim pa rin na nakatitig sa kaniya.
Kinuha niya ang pagkakataon para sana makalayo rito habang may kausap ito sa telepono. Umakma siya na yuyuko para makaalis sa nakaharang na braso ng lalaki pero maagap na kumilos ang mga kamay nito at hinapit ang beywang niya na ikinasinghap niya.
Napakapit siya dibdib nito. 'Pusang gala! Ang tigas!' gusto niyang mapakagat-labi pero pinigilan niya ang sarili.
"Sige, magkita tayo sa opisina. Clear na ba ang crime scene?" narinig niya na wika nito sa kausap. Malamang ay nagrereport ang kausap tungkol sa mga kasong hawak nila.
Muli nanaman siyang nagtangka na makawala rito pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa beywang niya. Pakiramdam niya sa sobrang malabakal ng braso nito, madidislocate ang mga buto niya kapag nagpumiglas siya.
"Prepare the reports, Dominguez. Let's do the briefing when we arrived," utos pa nito sa kausap bago mabilis na pinatay ang tawag.
"Uhm, baka pwede mo na 'ko bitawan, Hitler? For sure hindi naman ako makakatakas." Nakataas ang kilay niya pero pinipigilan niya ang panginginig ng labi niya. Parang ang sarap kasi tumira sa dibdib nito.
Bumuntong-hininga ito at binitiwan ang beywang niya pero hinatak naman ang kamay niya. "Sumama ka sa 'kin."
Kumunot ang noo niya at pilit hinahatak ang kamay niya habang hila siya nito palabas ng basement. "Ano ba? Kanina proposal lang ang sinasabi mo, ngayon magsasama na agad? Maygad, Hitler!"
"Silly!" angil nito na tila pigil na pigil ang inis. Itinulak siya nito paupo sa sofa at umupo naman ito sa coffee table paharap sa kaniya. "We need your help to solve a serial murder case, Mangku."
Sumandal siya sa sofa at pinagkrus ang kamay sa dibdib. "At pa'no kung ayaw ko?"
"Then I will be left with no choice but to put you in jail," diretsang sagot nito.
'Sh*t! Mukha ngang hindi nagbibiro ang Hitler na 'to.'
Lumunok siya. "Ano ba ang mayroon sa serial murder case na iyan? At ano ang magiging ganap ko? Ipapain mo ako sa murderer???" nanlalaki ang mga mata niya sa naiisip.
Mahina itong napatawa sabay iling. "Puwede naman. Pero I doubt na mahuhuli ang suspect kapag ikaw ang ipinain. Baka ma insecure iyon, dahil mas wala ka sa katinuan kaysa sa kaniya," wika nito habang ang tono at mukha ay nang-aasar.
Sinipa niya ang binti nito habang nagngingitngit ang mga ngipin. "Sige buwisitin mo 'ko! Bahala kayo, ikulong n'yo na lang ako kaysa guluhin pa ang nananahimik kong universe!"
Tumayo siya at akmang tatalikuran ito ng muli itong magsalita. "Women are being raped and murdered by this psychopathic murderer, Sienne. And just today, mayroon nanaman siyang nabiktima na natagpuang walang buhay at bakas ang pahirap bago pinatay. Now, kung mas pipiliin mo ang makulong kaysa ang makipagtulungan na lutasin ang kaso ay hindi na kita pipilitin. Pero pag-isipan mo at timbangin. Call me when you changed your mind," wika nito sabay lapag ng isang maliit na card sa coffee table bago walang sabi-sabi na lumabas na ng pinto.
Naiwan siyang nakatulala at pinoproseso ang sinabi nito.
Naghahanap siya ng aksyon hindi ba? Nabobored na siya hindi ba? Bakit hindi niya subukan? Tila siya biglang natauhan.
Akma niyang hahabulin sana ang lalaki ng tumunog ang telepono niya. Agad niyang dinampot ito at tinignan kung sino ang caller.
Napangiti siya at nawala ng panandalian sa isip ang lalaki. "Andengot!" masiglang bungad niya.
"Ate Siening! Nakakainis ka, kung hindi ka pa tatawagan hindi ka magpaparamdam!" sigaw na wika ng pinsan niya. Halos ilayo niya sa tainga ang cellphone sa lakas ng sigaw nito.
"Ano ba?! Muntik na mabasag eardrum ko sa 'yong babae ka! Kamusta ka?" natatawa niyang wika rito.
"Okay naman! Miss na miss na kita, ang dami ko ng kuwento sa iyo. Ni hindi mo man lang kami madalaw ni Mama rito, minsan gusto ko na magtampo!"
Napangiti siya sa winika nito. "Aruyyy, sorry na po Andengot! Busy ako magpayaman para maibili ko kayo ni Tiya ng mansiyon!" biro niya rito. Malamang kasi ay magiyakan silang dalawa kapag sinabayan niya ang pagsesenti nito. Sobrang miss na miss na rin niya ang mga ito.
"Ano rich tita na lang ang peg mo? Baka maunahan na kita mag-asawa!"
Nagsalubong ang kilay niya. "Hoy! Bakit may boyfriend ka na? Ipakilala mo muna sa akin at baka manloloko iyan! Para alam ko sino ang gigilitan ko ng leeg kapag pinaiyak ka!" Hindi siya makapaniwala na dalaga na talaga ito. Para sa kaniya ay baby pa ito. Maygad! She's 24 na pala, dalawang taon lang ang tanda niya rito.
Tumawa ito sa kabilang linya. "Ang OA mo Ate Siening! He's a good man, ipapakilala ko siya sa inyo ni Mama kaya dumalaw ka na sa bahay! Nakakainis ka na!" dinig niya ang kalabog sa kabilang linya tanda na pumapadyak pa ito habang nagsasalita.
Naulinigan niya rin ang Tiya niya na nagsalita." Andeng, baka busy iyang Ate Sienne mo. Huwag mo ng kulitin ng kulitin. Dadalaw rin iyan kapag nakaluwag sa trabaho."
"Eh kailan pa Mama? Kapag tegibels na tayo?" maktol nito.
"Andrea! Iyang bibig mo kung ano-ano lumalabas!" angil niya rito. Natahimik naman ito. Alam nito na galit siya at hindi niya gusto ang sinabi nito dahil tinawag niya ito sa buong pangalan.
"Sorry Ate. Miss na miss na kasi talaga kita. Alam mo naman na ikaw ang best friend ko eh. Ang dami kong gusto ikuwento sa iyo. Sana makadalaw ka," mahina at tila naiiyak na sambit nito.
Nahilot niya ang pagitan ng mga mata para pigilan ang pag-iinit ng mga ito na nagbabadyang maiyak.
"Dadalaw ako sa inyo promise. Ihanda mo na ang kuwento mo dahil wala tayong ibang gagawin kung hindi ang magchikahan. Kaya huwag ka na magtampo kay Ate Sienne," lambing niya rito.
Dinig niya ang buntong-hininga nito. "Promise 'yan ah?! Hihintayin ka namin, Ate Siening ko!" sumigla na ulit ang boses nito.
"Opo, Andengot! O siya sige na, ihalik mo na lang ako kay Tiya. Mag-ingat kayo!"
Matapos patayin ang tawag ay sumalampak siya sa sofa. Napatingin siya sa calling card na nilapag ng lalaki kanina. Dinampot niya ito at binasa.
Arkin Cordoviz.
'Infairness, pangalan pa lang ng Hitler na ito ang guwapo na.'
Dinial niya ang numero nito at desidido nang tanggapin ang misyon. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pagsagot nito.
"Arkin Cordoviz speaking," sagot ng baritonong boses nito. Sh*t bakit parang kinikilig ang bahay-bata ko?!
"Hitler," wika niya. Sandaling tumahimik ito sa kabilang linya bago nagsalita.
"Oh?" napataas ang kilay niya. Sungit!
"Bumalik ka rito. I'm accepting the offer, magsasama na tayo," sagot niya.
Mahina itong tumawa sa kabilang linya at nagsalita ng 'baliw'.
Dinig niya ang tila pagpreno nito at ang pag-iingay ng gulong. Wari ba ay nagmaniobra ito. "I'm on my way. Be ready, Mangku."