“Masyado ka atang busy sa pag ayos.” Nakasimangot na sabi ni Black. Pinagmamasdan niya akong mag suklay ng buhok ko. Di pa nga ako makapili ng susuotin ko. Di pa ako sure kung ito na bang suot ko ang gagamitin ko papunta doon sa party. “Syempre. Birthday kaya ‘yon. Palibhasa ikaw kahit anong suotin mo e bumabagay agad sa iyo. Di ka nahihirapan sa mga susuotin mo dahil gwapo ka at magaling magdala ng mga damit. Di mo naman ako katulad na hirap bagayan ng mga damit.” “That’s not true.” “Anong that’s not true? Totoo ‘yon,” “You are always beautiful in my eyes, my queen, even without clothes.” “Pinagsasabi mo diyan.” sabi ko sa kaniya pero hindi niya alam ay kinikilig na ako sa mga sinasabi niya. Itong si Black talaga walang araw na hindi ako pinakilig. Palagi niya sa akin pina

