Nakakatuwa. Ang saya saya ko. Magkasundo agad kaming dalawa ni Bernadette. Hindi siya suplada at marunong siyang makisama lalo na sa mga bagong kakilala pa lang niya. Para ko na rin siyang bunsong kapatid. For sure, matitipuhan ito ng kapatid kong si Jordan. Mayamaya pa ay pumasok na sa loob ng kwarto si Black. Hindi lang siya ang pumasok, may kasama siya sina Melissa at ang mommy at ang daddy niya. Bigla tuloy akong kinabahan at napaayos pa ang upo sa kama. “Hello po, Tita at Tito.” Kinakabahan pa ako habang nakatingin sa mommy at daddy nila Black. Naghihintay lang ako ng response nila. Maiiyak na sana ako kasi blanko lang ang ekspresyon ng mga mukha nila hanggang sa ngumiti na si Tita Rusillia. “Kumusta ka na? Masakit pa ba ang ulo mo?” “I’m okay na po. Thank you.” “Nagbreakfas

