P I T O
Loisa
"Cinderella"
Di ko alam kung anong nangyari pero nandito ngayon si Yael sa bahay. "W-Why are you here?" Tanong ko.
"Tinawagan ako ni Aelia, she said she needed a body double?" Pinapasok ko agad siya.
"She did say she'll be bringing one, pero 'di ko aakalaing ikaw. 'Di ba busy kayo?"
"We just finished bago ako pumunta, I heard I'll be modeling?"
"Yes, thank you for helping. I owe you!" Sabi ko. Forget about moving on, baka mabagsak ako ni sir kung hindi nandito si Yael. "Kunin mo 'to at suotin mo, kung may part na di ka sure kung pa'no suotin, puntahan mo lang ako."
"Okay." Sabi niya at nagtungo sa room ko at nagbihis.
"So si Yael nga pinasuot mo." Napatingin ako kay Mave, kanina pa kami nagdi-discuss nila Aelia kung sino yung kukunin ko na body double pero wala kaming makitang bagay sa damit na ginawa ko. "Ang arte mo kasi."
"It's called having a type."
"That's what you do when you try and date someone, not when finding someone to wear your very specific at halatang may reference na outfit."
"Hindi siya si Cinderella na siya lang makakasuot sa outfit."
"Lisa, he's exactly like Cinderella. But instead of a shoe, we got a suit."
"Nagkasya sa marami ang suit."
"Pero ayaw mo naman mukha nila."
"Wala kasing vibe na bagay sakanila."
"Why sugarcoat? Sabihin mo lang pangit sila."
"Mave!" Sabi ko ngunit hindi umangal.
"See? You already imagined who is meant to be Cinderella." Nakangisi niyang sabi. "But if you want, I'll gladly try the suit to be your lovely muse."
"Alis nga! Inaasar mo lang ako." Sabi ko at tinulak siya palayo. "Aelia! Gusto daw ni Mave na muse ko siya." Sigaw ko para marinig ni Aelia.
Galit na napatingin si Aelia kay Mave. "Mave Reyes, punta ka dito ngayon din!"
Tiningnan muna ako ni Mave ng masama bago sumagot at umalis. "Yes, ma'am!"
Napatingin ako kay Yael na suot-suot ang gawa kong suit at napahawak sa bibig ko. Perfect! Bagay na bagay! Now this is modeling!
"Tara." Sabi ko at agad siyang pinalapit at tiningnan kung may mga nahulog ba. "How is it? Masikip ba? Maluwag? I can make changes ngayon din if you're not comfortable with how it fits." Sabi ko at umiling siya.
"Surprisingly not, it fits me like a glove." Sabi niya at tiningnan ang suot muli. "It's really good, Loisa."
"Of course! Now sit, make-upan lang kita." Bago siya umangal ay hinawakan ko ang kanyang bibig at muntik nang mapalunok nang mahawan ng daliri ko ang malambot niyang labi. "'Wag aangal, you agreed so you follow. Pikit ka muna." Sabi ko at pinasuot muna siya ng isang headband.
"This is.. cute." Natatawa kong sabi.
"I look ridiculous." Reklamo niya.
"Ridiculously cute." Asar ko at napangisi. Nagtama ang tingin namin at parang hinihila ako ng mga mata niya. "I said pikit." Sabi ko at pinapikit siya.
Prin-ep ko muna ang kanyang mukha. "That tickles." Sabi niya. Nilagyan ko din siya ng lipbalm para medyo moisturize ang kanyang labi. "This does not taste good."
"Ulol that's a lipbalm, make up 'yan to moisturize your lips, hindi pagkain." Sabi ko at nilagyan muli siya ng lipbalm. "Kumain ka na?" Tumango siya kaya nagpatuloy ako sa pagmake up. "Lagyan muna kita ng konting eyeliner para mas maganda tingnan ang mga mata mo. Look at me." Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin.
"Your lips looks chapped, baka ikaw ang kailangan ng lipbalm." Nakangisi niyang sabi. "Sh- I mean apply one at least." Sabi niya at umiwas ng tingin. Tumango nalang ako at nag-apply din ng lipbalm at tumalikod dahil randam kong namumula ako.
"Tingnan mo muna ako." Sabi ko at dahan-dahang nilagyan siya ng black na eyebrow pencil muna bago ang eyeliner.
"Your eyes is chocolate brown."
"Hmm, I know." Sabi ko at patuloy sa paglagay sa kaniya ng make up. "Ilalagay ko na ang eyeliner, 'wag kang malikot." Sabi ko at dahan-dahang nilagay ito. Napahinto ako nang randam ko ang kanyang paghinga ngunit nagpatuloy parin.
Nang matapos ay kumuha ako ng light pink na tint at hinanap ang brush. Nang hindi makakita ay pinuntahan ko si Aelia. "May brush ka ba for the lip tint? Nawala yung akin."
"Wala, sorry. Just use your hands nalang. Malapit na kasi yung photographer." Tumango ako at mabilis na bumalik kay Yael.
Gumamit muna ako ng wipes at nilingon si Yael. "I'll use my fingers for your lips kasi nawala yung brush, ayos lang ba?" Tumango siya at agad akong nagsimula dahil ang bilis na ng t***k ng puso ko. Nang magdampi ang daliri ko at ang kanyang labi ay napahinto ako at nagtama ang tingin namin.
Ang kanyang mata ay unang napatingin sa'king mga mata bago ito napunta sa labi. "Continue." Sabi niya at nakita ko siyang lumunok bago umiwas ng tingin. "I hear malapit na daw photographer, you should hurry up."
"R-Right." Sabi ko at bumalik sa paghaplos-- este paglagay ng liptint sa kanyang bibig. Dahil sa lambot nito ay hindi lahat nalalagyan kaya hinawakan ko ang kanyang baba at inayos ang paglagay. "I'll do your hair now." Sabi ko at mabilis na kumuha ng gel para hindi niya mapansin ang tinding pamumula ko.
"Okay." Sabi niya at napahawak muna ako sa namumula kong pisngi bago siya hinarap at pinakita ang gel.
"I'll do one a half slick back hair, gusto kong ipakita ang left mole mo para ma highlight." Sabi ko at tinanggal na ang headband. Pinahid ko muna ang malagkit na gel sa kamay ko bago iyong pinahid sa kanyang buhok. Nang matapos ito i style ay pinakita ko sakanya. "What do you think."
Ngumiti siya. "It's really great, I like it." Napangisi ako.
"I'll be back, suotin ko lang ang magiging outfit ko, wait here." Sabi ko at inaya si Aelia na magbihis.
"So, how was it?" Tanong niya.
"How was what?"
"Yael, grabe ang tensyon niyo abot sa'min!"
"What tension? Magkaibigan lang kami."
"Walang magkaibigan na may gusto sa isang kaibigan, Loisa." Napabuntong hinga ako. "Help me zip this up."
"Patulong din ako."
"Oh my God, ang gandaa!" Sabi namin nang makita namin ang bawat damit that was made from our blood, sweat, and tears!
"We'll chat later, I have to do my make up muna!" Sabi ni Aelia at umalis, sumunod agad ako at nilapitan si Yael na nakaupo pa rin.
"You look.. good." Sabi niya, napangiti kami at tumayo siya para paupuin ako. "Should I style your hair?"
"Alam mo ba?" Tanong ko.
"Yeah, I do it for Avie and mom sometimes." Sabi niya at tumango ako at naramdamang kumirot ang puso ko nang mabigkas niya ang pangalan ni Avie.
Stinyle ko na ang sarili ko at naglakay ng accessories. Nang matapos ay napansin kong tinali ni Yael ang buhok ko. "Thank you, it looks good." Napalingon ako sa pintuan nang pumasok ang photographer. "Tara."
"Teka." Napatingin ako kay Yael na kumuha ng tint at nilagay iyon sa bibig ko. "You forgot this." Nakangiti niyang sabi at nagpaunang lakad. ?!?!?! Ano 'yon!?!?!?
'Di ko pinahalatang kinikilig ako at sumunod papunta sa studio. Binigyan kami ng photographer ng pointers at sinabihan din namin ang concept.
Mabilis lang ang oras ng shoot pero parang mabagal dahil nandito si Yael. Wala namang malisya sa mga poses ngunit ayaw ko parin na medyo magkalapit kami dahil baka maissue, parang randam ko na ang masamang tingin sakin ni Avie.
"Loisa, right? Lagay mo kamay mo sa shoulder niya, let's do some poses to show the pairing of the outfits!" Tumango lang ako at nilagay ang kamay ko sa balikat ni Yael. "Don't be so stiff, boy over there-"
"Yael." Napalingon ako kay Yael nang magsalita siya.
"Yeah, you, get closer with Loisa and act like you're comfortable at least. Show me some smile!!" Maraming poses kaming ginawa at buti nalang walang masyadong skinship, baka himatayin ako!
"Thank you again for this." Sabi ko kay Yael habang nagpo-posing parin.
"No worries, anytime." Napangiti ako at nanlaki ang mata nang mahulog dahil nawalan ng lakas ang aking paa. "Loisa!" Napapikit ako, waiting for the fall pero nang pagdilat ko ay nagulat nang making napakalapit ng mukha niya. "Are you okay?" Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit niya na paghinga at ang scent ng mint.
"Y-Yeah, thanks." Sabi ko at inayos ang sarili ko, ilang minuto pa bago niya tinanggal ang kanyang kamay na ngayon ko lang napansing nasa bewang ko pala.
"Love that!" Lito kaming napalingon sa photographer. "Let's wrap it up and proceed with Aelia and Mave, chop chop! We don't have time to waste, let's go! Let's go!" Agad kaming umalis sa stage para sila Aelia naman ang magshoot.
"Let's eat muna pagkatapos kong magbihis." Sabi ko kay Yael at nagtungo sa kwarto ko. "Don't remove your makeup baka may shoot pa mamaya."
"Pwede sa cr ako magbihis? May tao kasi sa ibang kwarto."
"Okay, pero ako nalang sa cr, naiihi din ako." Sabi ko at mabilis na kinuha ang mga susuotin ko. Nang makapasok, agad kong tinanggal ang dress para hindi ito mabasa at nagbihis, napamura naman agad ako nang mahulog ang tali sa buhok. "Shit." Bulong ko at kinuha ang tali at nilagay nalang ito sa kamay ko at hinayaang nakalugay ang aking buhok.
Nang matapos akong makabihis ay agad kong binuksan ang pinto. "Wait! Fuck." Agad kong sinarado ang pinto nang makitang hindi pa nakakasuot ng pants si Yael.
"Sorry!" Sigaw ko. Pinikit ko ang mata ko sa hiya ngunit hindi mawala sa aking isipan ang aking nakita. Yael is not the lanky type, he may seem one dahil medyo loose ang ginagamit niyang mga damit pero ang totoo niyan fit ito at nage-exercise paminsan-minsan. But looking at him now it seems like consistent ang kanyang pageersisyo.
Kitang-kita ko na kasi ang muscles niya kahit hindi siya nakaflex tapos nakasilip pa ako sa abs niyang sobrang refined na. Teka think of holy thoughts, Loisa! 'Wag padala sa temptasyon!!
"Tapos na'ko." Narinig kong sabi ni Yael. Binuksan ko ang pintuan at awkward na napatawa.
"Hehe, sorry, akala ko sa closet ka nagbihis." Sabi ko dahil malaki-laki naman ang space sa closet. "Where'd you wanna go?" Tanong ko.
"Anywhere basta masarap. Nilagay ko na sa closet mo ang suit." Tumango ako at nilagay nadin ang dress sa closet.
"Let's buy one for ourselves tapos bilhan nalang din natin sila." Sabi ko at tumango siya bago kami umalis sa kwarto. Hindi parin tapos sila Aelia kaya sinenyas ko sakanya na bibili muna kami ng pagkain at mabilis silang tumango pero sinenyasan ako ni Mave na maghintay muna. "Wait lang."
"Why?" Hindi na ako sumagot dahil naparito na din naman si Mave.
"Here, take my car."
"No need, nagdrive naman ako." Sabi ni Yael.
".. Okay, ingat kayo." Sabi niya at umalis. "Ah, take my card."
"Naks! 'Yan gusto ko!" Nakangisi kong sabi at kinuha ang card. Napakunot ako ng hinila niya ito kaya napalapit ako sa kanya ng wala sa oras. "Takte!"
"'Wag mo bilhin ng lahat ng pagkain sa pupuntahan niyo. Buy me coffee din." Sabi niya. "Don't get too close with him, nagseselos ako." Birong bulong niya kaya agad ko siyang tinulak.
"Mama mo nagseselos, alis na kami!" Sabi ko at agad na umalis.
"Ano sinabi niya?"
"Wala 'yon, biro lang naman." Tumango lang siya at hindi kami nag-usap hanggang sa makasakay sa kotse niya. "Meal muna bilhin natin then coffee."
Hindi siya nagsalita pero tumango. It's been a while since nakasakay ako sa kotse ni Yael, I think almost three months ago? Napangiti ako sa pamilyar na bango ng kanyang sasakyan. "You still use the same scent?" Tanong ko, we chose the scent randomly on a trip years ago. Mahirap din hanapin ang car scent pero marami daw siyang stock na hindi parin niya pinapakita sa'kin.
"Yael?" Tanong ko nang hindi parin siya umiimik. Hininto niya ang sasakyan at pumarada siya sa harap ng isang kainan. "Why're you not answering?" Lito kong tanong pero hindi parin siya umimik. Akmang aalis nalang sana ako dahil wala talaga siyang imik ngunit nagsalita siya.
"I..." Hinintay ko siyang magsalita. "I've got to go, sorry. May pupuntahan pala ako."
"Huh? Are you sure?" Lito kong tanong. "Sa'n ka ba pupunta? Ngayon lang sana tayo magkikita muli." Sabi ko.
"Sorry, next time nalang, pupuntahan ko pa si A-Avie." Napahinto ako pero tumango.
"I see, naiintindihan ko." Sabi ko at bumaba sa sasakyan niya. "Mag ingat k-" Hindi ko pa natatapos ang sinabi ko nang mabilis siyang nagpaharurot. Naglakad nalang ako ng mabilis at pilit na tinanggal ang nangyari kanina sa isip ko.
I feel shitty, kahit na gusto ko siya, I know that this is not how one treat their friend, more so a bestfriend. Tangina.
Mabilis nalang akong nag order at pumunta sa cafe na nasa harap lang ng kainan. Can I even consider myself as his friend? Even friends don't treat their own friends as f****d up as this.
Nang matapos makabili ay pumara ako ng isang taxi at umuwi. 'Di ko alam ang expresyon na pinapakita ko at kung pa'no kami natapos ng shoot dahil puno parin ng lito at galit ang nasa isip ko. 'Di naman sa hindi ko siya iniwasan noon pero hindi ko naman siya ininjan at basta basta nalang aalis.
Napabuntong hinga nalang ako at uminom ng tubig, umalis na sila kanina palang at ako nalang ang isa dito sa bahay. Humiga ako sa kama at tiningnan ang kisame at pumikit para makatulog.
Mom Calling...
Napabalikwas ako nang magring ang cellphone ko. "Hello? Mom?"
"Loisa, anak. I'm just calling to ask how you've been. Kamusta dyan?"
Pilit akong ngumiti para hindi niya mahalata sa boses ko ang nararamdaman ko. "Ayos lang naman, same as usual."
"Si Yael nandyan ba?" Napahinto ako at hindi agad nakasagot. "Loisa? Nandyan ka pa?"
"Y-Yeah, I'm still here. Wala si Yael ngayon, medyo busy kasi siya."
"Ba't busy? May jowa na ba kamo?" Biro niya at tumawa. Napahinto siya nang hindi ako sumunod. "Meron talaga?"
"Oo, ma, pero 'wag kang mag-alala, ayos lang naman ako."
"That's good."
"Hmm."
"But sa graduation, it will still happen, diba?" Tanong niya, naalala ko ang plano namin ni Yael na samahan si mama sa Canada at magtrabaho muna and we can live in my mom's house there temporarily if we want. "I already got the approval."
"Yeah." Sabi ko. Yael is not one to forget his promises, he will surely remember.
...Right?
"I gotta go na, Loisa, remember to be safe at mag ingat kayo dyan ah? Love you."
"Love you, too, ma." Napabuntong hinga ako at humiga para matulog na pagkatapos ng tawag.
Napabuntong hinga akong nakatingin kay Yael na ngayo'y paalis na naman. Oo, na naman. I've decided to casually hang out with him in a way na ayos lang kay Avie to at least restore our friendship pero siya naman itong todo ng iwas.
"Iniiwasan ka na naman?" Tanong ni Mave. Witness siya kung paano ako iwasan at iturn down mga offers ko sa pagtambay o pag-alis.
"Yes." Pagod kong sagot. "Like, why? Gets ko naman sa part ko dahil sinabihan ako-"
"Sinabihan ka ni Avie na iwasan si Yael?"
"Ah.. 'di ko ba nasabi?" Inosente kong tanong at napabuntong hinga nalang siya.
"This girl..." Ngumisi nalang ako. "I think I know why Yael is ignoring you."
Agad akong napatingin sakanya. "Why!?" Napatingin ang iba naming kaklase nang lumaki ang boses ko kaya umubo muna ako. "I mean, w-why?" Nahihiya kong sabi at tumawa muna siya bago ginulo ang buhok ko.
"'Di pa'ko sure."
"It's alright, open naman ako sa mga theories."
"Crazy, I don't want to assume things."
"Sometimes it's good to assume things, you know."
"At sino nagsabi niyan aber?"
"Me." Umiling lang siya at naglakad kami papunta sa canteen. "Aelia said na magce-celebrate tayo next week."
"Napanalo niyo na?"
"Not yet, pero sure daw siya."
"Haiz."
"What? You don't think we'll win?" Asar kong tanong.
"Nah, with the clothes you both made, I'm certain you'll win." Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy. "But assuming things causes expectations, and expectations sometimes causes disappointments."
"...Right." Sabi ko at tumango. "Pero it's not bad to be optimistic."
"Tama din. Anyways, I'm hungry na."
"Same." Nilapitan ko ang cashier nang nasa harap na namin siya at nag order, "I'll take the set A and can I have coke instead of sprite tapos padagdag nalang din po ako neto." Nag order na din si Mave at nang makuha ang order ay naghanap kami ng table.
"Sumali ka sa raffle?" Tanong ni Mave. Ang raffle na ibig niyang sabihin ay ang free plane ticket to Palawan na all expenses paid with a hotel and tour. The tour is optional lang kaya I can laze away if I won.
Ngumiti ako at pinakita ang tatlong ticket na binili ko. "Of course, bakasyon na rin 'to."
"Weak!" Sabi niya at pinakita ang pito niyang ticket.
"Sinong nagsabing tatlong ticket lang binili ko?" That's a lie, tatlong ticket lang talaga nabili ko dahil na timing-an na naubos pera ko sa pamimili ng pagkain.
"Hah! I'll win kahit isang daan pa binili mo." Tumango-tango lang ako as if na sumasang-ayon ako sa sinasabi niya.
"Bow down, peasants! Dahil Aelia will take the tickets!" Napalingon kami kay Aelia na pinakita ang tickets sa loob ng bag niya. "Maliit na bagay, it's only a hundred ticket."
"Crazy?! Eh ang mahal ng tickets, what will you do if you don't win?"
"Correction, Mave, dear. What will Aelia do if she wins?" Nilapitan ko si Aelia. "Aelia~ my dearest friend in the world~"
"Aelia, gusto mo massage?"
"I can't bring anyone else if I win." Napabuntong hinga kami at bumalik sa pagupo. "Ampf0ta!?"
"Ilan ba winners ng raffle?"
"Dalawa daw pero may possiblity that you can bring another person on the second day." Napatingin ako kay Mave sa magandang news na kanyang binigay.
"Really? Pa'no daw?"
"Buy the most tickets." Napatingin kaming dalawa kay Aelia.
"Kahit pa hindi 'yan sinabi, it's a given since I raised my chance of winning by practically buying the most tickets. Maraming students ang bumibili ng ticket kahit na mas mahal itong nire-resell."
"Pwede ba 'yan? 'Di ba nakalista na names nila?"
Napangiti si Aelia. "Proven and tested ko na, of course. One can buy as much as they want tapos ipapabili nila sa iba at a higher price not more than two times the price para narin hindi sobrang mahal. It also increases my chances of winning since not only do I have many tickets, I also have a shared 25% of the tickets sold."
Napahanga akong napatingin kay Aelia, "Ilan bang tickets binili mo?" Curious kong tanong.
"Five hundred."
"Five hundred!?!" Napasigaw namin ni Mave. "Are you crazy? One ticket costs 50 pesos!" Bulalas ni Mave.
"Right! Sa'n ka nakapulot ng P25,000!?" Pagsang ayon ko. Bale ang tickets for Palawan is reserved only for graduating students, there are approximately 1,300 students and the tickets available were 3,000. Marami-rami din nakuha ng student council since the money will be used for the graduation ball and for the facilities.
Each students are required to buy one ticket for clearance and the remaining 1,700 tickets are reserved for those who want to have the chance to go to Palawan.
"I sold the three hundred tickets for twice the price and I'm planning to sell the remaining one hundred.. quadruple." Nakangiting sabi ni Aelia. "I already have my eyes on some desperate buyers."
"Demon!"
"Demonyo!"
"It's called business!" Pagdedefend ni Aelia. "Anyways I've got to go, najejebs na'ko."
"Ang TMI!" Kumaway na si Aelia at umalis.
"Should've thought of that strategy!"
"As if, ang busy mo nga these past few days." Sabi ko sakanya. Hindi pa nila natatapos ang thesis nila and we only got one week bago kami magstart ng practice for graduation.
"Yeah, I'm stumped, kailangan ko ng yakapsul." Sabi niya at in-open ang kanyang arms.
"Teka, tawagin ko lang si Henry." Henry is the class' hugger. He gives the best hug at sobrang clingy n'un.
"Not from Henry."
"Eh umalis na si Aelia." Sinamaan niya ako ng tingin. "My hugs costs millions." Sabi ko pero hin-ug parin siya.
"I'll gladly pay twice the price." Sabi niya habang naka-hug at napatawa ako. "I'm serious."
"I'll wait for the cash nalang." Biro ko. Binitawan ko na siya. "That's it, clingyboi."
"Clingyboi? I'm not Henry."
"Don't say that, you could be Henry. Maniwala ka sa sarili mo." Nang-aasar kong sabi at inirapan niya 'ko. Aba? "Are you being sassy?"
"Sabi mo maniwala ako sa sarili ko, I can be Sassy Mave-y."
"Teka do it again, ire-record ko."
"Tse! Alis." Sabi niya at nagkunwaring nagtatampo. "I'm sad."
"Hi, Sad, I'm Loisa." Nakangiti kong sabi.
"Hmp, punta na 'ko sa lib. It's time for our meet up." Sabi niya at napatingin sa kanyang relo. "See you later?"
"Tingnan ko muna, may gagawin pa kasi ako." Sabi ko at tumango siya. "Ingat ka."
"Ikaw din." Nang makaalis ay niligpit ko muna mga pagkain ko at napatingin sa phone nang may magtext.
From: Tita
Lisa! Miss na kta, when k ba pu2nta ulit?
Yes, binago ko na ang nickname, nakita kasi ni Mave at tinukso ako kaya binago ko nalang in case may ibang makakita. Agad kong dinial ang number ni tita since sure ako mas gusto nitong makitawag.
Matapos ang isang ring ay mabilis niya itong sinagot. "Tita? Hello po."
"Lisa! How good to hear your voice. Sa'n ka na ba? Kasama mo ba si Yael? Pupunta kasi tito mo ngayong Sunday at plano sana naming magdinner dito."
"Ayos lang naman po ako tita, hehe, medyo na busy lang po. Na'sa school po ako and 'di ko po kasama si Yael kasi medyo busy ho siya." Busy my ass, busy na iniiwasan ako."It's good to hear tito's coming home, titingnan ko lang po kung wala akong lakad."
"Naku! Magtatampu 'yun kung hindi ka pupunta!"
"Haha, sige po tita, I'll try and clear my schedule at kung hindi man ako makapunta on time susunod lang po ako."
"Sige, ija, aasahan ko 'yan. I'll cook your favorite meal."
"Hala 'wag na po, nakakahiya."
"Anong nakakahiya? Lulutuin ko talaga para pumunta, kilala kita, Lisa." Napangiti ako sa sinabi ni tita.
"Sige po, pupunta ho ako."
"'Yan gusto ko! I heard Yael will introduce his girlfriend mamaya kaya aayain ko rin ngayong Sunday, ayos lang ba sa'yo?" Napahinto ako. It's also Yael's first time introducing his girlfriend to his mother kaya halatang seryoso siya.
"Oo naman po." Sabi ko at pilit na ngumiti. "Tawag nalang po ta'yo sa susunod dahil may gagawin pa kasi ako."
"Ay hala oo nga, sige ija, mag ingat ka and see you sa Sunday!"
"Sige po tita, ingat din po kayo and see you in Sunday din." Sabi ko sabay baba ng tawag. Nakita ko si Yael sa peripheral vision ko at nagtama ang mata namin, kakaway na sana ako kaso naalala ko ang pinanggagawa niya these past few days kaya mabilis akong umiwas ng tingin at bumilis ng lakad.
Pumunta ako sa room namin at natulog. It was a lie that I was busy and had something to do. Gusto ko lang umiwas and have some time for myself. Parang hollow kasi ang nakaraang araw since Yael started to give me a cold shoulder and maliit nalang ang mga araw na pwede kaming makarest since magsisimula na ang practice.
"Loisa?" Napalingon ako sa pintuan at nakita ang kaklase kong si Jace. "Ba't ka nandito? We're done with the projects already." Sabi niya, same kami ng grupo for the projects sa major ko and we helped each other narin sa thesis kaya alam niyang tapos na'ko.
"Nagpapahinga lang." Nakangiti kong sabi. "Ikaw? Ba't naparito ka?"
"Ah, may iniiwasan lang." Nahihiya niyang sabi at napakamot sa kanyang nape. Naalala ko ang isang estudyanteng may gusto sakanya that is rumored to be a crazy stalker na palagi siyang sinasagabal.
"I see, this place is a good hiding spot." Sabi ko at tinuro ang medyo madilim dahil sa mga kurtina na room. "A great place to sleep din." Nakangisi kong sabi.
"Wait." Sabi niya at biglang umalis.
Uso bang iinjan ako?
Lito lang akong tumingin sa pintuang inalisan niya at bumalik sa paghiga sa makeshift bed ko gamit ang mga telang hindi na ginagamit at ginawa kong bed stuffed with cotton. Meron din akong blanket na tinahi ko gamit ang iba't ibang malalambot na tela.
Napalingon uli ako sa pintuan nang makarinig akong may pumasok. "Jace?"
"I'm here." Muffled niyang sabi at lito akong bumangon at tiningnan siyang may mga dalang gamit na nakatakip sa kanyang mukha.
Tawa-tawa akong lumapit sa kanya at kinuha ang ibang dala niya. "Tulungan na kita." Sabi ko at inilapag iyon na medyo malapit sa'king pwesto. Hindi ko lang dinikit ang bed para hindi maissue.
"Thanks." Sabi niya at in-arrange ang mga kuhang higaan.
"Gawa mo o binili mo?"
"Gawa ko." Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at hinawakan ang mga ginawa niyang blanket and makeshift mattress.
"It looks really good, feels good din." Ngumiti siya.
"Thanks! I'm probably gonna make more to sell."
"Baka ako una mo maging customer?" Biro ko at humiga. "Ba't mo naisipang dito pumunta?" Curious kong tanong.
"Ah, nilipat ko actually ang floor, ito lang ang empty.. well sort of."
"Hmm."
"I heard you and Yael got into a fight?"
"Naks, interrogation ba 'to?" Biro ko.
"'Di naman, curious lang."
"No, we didn't."
"I hear may girlfriend na siya? I thought you guys were dating?" Mabilis akong napalingon sa kanya.
"Dating?! No."
"Akala lang naman since everyone knows about your feelings for him." Mabilis akong namula.
"Is it obvious?"
"Yes, but more so when you react like that." Napatakip ako sa mukha ko. "Everyone thought you both were dating, that's why..."
"That's why ano?"
Napaiwas siya ng tingin. "..Nothing."
"What? Mas curious na 'ko."
"It's a secret."
"This place was a secret one bago ka pumasok, shouldn't you say it to me at least dahil related naman 'yan sakin?" Pagmamakaawa ko.
Napatawa nalang siya. "Hmm, baka pagalitan ako."
"Nino?"
"Sige sasabihin ko na." Napangiti ako at umayos ng upo. Ito gusto ko! Chika! "Actually, Yae-"
"Loisa." Napalingon ako sa hinihingal na Aelia at napabalikwas. "You... come with me." Hinila niya kamay ko at napalingon ako kay Jace.
"Sorry! Tell it to me next time!" Sigaw ko at kumaway, ngumiti lang siya at kumaway din. Binaling ko ang tingin kay Aelia. "Anong nangyari? Sa'n tayo pupunta?"
"I'll explain on the way." Kahit lito ay sumunod lang ako. Dala-dala ko ang gamit ko naman kaya ready to go lang ako.
"Aelia? Tara." Napatingin ako kay Mave na mabilis nag backing at nagdrive.
"Anong nangyari? Parang tinatakot niyo naman ako." Biro ko at napatawa pero hindi nawala ang kaba na aking nararamdaman. Ano ba kasi ang nangyari?
"It's about Yael's father, an accident happened."
"What!?"