Nung una ay akala ko talaga hindi ngumingiti itong si Auntie Jade. Akala ko talaga masungit at suplada siya dahil sa pakikitungo niya sa akin kagabi sa Party. Akala ko nga ay hindi niya ako magugustuhan. Parang kasi hindi siya masaya noong pinakilala ako ni Black kagabi. Alam ko namang naging sorpresa sa kanilang lahat ‘yun. Lahat ay nagulat talaga dahil sa loob ng ilang taon ay wala nga namang nalilink kay Black. To the point na inalakala nilang lalaki rin ang gusto nito but yesterday happened. Black introduced me to everyone as his wife. At sino bang mag aakala na may huhusga kay Black na bading? No one. Ni hindi ko naisip yun kay Black dahil he’s so manly. Iisipin mong lahat ng babaeng gustuhin niya ay makukuha niya at siguradong hindi iyon na-si-zero pagdating sa s*x life. Literal

