Pumasok sina Liyen, Kuya Jesam at Jordan sa loob ng bahay makalipas ng ilang minuto. Bumalik sila sa mga pwesto nila kung saan sila nakaupo. Bago sila maghiwa-hiwalay ay narinig ko pang humagikgik si Liyen sa binulong ni Kuya. Mukhang nagkakasundo ata agad ang dalawa. “Liyen,” agad kong kinuha ang atensyon ni Liyen. Natigilan siya sa tawag ko sa kaniya at mabilis lumapit sa akin. “Bakit, Ma’am Jessa?” “Kumusta ang mga bodyguard sa labas? Ayos lang ba sila doon?” Nag-aalala kong tanong. Hindi pa nakakasagot si Liyen sa tanong ko pero inunahan na siya ni Black na magsalita ng mahina. “My queen, it’s their job to guard us. They are used to being outside guarding important people like us. Don’t worry about them. They are doing their job.” “Black, iba pa rin kung aalagaan mo ang

