T A T L O
Loisa
"I think I like her already"
Nakatingin ako kay Yael na halatang bagong gising, kinusot niya ang kanyang mata at pakshet, angkyut.
"Ma, may pagkain na?" Sabi niya at lumapit kay Tita Macy na nasa kaliwa ko at tumabi kay Tita habang mahigpit na nakahawak sa braso niya.
"Wala pa, nak. Pero may meryenda doon. Kunan ko muna kayo ni Lisa." Sabi ni Tita at akmang tatayo nang tumayo si Yael.
"Ako na po, ma." Sabi niya at hinalikan sa pisngi si Tita saka umalis. Nakangiti namang bumaling si Tita sakin.
"Naku! Ang sweet talaga, kaso nag aalala ako kung anong mangyari sakanya pag nawala ako, napaka clingy!" Sabi ni Tita at sabay naman kaming napatawa. "Nakalimutan kong sabihin na pupunta si Rafael sa lunes, plano sana niyang sorpresahin, kaso nga lang ay ayaw ni Yael non."
"Surprise nalang po Tita, gusto din naman non si Tito Rafael." Pabulong kong sabi kay Tita nang nakita kong bumalik na si Yael. Napatango-tango naman si Tita at inilagay ni Yael ang mga pagkain sa maliit na lamesa na nasa harap namin.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Curious na tanong ni Yael.
"Girls talk to, wag kang makealam, El." Nabulunan naman ako sa kinain kong cookie sa sinabi ni Tita Macy. "Ay hala, Lisa, oh tubig oh." Sabi niya at hinimas ang likod ko. Biro iyong sinabi ni Tita pero natawa ako masyado, jusko.
"Haha, ayos lang po tita, nabilaukan lang po ako, hehe." Sabi ko at nagpunas nang bibig.
"Ma, should I help you with the cooking?" Tanong ni Yael kaya napalingon kami sa kanya.
"Ay nako, ayos lang. Take care of our guest nalang, El. Okay?" Lambing na sabi ni tita saka hinalikan sa noo si Yael. Ngumiti naman si Yael.
"Basta you said it, ha? Pero call us whenever you need help, or Aleng Esther." Tinanguan lang ni Tita Macy si Yael saka siya pumunta sa kusina. Pumunta naman agad si Yael sa TV at saka ito pinatay. "Tara, sa taas tayo."
Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay, tiningnan ko naman siya nang nakataas ang aking kilay. "Naks, gentledog yarn?" Sabi ko at inabot ang kanyang kamay, napatawa naman siya agad at naglakad na kami sa taas. Binitawan niya ang kamay namin nang nasa hagdan na kami.
Hindi naman nawala ang pagkadismayado ko, ngunit hindi ko iyon pinahalata. Hindi ako bagay sa kulay na berde. Pumunta kami sa kanyang kwarto at pumasok sa isa pang pintuan, kung saan matatagpuan ang kanyang 'play room'.
And no, hindi ito kagaya nang red room, noh. 'Wag dirty mind.
Play room siya, the name means exactly what it is. It's a game room, dito naglalaro si Yael and he mostly spends his time more dito kesa sa bedroom niya. Umupo ako sa couch and tumayo siya at in-on yung aircon, medyo dim yung lights dito, hindi masiyadong maliwanag na nakakasilaw, at hindi din madilim na wala ka nang makikita, katam-taman kumbaga ang brightness ng room.
Habang lumilingon ako sa napakaluwag niyang kwarto, may nahagilap ang aking mata sa sahig. Isa itong box na kulay itim at may ribbon na naka balot dito. Bago ko pa mapulot ang box, ay napalingon ako sa harap nang lumiwanag at narinig ko ang mahinang tinig nang telebisyon.
"I'll just play some songs muna." Sabi niya at tumango naman ako. Nakalimutan ko na ang tungkol sa box at ayaw ko namang maging nosy kahit ako ang pinaka curious na tao sa buong mundo. "Diba may sasabihin ka?"
"Sasabihin?"
"Oo, sinabi mo iyon kanina diba?"
"Ay! Tama!" Naalala ko yung sinabi kong sasabihin sa kanya at naramdaman ko ang malakas na pintig nang aking puso dahil hindi ko alam ang kanyang magiging reaksyon sa aking sasabihin.
"Sabihin mo na, naiinip ako." Asar na sabi ni Yael kaya inismiran ko siya. "Nga pala, nandito pa si Tita?" 'Yung tita na sinasabi niya ay yung mom ko.
Mommy nalang kaya tawag mo kay mommy, Yael? Yieeeeeeeeeeee char.
Umiling ako, "Bago lang siya umuwi kaninang madaling araw. May trabaho pa kasi siya." Sabi ko, ang nanay ko at ang tatay ni Yael ay parehas nang trabaho. Sa cruise sila nagtatrabaho, although hindi parehas nang kompanya, may mga araw ding nagkikita sila.
Tumango naman siya at humiga sa sofa. Tahimik siyang nakahiga at blangkong nakatingin sa kisame, bumuntong hinga siya at pumikit.
"Nami-miss mo si Tito?" Tahimik kong tanong. Hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakapikit at nakita ko siyang nag kagat-labi. Tumango lang siya ng marahan at nagbuntong hinga.
Para bang instinct, pin-at ko siya sa kanyang ulo at tinago niya naman ang kanyang mukha gamit ang kanyang braso. Tahimik lang siya habang tinatapik siya sa ulo, nakita kong gumalaw ang kanyang mga balikat at parang nabasag ang aking puso nang makita iyon.
Hindi ko man siya nakikita, pero nararamdaman kong napakalungkot niya sa sa ngayon. Hindi ako nagsalita, pina-pat ko lang ang kanyang ulo para malaman niyang hindi siya nag-iisa. Nararamdaman kong naluluha ako na makita siyang ganyan kaya napakagat labi ako dahil ayaw kong umiyak kasabay siya.
Napalingon ako sakanya nang bigla siyang umupo, nakatalikod siya sakin at nalungkot ako habang pinagmamasdan sa napakalungkot niyang likod. Tahimik lang kami at wala naman siyang kibo at nakaupo lang, nakatalikod sa akin.
"Haa." Sabi niya at narinig ko ang kuso at nakita siyang may kinuha sa night stand niya, nakita ko siyang nag unroll ng tissue. Tissue? Sa tabi ng kanyang kama? Hmm?
Suminga siya sa tissue at tumahan, hinaplos ko ang kanyang likod at tumahan naman siya. Lumingon siya saakin at napatigil ako sa paghaplos nang makita ang namamaga at mapupula niyang mata, nakaramdam ako na para bang marahan na pinipiga ang aking puso.
Para naman siyang naluluha ulit at napatingin sa kanyang kamay, agad ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Nang marinig ko ang kanyang mga hikbi, ay hinaplos ko lang siya, may sinasabi siya ngunit kahit hindi ko ito maintindihan, ay tumango lang ako at sumabay sa kanyang sinasabi.
Ilang taon na kasi ang lumipas nang makita niya si Tito Rafael, masasabing napakagaling ng pag alaga ng kanyang ama sakanya, ngunit nang makakuha ito ng kanyang trabaho ay minsan na lang siya napaparito sa Pinas.
Mas matalik sa kanyang ama si Yael at palagi niya itong kasama nang siya pa lamang ay bata pa kaya alam ko kung saan nagmula ang kanyang kalungkutan. Tiyak na namimiss niya si Tito dahil limang taon na simula nang ito ay bumalik.
Oo, limang taon. Napakatagal nito. Nagska-skype sila nito ngunit alam ko na iba talaga pag nandito sa harap na ang iyong taong gusto mong makasama. Humagulgol si Yael kaya naman hindi ko mapigilang maluha luha din.
Ayaw ko siyang nakitang nasasaktan, kahit na napakasaya niya kanina, alam kong hindi nito matatago ang sakit na kanyang nararamdaman. "Shhh. Oo." Tahan ko sakanya, ngunit hindi huminto ang hagulgol nito.
Naramdaman kong nabasa ang aking damit at sumandal ako sa kanya, at saka ako bumulong ng mga salitang makakapagtahan sakanya, hindi ko magawang alalahanin kung ano ang mga iyon pero patuloy lang ako sa pagsoothe sakanya habang tumutulo ang luhang hindi ko inaasahan na napakarami.
Napahawak siya saakin ng mahigpit at ramdam ko kung gaano siya kadesperado sa mga sandaling iyon, at inantala niya pa ito bago siya lakas na humagulgol.
'Please don't cry.'
Pakiusap ko habang nakasandal ang kanyang ulo sa akin at patuloy parin ang pag-iyak at pagpatak ng mga luha na nararamdaman ko sa aking damit.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang ikinatagal nang nasa posisyon kami non, nang biglang tumahan siya at hinigpitan ang hawak sa akin. "Thank you." Lito akong lumingon sa kanya at umalis siya sa pagyakap namin.
Nagpunas siya ng kanyang mata at nakangiting tumingin sa akin, masaya naman ang kanyang mukha, taos-puso niya itong sinabi ngunit may kalungkutan paring nakatago sa likod nang masaya niyang mukha.
"Salamat at nandito ka." Mahina niyang sabi at binigyan ako nang isang napakasinserong ngiti. Napangiti naman ako sakanya.
"Anytime." Sabi ko at tumahimik kaming dalawa. Sumandal siya sa headboard ng kanyang higaan at ako naman ay humiga sa higaan at tumingala sakanya. Nakapikit siya at parang may malalim na iniisip.
Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa, nang basagin ko ito.
"Makikita mo lang ulit si Tito." Sabi ko at napalingon naman siya sa akin. Lito niya akong tiningnan.
"Paano mo nasabi?"
"Nasabi ko lang." Biro ko tsaka tumawa. Sumabay siyang tumawa at mas gumaan ang atmospera pagkatapos kong bigkasin ang birong iyon.
"Char, joki joki lang. Pero nararamdaman ko." Sabi ko at nilingon siya. Tumaas naman ang magkabilang labi niya nang sabihin ko iyon at napangiti rin ako. "Yieeeee, tumatawa na oh!"
Masaya kaming nagbibiruan at nag-usap tungkol sa kung ano-ano. Wala man kaming tiyak na topic kung ano yung pag-uusapan namin, pero nakakagaan at nakaka-aliw ang samahang iyon.
"Movie?" Tanong niya saka pakita nang isang CD. Yes, uso pa CD at DVD player dito ila Yael. They personally burn the CDs so andami nilang stocks. Sheesh.
Tumango ako at nilagay niya yung CD sa DVD player saka pinatay ang ilaw. May kinuha siya at narinig ko ang tinig ng paborito ko. Junkfoods!
Nakangiti kaming nagtinginan at pinakita niya yung Piattos sakin, hehe. "Thank you." Sabi ko at in-open niya naman ang kanyang Doritos at saka kami nanood. Nanonood kami ng Clueless.
Yes, Clueless. All time fav kasi namin yan kaya 'yan yung pinakagusto namin panoorin whenever may free time kami.
Sa sobrang favorite namin, naging 'clueless' na rin tong isang 'to.
Hindi masasabing tahimik kaming nanonood, dahil talagang isa itong kasinungalingan. Napakaingay naming nanonood at nagpapasalamat kami na soundproof etong kwartong eto.
Namula ako nang may naimagine akong kababalaghan.
'Potangina, Loisa. Get a grip!'
"Ayos ka lang? Namumula ka." Sabi ni Yael saka ako binigyan nang isang water bottle. In-on na niya kasi ang lights, kaya obvious na ang pamumula ko. Huhu.
"Yeah." Sabi ko at uminom nang maraming tubig. Yan! Yan dapat, Loisa. Sa tubig ka lang dapat mauuhaw. Jusq.
Nanatili ang katahimikan ulit kaya agad akong nagsalita, "Pupunta ako ng Canada."
Tiningnan niya ako, halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko. "What?" Tanong niya. Hindi ako sumagot kaya nagtanong ulit siya. "Why? Bat ka pupunta? Kailan?"
"After graduation. Pinapapunta kasi ako ni Mommy, dun daw ako for 2 years, pero di pa ako sure since baka mag-migrate ako dun." Sabi ko at tumango siya, pero nakikita ko na lito parin siya.
"Payag ka?" Tanong niya at mahina akong tumango. Di naman ako payag na mawalay sa kanya, pero ngayong may iba na siyang gusto, ay mas pipiliin ko pang pumunta doon at dahan dahang burahin ang aking nararamdaman sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tahimik kaming nakaupo, kaya humiga ako dahil sumasakit ang likod ko.
"Ako hindi." Napalingon ako sakanya.
"Ano?" Tanong ko dahil hindi ko naintindihan at narinig ang kanyang sinabi. Ningitian niya lang ako.
"What do you think about her?"
"Her? Who? Avie?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Tumango siya. "She's nice, really nice. Also caring." sabi ko.
Ngumiti naman siya nang kaylaki-laki at nakita kong kumikinang ang kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib at umiwas ako ng tingin nang napunta sa akin iyang titig.
"Hehehe." Giggle niya kaya gulat ko siyang tiningnan.
"Pucha?" Tawa ko kaya napatawa din siya dahil di niya alam kung bakit din siya napa-giggle. Tangina.
Tumahan kami at nagkaroon ng comfortable silence. Hindi siya silence na nakakarindi, not the silence where you'll want to initiate a conversation to make the silence less defeaning, it instead is more comforting and I smile at the feeling of comfortableness, it was comforting having silence like these.
The silence went on for a few minutes before I heard Yael sigh. Napalingon ako sakanya at nakalingon na siya sa akin. "I think I like her already."
'Di ko alam kung ano ang sasabihin ako, parang naging blank ang aking utak at walang response na lumalabas sa aking bibig. I averted my gaze at tumingin ulit sa ceiling. Hindi naman sa hindi ko na inexpect na magugustuhan niya si Avie, pero hindi parin mawala ang sakit na idinulot ng mga salitang madali niyang nabigkas.
"Ahh." Sabi ko, 'di ko alam saan ko nakuha ang lakas na magsabi 'nun, pero parang gusto kong tumakas, kahit ilang sandali lang, gusto ko munang mapag-isa. "A-ah, cr muna ako hehe."
Sabi ko bago umalis sa kwarto at tumungo sa restroom na na sa pinakadulo. Habang naglalakad, nararamdaman kong sumasakit ang aking dibdib kaya agad ko itong hinawakan at mina-ssage, tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha at wala akong ginawa upang itahan ito.
Naging malabo ang aking dinadaanan dahil sa mga luha na namumuo sa aking mga mata. Pero mabuti nalang at medyo malapit lang ang restroom dahil di ko na mapigilan ang hikbi ko.
Ansakit pala talagang marinig iyon sa personal kahit na sa puso ko ay alam ko ang nararamdaman niya sa una palang.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako dito sa cr, pero ang alam ko ay hindi ako makahinga ng bahagya. Mga ilang minuto ang lumipas bago ko naisipang maligo na muna. Ini-lock ko ang pintuan at pumunta sa sink para maghilamos, para na akong palaka dahil namamaga bahagya ang aking mga mata.
"Obvious na yun, Loisa. Napaka obvious, 'wag kang umastang 'di mo na iyon inasahan." Sabi ko sa sarili ko habang binabasa ang aking sarili ng malamig na tubig. Huhu, anlamig. Tumahan na ako at naglakad sa intercom,
"Hello po, hehe, padala lang po ako ng mga damit dito sa cr sa second floor, yung pinakadulo po pagkatapos ng 30 minutes, hehe thankies." Sabi ko at saka naligo.
Habang naliligo, naalala ko ang mga school works ko.
Pota.
Ayaw ko na mag-aral, daming schoolworks, tapos waste of time. Tch. Nag scrub ako at napa 'aray' ng nasobraan ko ng scrub yung kamay ko. Sensya na, eto lang ako, galet na galet sa school.
(A/N: sori nakalimutan ko ibang term ng mga words, sinulat ko to in between of me doing school works so galet talaga ako guysue huhu)
Nang matapos ako, agad kong kinuha ang aking tuwalya at nagtapos, pinahid ko ang mirror gamit ang aking kamay na para bang main character ng isang movie, char.
Sana naman hindi sa isang horror movie.
Tinry kong ituyo ang aking buhok gamit ang towel, ngunit napiga lang ang tubig pero basa parin ang aking buhok. Napa buntong hinga nalang ako at tiningnan ang aking mukha sa salamin. Putcha ang ganda.
Habang ina-admire ang aking kagandahan- char -narinig ko ang katok sa pintuan. Agad ko itong binuksan at inexpect na makikita ko si Aleng Esther, pero ang tumambad sa akin ay si Yael.
"Ah, salamat." Sabi ko sa kanya bago kunin ang damit sa kanyang kamay. Pero shuta naman talaga, dahil nang hinila ko ang damit sa kanyang kamay, nahulog yung undergarments ko. HALA.
Namula ako at dali daling pinulot ang mga nahulog na undergarments, huhu. Pero eto namang si Yael, ay parang hindi alam kung ano ang nahulog kaya't pinulot niya din yung isang undergarments ko.
Mas mabuti na sanang bra lang iyon, PERO HINDI! Panty yon! Panty! Pulang-pula ako habang dinidikit ang aking mga damit malapit sa aking dibdib para hindi na ito mahulog pang muli.
Binigay niya sa akin ang panty ko at nakita kong nanlaki ang kanyang mata nang makita kung ano iyon. Yan kase! Pakialamero masyado huhu!
Ayaw ko na! Gusto ko nang mahulog nalang sa isang 6 ft na butas at lamunin nito!
"T-Thanks." Utal-utal na sabi ko at agad sinirado yung pintuan. Bastos na kung bastos pero naluluha na ako sa kahihiyan. Lord naman! Huhu.
Dali-dali akong nagbihis at ibinalot ang aking buhok sa isang tuwalya para matuyo ito. Nang makalabas, nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala si Yael sa labas. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi nang maalala yung nangyari kanina.
Huhu.
Naglakad ako pababa at umupo sa couch. Tumila na ang ulan at pwede na akong umuwi. Pero bago pa man ako makakita nang taong sasabihan na uuwi na ako, nakita ako ni Tita Macy.
"Lisa! Nandyan ka pala! Let's go, nahanda ko na ang pagkain." Sabi ni Tita saka niya ako inakay papunta sa dining area. "Upo ka, ija."
Umupo naman ako at mga ilang minuto, bumangad si Yael. Namula ako nang maalala ko ang nangyari kanina.
Nagpray muna kami bago kami kumain ng hapunan. "Ansarap po, tita! Galing niyo naman po magluto." Puri ko sa luto ni tita. Totoo naman talagang masarap yung luto niya.
"Oh, you flatter me, Lisa! Kuha ka pa!" Masayang sabi ni tita saka ako binigyan ng maraming pagkain.
"Hehe, salamat po." Sabi ko tsaka kumain muli. Tiningnan ko naman si Yael na tahimik na kumakain.
"Yael?" Tawag ni Tita Macy sa kanya nang hindi siya kumuha ng isa pang subo. "Yael?" Tawag ulit ni Tita, hindi kumibo si Yael.
Sinipa ko ang kanyang paa sa ilalim ng mesa dahil magkaharap lang naman kami ng upuan. "Aray!" Daing niya.
Napalingon siya sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin at bumalik sa pag kain. "Yael! Kanina pa kita tinatawag."
"Ha?" Litong tanong ni Yael.
"Anong 'ha'? Hakdog! Kumain ka ng maayos!" Sermon ni Tita sa kanya.Napatawa ako bahagya, ngunit hindi ko ito pinahalata. Pero etong si hawk-eye Yael ay nakahalata kaya binigyan niya ako ng masamang tingin.
"Kakain na po.." Sabi ni Yael saka kumain muli. Kumpara kanina, mas may gana na itong kumain.Nag-usap kami pagkatapos ng hapunan. Binigyan naman ako ni Tita ng ice cream for dessert na syempre tinanggap ko.
Aba! Sino ba naman ako para tumanggi ng grasya!
Nilingon naman agad ni Tita ang kanyang relo at napatayo, "I've got to get back to work, kayo na muna dito dahil may paper works pa akong hindi natatapos."
"Sige po tita."
"Sige, 'ma." Nagpeck si Yael sa cheek ni Tita at napangiti ako ng tingin sa kanila. Ako din Yael, pasali!
"L. What do you think of horror? Insidious? Conjuring? Annabelle? Or maybe lahat?" Sabi ni Yael habang pinipindot ang remote sa harap ng TV.
"Hindi naman maririnig sa lakas ng ulan ang mga sinasabi nila, kaya mas better if cartoons nalang panoorin natin."
"Ah, you're right." Nasabi ni Yael at tumawa habang nakakamot sa kanyang ulo. "Sa kwarto tayo."
"Sure." Napasabi ko nalang dahil parang hindi rin naman babae ang turing sakin ni Yael. It would be better if hindi ko siya gusto, pero pure pain naman ito, grabe.
Habang naglalakad ay naisip ko ulit yung cutie sa garage kanina. He's cute. Napailing nalang ako sa aking naisip dahil wala rin namang mas gwapo at mas cute kay Yael. I think it's much better din if walang interest sakin yung crush ko.
But on the other side, hindi naman ito simpleng crush-crush lang, eh.
"Loisa."
"Yes?" Napatingin ako kay Yael na nabangga ko habang naglalakad mindlessly pataas. Nilingon ko kung nasan kami at nakitang nasa kwarto na pala kami ni Yael. "Ay." Napasabi ko at nagpaunang pumasok.
"Make yourself at home." Sarcastic na sabi ni Yael kaya napatawa ako at agad na binagsak ang aking katawan sa kanyang kama. Niresist ko ang urge na amoyin ang kanyang kumot kaya humiga ako sa aking likod. "Wow, you're very behaved." Sarcastic niya uling sabi.
"Oh, please! I am very well behaved." Sabi ko at naparoll naman siya ng kanyang mata. "Hoy! Ano 'yon, nakita ko 'yon, ha." Sabi ko sa kanya at nagmutter naman siya under his breath.
"Maybe you saw it because pinakita ko yon. You know, just a thought." Sabi niya at hindi ko na nakayanan at napatawa. Napatawa rin siya at napahawak ako sa tiyan kong sumasakit dahil sa pagtawa.
Humiga siya sa sahig at humiga ako sa kama, tiningnan namin ang kisame na puno ng mga glow in the darks na dots.
"Naalala mo ba yung time na nilagay natin 'yan?" Nilingon ko ang kanan ko kahit hindi ko siya makita dahil sa ibang level namin.
"Yeah."
"Remember when we thought it was the most beautiful thing ever?"
"Oo."
"I take it back." Napatawa naman agad ako sa sinabi niya.
"I second to that." Sabi ko at narinig ko siyang napatawa bahagya. "But I like it still."
"Yeah.."
"I like the part when you tripped over nothing and splat in the floor. Hahaha, naalala ko pa rin 'yon, 'splat!'." I leaned over the edge at tiningnan ang kanyang sour expression at napatawa. Tiningnan niya ako wearing a disgusted face pero napatawa rin agad siya.
Nag-usap usap kami tungkol sa mga naranasan namin and had about an hour of talking about some serious stuff.
"I'm going to Canada." Natahimik naman siya at napaupo.
"What? Kailan? Why?" Sabi niya at kumuha ng upuan at umupo dito ng maayos.
"Two weeks after graduation. Gusto sana ni mama na right after graduation pero gusto ko ring magbakasyon muna kasama niyo. And for work experience rin naman 'to kaya for 1 or 2 years yata ako 'dun."
Natahimik naman siya. "Years? I thought magtatrabaho tayo sa Lusalor Wañez for internship?"
"Oh, that, sorry, ikaw nalang muna, bawi nalang ako." Sabi ko.
"I was really looking forward to it." Mutter niya, he probably didn't meant for it to be heard by me pero narinig ko iyon.
"I'm really sorry, hindi ko rin ma cancel 'yon because mom was looking forward to it. And hindi rin kami medyo magkasama kaya she wanted it. If I could, I would want to bring you, pero I know ayaw mo 'din 'yon."
"No!"
"See?"
Napatingin siya sa kanyang gilid na para bang naiinis siya. "No. Ang ibig kong sabihin ay I want to be there. If it's for experience, nararamdaman kong kakailanganin ko 'yan."
"Ibang course ka nga, eh."
"So?" Tiningnan ko siya nang may seryosong mukha pero hindi siya natinag at tinitigan din ako. Napaiwas naman ako ng tingin nang naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi. "Seryoso ako, Loisa. I'll behave, I promise."
"You never behave." Napa-'pfft' siya pero hindi umangal kaya napatawa ako. "Pero, sige. Sasabihan ko na din si mama tungkol diyan. Pahiram ako phone."
"Ako nalang tatawag kay tita."
"'Wag na, ako nalang. Mas gusto niya akong kausap din naman."
"Nuh-uh, mas gusto niya ako, noh. She said it herself."
Napasinghap naman ako. "Nuh-uh."
"Yuh-uh. Anyway, tatawagan ko na siya." Tumayo siya at sinenyasan akong aalis siya kaya tinanguan ko siya. Napa-roll nalang ako sa kanyang higaan at napatingin sa kanyang night stand na may isang lamp at in-on ito.
May frame ding nakadisplay pero nakabaliktad ito, malapit ko na sana itong hawakan, nang makabalik agad si Yael. Nakangiti siyang umupo sa kanyang paboritong upuan na malapit sa window. "Halata na sa aking ekspresyon kung ano ang sinabi ni tita, pero just to be sure, yes. Sumang-ayon si tita." Masaya niyang sabi at napatawa ako sa kanya.
Napakagat ako ng labi nang maalala ko ang rason kung ba't ko gustong pumunta ng Canada mag-isa, ito ay para kahit gusto ko pa rin siya, hindi ako magbabalak na umamin. Pero to think na gusto niyang sumama, isa na yata itong senyas na dapat ko nang tapusin ang kagustuhan ko sa kaniya.
Hindi ako nagsalita at nakatingin lamang sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi ko rin napansing nakangiti ako hanggang sa sinabihan ako nito ni Yael.
"Ba't ka nakangisi, I get that I'm funny, pero hindi ko pa nasasabi ang biro ko, you know."
"What? Anong nakangisi?" Sabi ko at napahawak sa aking bibig na ngayon ko lang napansing nakangiti ako. "Ah, wala. You were saying..?" Trail off ko at napatango naman agad siya.
"Well, as I said, plano kong pumunta nalang din sa Paris pagpumunta tayo ng Canada." Tinabunan ko agad ang aking bibig na nanginginig dahil hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko na sinabi niya ang 'tayo'.
Umubo ako para matabunan ang aking ngiti at nagsalita. "Uh, yeah, that'd be great."
"Maybe I could bring Avie too, if our friendship is going to last, although I hoped for more.." Mahina niyang sinabi ang last bit pero narinig ko iyon at pilit na ngumiti sa kanya. Nakita kong namula bahagya ang kanyang mukha sa pag-iisip kay Avie at napabuntong hininga ako. "Magdala ka rin, it'll be a double date. What do you think?"
"Sure.." Naghalughog ako sa kanyang computer table at kinuha ang remote.
"Ah! You found it. Kahapon ko pa 'yan hinahanap, nandyan lang pala."
"It's always here, hindi ka lang marunong humanap."
"You sound like my mom."
Napayuko naman agad ako at tumahimik. Friend-zone is bad itself, but now mom-zone?
Napatawa naman agad ako ng malakas at tiningnan si Yael ng masama bago bumalik sa pagtawa. Agad kong inangat ang dalawa kong kamay na naka-fist at binump ito side-by-side at binigyan siya ng inis na tingin bago ko kinuha ang remote na nahulog sa aking kamay at in-on ang TV.
"You-" Ginaya niya ang ginawa ko pero natawa siya sa huli. "This is getting out of hand, let's just watch the movie." Sabi niya at tumayo. "Kukunin ko lang ang pagkain for snacks. Hintayin mo lang ako."
After nun ay bumalik agad si Yael at nanood kami ng movie na Conjuring. Napatawa naman ako nang biglang lumipad ang mga popcorn paalis sa isang bowl na hinahawakan ni Yael. Although hindi ako nagsalita, he insisted almost every five minutes that he was not scared - which was an obvious and funny lie - pero pinabayaan ko nalang siya at imbes na magfocus sa panonood ng movie, ay mas tinuonan ko siya ng pansin.
Hindi niya nahalata dahil abala siya sa panonood at sa takot, pero ninanakawan ko siya ng tingin every minute.
Napaisip din naman ako sa nangyari ngayon, at napaisip ako na baka sign na to na hindi ko na tigilan ko na ang nararamdaman ko sa kanya, kahit na ilang taon ko na itong inipon.
Napalingon ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko at sinabihan si Yael na aalis na muna ako dahil may tumatawag sa akin. Tiningnan ko ang cellphone number, pero dahil unknown ito, hindi ko nalang ito sinagot at dumiretso sa restroom at agad akong naghilamos ng mukha.
Nilingon ko ulit ang phone ng bigla uli itong nagvibrate at nung huminto ay may nakita akong text.
Unknown Number: 09** **** ***
Hey.
Napakunot ang mukha ko at agad iton binlock at bumalik sa kwarto ni Yael. Hininto niya ang movie at ngayon ay nagce-cellphone. Napahinto ako at napatingin sa kanya habang nakangiti siya bahagya sa kanyang cellphone, dahil hindi niya rin naman napansin ang aking presensya, agad kong kinuha ang phone ko at pinicturan ko siya.
Nanlaki naman agad ang mata ko nang malaman kong naka-on ang flash.