Noong una ay hindi pa pumayag si Black na hindi sasama ang mga bodyguard sa pupuntahan namin. Gusto sana niya ay kahit dalawa o tatlo ay may makakasama sa amin pero sa huli ay nakumbinsi rin siya ni mamang na wag na magdala ng bodyguard dahil malapit lang naman dito sa amin ang pupuntahan. Pumayag si Black sa isang kondisyon. Hindi kami magsasama ng mga bodyguard as long as susuotin namin ‘yong bracelet na tracker. Napaka-high tech ng pinapasuot sa amin na bracelet ni Black. Just in case daw na merong mangyari sa amin o bigla na lang kaming mawala ay ma-ta-track daw niya kami agad. Pumayag din naman sila mama dahil parang gold ang bracelet. Tinanong pa nga niya kung nasasanla ba iyon. May balak pa yatang isanla ni mama ang bracelet tracker na pinasuot sa kaniya ni Black. “Ang ganda n

