Chapter 4

1567 Words
"Larkspur," dinig niyang sambit ng lalaki habang abala ito sa pag-drive. Kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa opisina nito sa intelligence division. Mahina lang ang pagkakasambit nito ngunit umabot iyon sa kaniyang pandinig kung kaya't marahas niya itong nilingon. "Pinaimbestigahan mo ba ako, Hitler?" Mabilis siyang tinapunan ng tingin nito pero ibinalik din ang mata sa daan. "Baka nakakalimutan mong commander ako ng intelligence, Mangku. Malamang magiimbestiga ako tungkol sa iyo." Humalukipkip siya at tumagilid para makaharap sa gawi nito. "At ano naman ang natuklasan mo, aber?" Ngumisi ito ng nakakaasar. "Bakit gusto mo malaman?" Pumalatak siya. "Sasabihin mo o sasamain ka?" pananakot niya rito. Umiling si Arkin at muli siyang nilingon. "Hindi ka lang talaga mangkukulam, bayolente ka pa." Inirapan niya ito at umayos ulit ng upo paharap. "Sana lang reliable ang source mo at totoo ang nakalap na impormasyon. Kung hindi pagbubuhulin ko kayong dalawa kung sino man ang imbestigador mo!" dinuro niya pa ang pisngi nito. "Well, wala namang masama sa pagiging Vigilante. Mga salot pa rin naman sa lipunan ang kalaban ninyo. Actually, humanga ako sa grupo ninyo." Nilingon niya ito at mukha namang seryoso ito. "Wow ah? For the first time in forever, may maganda kang nasabi!" Tumawa ito ng mahina at umiling. "Bakit nga pala itinigil ninyo ang pag-operate sa grupo ninyo? I heard na malaki ang naitulong ng V Queens sa pagpapatumba ng mga malalaking sindikato. You guys are well-trained, I must say," nilingon siya nito na wari ba ay tinitignan ang reaksiyon niya. Nagkibit siya ng balikat. "Akala ko ba nagpaimbestiga ka? Eh bakit ang dami mo pa rin tanong?" wika niya na nanghahaba ang nguso. Muli siyang nilingon ni Arkin. This time mas matagal na siya nitong tinitigan dahil nakatigil sila sa stoplight. Napaatras siya papunta sa bintana ng passenger's seat ng abutin ng kamay nito ang pisngi niya at pisilin. "Don't pout your lips again, Mangku," wika nito. Kumurap siya at napakunot ng noo. "Pinagsasabi mo?" pinalis niya ang kamay nito. "Nagmumukha ka kasing pwet ng manok kapag nakanguso," sambit nito. Sakto na nag-greenlight na at itinuon muli ang ang mga mata sa daan pero may sinusupil na ngiti sa labi. Nagngingitngit niyang hinila ang kuwelyo niyo kung kaya't medyo gumewang ang kanilang sasakyan. "Hey! Baka mabangga tayo!" saway nito sa kaniya pero nandoon pa rin ang ngisi. "Ulitin mo nga sinabi mo?" angil niya rito habang hinahatak ang kuwelyo nito. Ang kaliwang kamay nito ay nanatili sa manibela habang ang isa naman ay hinuli ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit para hindi niya na mahatak ito. "Ang sabi ko, hindi bagay sa iyo ang mag-pout. Ang panget mo!" gatong pa nito sa pang-aasar. Umawang ang labi niya. Hayp na 'to! "Ang yabang mo! Akala mo naman guwapo ka? Huwag ka magmalaki, Hitler! Dahil hindi naman malaki ang..." nabitin sa ere ang sasabihin niya ng mapagtanto ito. Bigla siyang nahiya sa lumabas sa bibig niya. Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya. "Alin ang hindi malaki, Mangku? Ituloy mo," untag nito habang ang mga mata ay tila aliw na aliw na sumasayaw. "Hindi malaki ang... ang puso mo! Oo, tama iyon nga! Masama kasi ugali mo!" hinihingal niyang sagot dito. Isang malakas na tawa ang isinagot nito sa kaniya na ikinatigil niya. T*ngina! Bakit ang sarap sa ears? Kung titignan ang lalaking Hitler na ito ay mukha talagang suplado at seryoso. Pero sa paraan ng pagtawa nito ngayon, parang gusto na niyang maniwala na hindi totoo ang first impression. Hinampas niya ito sa braso para pawiin ang kakaibang nararamdaman niya na hindi naman maipaliwanag. "Tuwang-tuwa ka sa 'kin eh no? Ginawa mo pa kong clown!" Humalukipkip siya at itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Ayaw na niya makipagbuwisitan sa impaktong Hitler at baka mabangga lang talaga sila ng hindi oras. "We're here, Mangku!" sambit nito na nagpabalik sa ulirat niya. Nilingon niya ito pero mabilis na itong nakaibis at umikot sa pinto niya para pagbuksan siya. Nakahimpil na pala sila sa building Bureau. Umibis siya at sumunod dito. Pagpasok nila sa building ay panay ang bati ng mga nakakasalubong nila kay Hitler. "Good afternoon, Commander Ark!" Napalingon sila ng sabay ng marinig ang malakas na boses na iyon mula sa kung saan. Matinis at tila nakakabasag ng eardrums. "Good afternoon," tipid na ngiti at tango lang naman ang sagot ni Hitler dito. Suplado yarn? "Taas ng energy ni ate ah, Hitler? Ano kaya vitamins niya?" bulong niya rito ng magpatuloy sila sa paglalakad at lampasan ito. Kita niya ang biglang pagsimangot ng babaeng iyon ng mapatingin sa kaniya. Isang palihim na ngisi naman ang ibinato niya rito para mas lalong maasar. "Baliw!" mahinang sagot nito sabay marahan na hinatak na siya sa braso para makasabay ng lakad dito. Ang lalaki kasi ng hakbang ng mahahabang biyas nito kaya naiiwan siya sa likod parati. Pumasok sila sa isang salamin na pinto. "Good afternoon, Commander!" halos sabay-sabay na bati ng mga ito sa lalaki. Isang tango lang ang isinagot nito sa mga tauhan at hatak-hatak pa rin siya nito ng maglakad papasok sa opisina nito. Kita niya rin ang pagsunod ng tingin sa kaniya ng mga ito. Siraulong Hitler talaga, hindi man lang nag-abala na ipakilala ko? Nang makapasok sa loob ay iginiya siya nito paupo sa silya sa tapat ng table nito. "Sit down," utos nito na ikinataas ng kilay niya. Muling bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. Pakiramdam niya ibang tao nanaman ang kaharap niya. Tinitigan niya ito ng maigi na tila napansin naman nito. "What?" untag nito na sumandal pa sa swivel chair nito. "May split personality ka ba?" inilapit niya pa ang mukha at tumuon sa lamesa nito. Pinakunot naman nito ang noo. "What are you saying, Mangku?" "Eh kasi kanina para kang siraulo kakatawa habang papunta tayo rito. Ngayon naman para kang totohanang nasapian ni Hitler sa dilim ng aura mo," nahihiwagaan na wika niya rito. Nangalumbaba pa siya sa lamesa nito habang diretsang nakatingin sa mga mata ng lalaki. Wari ba na sa pamamagitan nito ay maarok niya ang totoong pagkatao nito. Kita niya ang pagtaas baba ng adam's apple nito matapos lumunok. Pero sa gulat niya ay bigla nanaman nitong inabot ang pisngi niya at kinurot. "Ang dami mong alam, Mangku!" Marahas naman niyang hinampas ang kamay nito na agad naman na bumitaw sa pisngi niya. Aangilan niya pa dapat ito ngunit natigil sila dahil may narinig na katok mula sa labas. "Come in," sagot ni Arkin. Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang payat na lalaki na nakauniporme rin at malapad ang pagkakaplaster ng ngiti. "Good afternoon, Commander. Handa na ang conference para sa briefing," wika nito pero sa kaniya nakatingin. "Okay. Susunod na kami, Dominguez," sagot nito sa kausap na puno ng awtoridad. "Sino siya Commander? Asawa mo?" tila hindi ito nakahalata na pinapalayas na siya ni Arkin. "No!" sabay pa nilang sagot. Nagkatinginan pa sila at inirapan niya ito. Lumapad lalo ang ngiti ng tauhan na ito ni Hitler. "Ako nga pala si Teofilo Dominguez you can call me Teo for short, ang pinakamacho rito sa Bureau!" sambit nito na nagpa-arko ng kilay niya. Gusto niyang matawa kaya lang ay baka ma-offend ito. "Oo nga ang macho mo, ano workout mo?" pagsakay niya rito. Sobrang payat kasi nito na tipong aalog-alog ito sa uniporme na suot. Pero mukhang nakakatuwa ang personality nito. Palaging nakangiti at very warm ang awra. Pumalatak ito at nag-flex sa harap niya pinapakita ang braso nito na mas malaki pa yata ang muscle niya kung ikukumpara rito. "Hindi ako masyado nakakapagworkout ngayon dahil busy sa trabaho eh, buti na lang likas na maganda ang katawan ko," pagyayabang pa nito. Siraulo ba 'to? Nilingon niya si Arkin na nakayuko at tila itinatago ang ngiti. Ibinalik niya ang tingin kay Teo at ngumiti. "Wow, prayer reveal naman para ma-achieve ang ganiyang katawan!" "Dominguez, mauna ka na sa conference. We'll start the briefing at 1300H," pagputol ni Hitler sa usapan nilang dalawa. Agad naman tumalima si Teo at sumaludo kay Arkin. Binigyan naman siya nito ng ngiti at nagflex pa muli ng braso bago lumabas ng opisina. Naiiling siya na nakangiti. "Alam kaya niya na isang bulate na lang ang hindi pumipirma sa kaniya?" baling na tanong niya kay Hitler. Nakatayo na ito sa upuan at isinasampay ang hinubad na jacket sa likod ng upuan "Hayaan mo na si Dominguez. Maasahan naman iyan sa trabaho. Let's go," nakangiti nanaman ito. Inilahad pa ang kamay sa kaniya para alalayan siya sa pagtayo. Problema kaya ng lalaking ito? Minsan seryoso ang mukha na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa minsan naman nakangiti ng todo na parang daig pa ang nanalo ng jackpot sa lotto. Bipolar lang? Scary huh?! "Alam mo minsan kinakabahan na 'ko sa iyo. Baka bigla mo na lang akong saksakin." Tumawa ito. "Saksakin ng?" Inirapan niya ito. "Ano pa ba ang isinasaksak? Alangan naman ang flap..." hindi nanaman niya maituloy ang sasabihin niya dahil napagtanto na baka iba ang mapakahulugan nito. "Kung kutsilyo ang isasaksak nakakatakot talaga iyon dahil nakakamatay. Pero kung iba ang isasaksak, hindi ka dapat matakot," naglalaro sa labi ang nakakaasar na ngiti. Pinaglapat niya ang mga labi sabay habol ng sipa sa binti nito mabilis naman nitong iniwasan. Hindi na rin siya nakahuma ng hatakin na siya nito palabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD