A P A T | MAVE (1)

3276 Words
A P A T Loisa "Mave" Hindi niya naman napansin ni Yael ang pagkuha ko ng litrato at agad kong binaba ang aking cellphone nang lumingon siya. "May hinahanap lang ako." Mabilis kong sabi at nakakunot-noo naman siyang tumango. "Manood na tayo?" Sabi ko at umupo katabi niya pero binigyan ng distansya para hindi kami masyadong dikit at kumuha na rin ng unan para may mahawakan ako habang nanonood ng movie. "Sige, teka lang, nagchat sa'kin si Avie." Nakangiti niyang sabi at tumango naman agad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin-tingin sa gallery ko. In-open ko ang nakalock na gallery na puno ng larawan ni Yael. Yael nagged me when I whined to him about me losing storage, sabi niya daw bawas-bawasan ko ang mga litrato since andaming GB ang ginagamit ko. Nagtaka din siya kung ano ang mga larawan na nakapuno ng cellphone ko na hindi naman madami ang pictures tsaka albums ko. Nakangiti ako habang nagsc-scroll sa gallery, pinindot at tiningnan ko ang larawang kinuha ko noon, kinuhaan ko din ng larawan ang mga polaroid pictures namin noon kaya talagang madami ang mga nandito sa cellphone ko. "Tapos na 'ko. Nood tayo ulit?" Tumango naman ako at agad kaming nanood ng movie. -- Napabangon ako nang maramdaman ko ang pagring ng aking phone. Agad ko itong kinuha at tiningnan ang oras. 6:13 am Pinatay ko ang alarm at agad na naligo. It's been 3 days since yung time na nagsama kami ni Yael. I was hanging out with my friends, pero hindi maalis sa aking isip si Yael. It will be our last semester kaya busy kami at dahil tapos na ang semester break, there's little time to be together and talk. Me and my friend, Aelia, talked about how I wanted to move on, and she told me to just go ahead and find someone to move on with. Kaya she's planning on setting me up with someone na nakilala niya sa campus. Habang nagsasapatos, nagring ulit ang phone ko, pero instead of an alarm, it was someone calling. "Hello?" Sagot ko habang nagsisintas. "Sabay tayo?" Napahinto ako nang marinig kong si Yael 'yon. Nahulog ko ang phone, at nang marinig ang 'thud' ay napabalik ako sa sensya ko. "Loisa? Ano 'yun?" "It's nothing. Yeah, sure, paalis naman din ako for breakfast." "Sige, puntahan kita." "Sige, ingat ka." Sabi ko at binaba ang tawag. Napahiga naman agad ako sa couch at napa groan. Tinakpan ko ang aking mukha ng unan at napasigaw dun. Ang gwapo ng boses, grabe. Napailing ako, dapat magmo-move on na ako, ba't ba siya na naman iniisip ko? Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa contact list. Tiningnan ko ang nickname ni Yael na "Yael~ <3" at agad tinanggal ang lahat maliban sa kanyang pangalan. Medyo nagulat ako ng may tumawag sa akin, confused, I answered it. Unknown ang number, pero hindi ko alam kung ba't sinagot ko ito. "... Hello?" Una kong sabi ng ilang segundo itong hindi sumagot. "Oh, thank God, I got the right number." Tiningnan ko ulit ang number at binalik sa aking tenga ang cellphone. "Sino ho 'to?" "Oh, right, you don't know me. I'm Mave, your supposed to be blind date." "I see. Ba't ka napatawag? Diba mamaya pa tayo magkikita?" "Yes, tinawag kita para dyan, san kita susunduin mamaya? Nagreserve na ako ng place kung san tayo kakain, pero dahil hindi ko alam kung san tayo magkikita, naisipan kong sunduin nalang kita." "Salamat sa pagtawag, hindi ka ba nasabihan ni Aelia kung san tayo magkikita? Nag abala ka pa." Guilty kong sabi. "Haha, no no, sinadya ko talaga 'to para malamang interesado ka ba o hindi. To tell you the truth, I'm actually a bit excited." Napangiti naman agad ako. "Really? Ako din-" Napalingon ako nang nakarinig ako katok. Tumayo agad ako at pinuntahan ang sa fence at nakita si Yael. "-excited din ako. Tawagan mo nalang ako mamaya." "Sige, ingat ka." "Ikaw din." In-end ko ang call at agad kinuha ang bag ko at ni-lock ang door at pinuntahan si Yael. "Hey." Napatingin ako sa suot niyang pink na shirt at saka black pants na super tight bakat ang- "Hello." Sabi ko ng yakapin niya ako, niyakap ko din siya at naamoy ko ang soap na ginagamit niya at saka pabango niya na axe. "Ahem, so let's go?" "Libre mo?" Nakataas na kilay ko siyang tiningnan. "Tatlong araw tayong hindi nagkita at gusto mong magpa libre?" Tiningnan niya ako. "Let's go!" Napatawa siya sa sinabi ko at sabay kaming naglakad at pumara ng taxi. Nang makapara ay sinabi ni Yael ang destinasyon namin, which is a cafe in front of the school. Nakita ko siyang nagtwiddle sa kanyang mga kamay. "What is it?" "Ha?" Tiningnan niya ako na para bang hindi niya alam ang ibig sabihin. "Oh, come on, you only play with your fingers kapag may gusto kang sabihin. Ano 'yon?" "Well Avie and I are-" Napahinto siya sa pagsasalita nang mapunta kami sa aming destinasyon. "Bayad po kuya." Sabi niya at bumaba naman kami. "You and Avie? Anong nangyari sa inyo?" Naglakad kami papunta sa cafe. "Girlfriend ko na siya." Hindi ko alam kung ika ilan ako kumurap, pero hindi ko maiwasang huminto at tiningnan siya, kaya inulit niya ang kanyang sinabi na girlfriend na niya si Avie. Napaubo naman agad ako at hinawakan ang aking dibdib. "Well, that's great! Congratulations sa inyong dalawa!" Sabi ko at kaunti siyang niyakap at nagpamadaling naglakad sa cafe, with the excuse of a cough, pointing at my throat. Tumango naman agad siya at agad akong pumunta ng restroom at naghilamos. 'Great! This is great, they're together, and I have a blind date, tapos sign na din 'to na mag move on! I should be happy, right? Yes I should!' Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ang umiiyak kong ekspresyon at napakagat ng labi. "I should be happy, he's my friend, he deserves to be happy. Don't be grumpy, Loisa!" Bulong ko sa sarili ko habang inayos ang sarili ko. Nang makitang tama na ang aking mukha at hindi na halatang umiyak ako ay agad akong bumalik sa cafe. Hinanap ko si Yael at nakitang may kasama siya. "Oh, Loisa! This is my friend- no- best friend, Loisa. Loisa, this is my girlfriend Avie." Tiningnan ko si Avie na nakangiti kasama ni Yael, at nanlumo bahagya ng makita kong bagay na bagay sila. 'No, Loisa, you should be happy!' "Hi! I'm Loisa, nice to finally meet you. You're the girl from last time, diba?" Sabi ko at nakipagshake hands. Pero imbes na kunin ang kamay ko ay agad niya akong niyakap. "Hey! Ikaw rin! Noon pa kita gusto makita, Yael talks about you." Sabi niya habang nagyakap kami, umupo ako sa kanilang harap at tiningnan ang menu. Ang cafe ay may sweets such as cakes, pero may pancakes din sila for early birds, which is what I always order pag hindi ko trip and magluto ng breakfast sa bahay. "Oh, Loisa, don't worry, nag order na ako." Sabi ni Yael. Nakaakbay siya kay Avie, at nagi-guilty ako sa nararamdaman kong pait na damdamin dahil masaya siya sa kaniyang piling. "Really? Binayaran mo na? Diba sabi ko ako na ang magbabayad." Tatayo sana ako nang dumating ang waiter at inilapag ang mga pagkain. Pancakes para sa'kin, cake for Yael, and a sweet drink for Avie. "No need, mamaya mo nalang ako bayaran. Gusto ko sanang pumunta ulit sa restaurant ni Avie para magsama tayong tatlo, at para na rin magbonding kayo. Ayos lang ba sa'yo?" Tumango naman agad ako. 'Hindi ko alam kung tama ba sinasagot ko, am I wearing the right expression? Halata bang nagseselos ako ngayon?' "Yeah, ayos lang naman. Pero may pupuntahan kasi ako mamaya kaya hindi ako makakasama, sa susunod nalang. Bukas, maybe?" Napailing naman agad si Yael. "May pupuntahan kasi kami ni Avie bukas pagkatapos ko sa school, medyo gabi din kami matatapos at gusto ko din siyang ilibot." "Yeah, that's great. Next week nalang siguro." Sabi ko at nagsimula nang kumain. Kinuha ko din ang water at uminom dito. "Kasama mo si Aelia mamaya? Gusto ko din silang ipakilala kay Avie, sabay nalang tayo." "Kayo nalang, may iba akong kasama. Pinakilala lang ni Aelia sakin kahapon." "Ooh, a date? With who?" Excited na tanong ni Avie. "With this guy Mave. He seems sweet." Sabi ko in between sa pagkain. "Mave? I don't know a Mave, may bagong kaibigan si Aelia?" Tiningnan ako ni Yael pero hindi ko siya nilingon at humarap sa aking pagkain. "Wait, Mave? Siya yung kasabay kong nagtransfer. He's good-looking, ang galing namang pumili ni Aelia." Sabi ni Avie at tumango tango, nakita kong nagpa cute bahagya si Yael at napatawa si Avie. "Gwapo ka din, wag kang mag-alala." Napayuko nalang ako habang kumakain. Nag-usap usap kami at nalaman kong sinagot ni Avie si Yael dahil gusto niya itong makasama, it seems that nakita na ni Avie si Yael last year, pero dahil sandali lang siya dito noon, naisipan iyang hindi muna sila magkita, kaya nasiyahan talaga siya nang nagkita silang muli. Nang matapos, tumayo si Avie para pumunta sa restroom, at nakangiti akong nilingon ni Yael. "Do you like her?" Mga ilang segundo pa bago ako nakasagot sa kanyang tanong. "Yeah, she's cute, kind, and cheeky. Bagay kayo. She's better than your last girlfriend." Sabi ko. Ang girlfriend noon ni Yael is someone na sinagot niya. Yes, sinagot niya. Napa-'oo' siya dahil natakot siya nito, despite being sweet, naghiwalay din sila after a week. "Ah, yes. Jane was scary." "It was Janice. But Janice was actually kind of sweet." "You're just saying that because binilhan ka niya ng mga tela at dahil sumabay siya sayo sa pagtatahi mo." "Well, what can I say? Money makes everyone sweet." Biro ko at napatawa kaming dalawa. "By the way, sino ba 'yang si Mave? Should I be worried?" Umiling naman agad ako. "No need. Kaya ko na 'to. He sounds like a sweetheart, and by what Avie said, he's good-looking, so he's a package!" Pinunasan ko ang aking bibig ng tissue at saka umiwas ng tingin when he squinted his eyes on me. "Haha! I knew it, you're weird. Last night, tinawag akong weird ni Avie, it seems like you're rubbing off of me." Sabi niya. Last night? "Last night?" "Yeah, last night, pumunta kami sa lake kung san tayo pumupunta. She liked it there so pupunta kami dun ulit bukas." Hindi na ako makatugon nang bumalik na si Avie at nawala na ang atensyon ni Yael. Gulat naman agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya pero agad na napaiwas ng tingin nang umupo na sa harap ko si Avie. 'They went there? I know it's not just our place, but we did promise we'll bring the people we think we're going to end up there and have a picnic together. Alam ko namang one-sided 'tong love ko na 'to pero I wouldn't expect him bringing someone there and not telling me about it.' Tiningnan ko ang phone ko nang may nakita akong message. Tinext ako ni Aelia, From: Aelia mah btch I hrd abt YL, u ok? YL is what we call Yael when texting, it's shorter, she says. Which I told her that it's weird to shorten a four lettered name when it's already short, which she replied to, 'if it can still be shorten, shorten it more!' Tinawagan ko agad si Aelia. "Hey, sissy. Nandito ako sa cafe, puntahan mo nalang ako dito, I'm with Avie and Yael. Pakilala ko lang kayo." "OH, s**t?" "Agh, pinatay mo ear drums ko, just come here." Sabi ko at pinatay ang tawag. Naguusap sila Yael at tahimik akong tumingin sa cellphone ko. Mga ilang minuto ang lumipas at agad na dumating si Aelia. "Hey girlie!" Sabi niya at tumabi sa akin. "Oh, damn, ganda niya! Sino 'yan?" Pabulong na tanong ni Aelia. "That's Avie. Yael's girlfriend." "Yael's what!?" Nilingon naman agad kami nila Yael at Avie. "Sorry." Nakangising sabi ni Aelia habang naka-peace sign. Abnormal talaga. "Aelia, hey! Aelia, this is Avie, my girlfriend, Avie, this is Aelia, my friend." Inilahad ni Aelia ang kanyang kamay, pero imbes na kunin ito at i-shake, ang ginawa ni Avie ay niyakap niya si Aelia gaya ng ginawa niya sa akin. Napatawa naman agad si Aelia pero niyakap ito at tin-ap sa likod. "Nice to meet you. You're prettier than Jane, Yael's last girlfriend." "It was Janice." Bulong ko kay Aelia. "I mean Janice. I know it's rude to mention someone's ex in front of their current ones, pero let's face it, it was far from being a girlfriend. It's not even an acquaintance! More like a stranger you played games with for 3 days." Napatawa naman agad ako sa kanyang sinabi at pati na din sila Yael. Nagtagpo ang aming mata at napa-iwas naman agad ako ng tingin. Nagsalita silang tatlo, at bahagya akong sumali sa kanilang topics dahil hindi ako masyadong komportable, reasons being that hindi pa ako nakakamo-move on, kaya hindi ako makasingit masyado. Napatingin naman agad ako sa oras at napa-singhal. "Aelia! Late! Jerome!" Sigaw ko, strikto masyado ang professor namin kaya kailangan hindi kami late kahit isang minuto or kahit isang segundo lamang. Agad kaming napatayo, mabilis na niligpit ang mga gamit ang kinainan namin at agad na lumabas sa store. "Mag-ingat kayo!" Sabi ni Avie. Nakawave na sabi niya, napangiti naman agad kami at saka nagwave din. "Ingat kayo, Loisa." Napalingon naman agad ako kay Yael, pero nakatunong na ang kanyang atensyon kay Avie. Napaubo nalang ako at agad na tumakbo papunta sa classroom. - Nang matapos ang class, agad akong napalingon kay Aelia nang tawagin niya ako. "Ayos ka lang? Hindi kita natanong kanina dahil nandon sila Yael, pero ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at matamlay na inayos ang aking mga gamit at mga needles. "I don't know. Gusto kong sabihing oo, pero hindi 'yon totoo, gusto ko ring sabihing hindi, pero pakiramdam kong hindi din 'yon totoo." "Ang labo mo naman." Napatawa naman agad ako. "It doesn't matter, what matters is masaya sila." "Paano ka naman?" Napahinto ako. "Well, I got that Mave guy, maybe he's the key to moving on." "He's just an instrument. To be honest, sinet up ko siya sa'yo dahil siya ay hindi rin maka-get over sa taong gusto niya dati. It's exciting, right?" Tiningnan ko siya nang nakakunot ang aking noo. "Rebound din ako?" "Of course! Walang galitan, dahil mutual rebound din naman 'to." Napailing naman agad ako sakanya at napatawa bahagya. "How are you feeling about Yael?" "I still have feelings for him. Ang tagal na din nito, kaya syempre hindi ito madali. Pero gusto ko kasing maging masaya sa kanya, he deserves it, after all." "Deserve mo din namang sumaya, kaya mag ayos ka na!" "Mag ayos? Anong ibig mong sabihin?" Tinuro niya ang suot kong jeans with shirt tsaka binigyan ako ng disgustong mukha. "I'm not saying that there's something wrong with what you're wearing-" "Yeah, hindi ka nagsalita, pero ang sakit naman ng titig mo, kaya pakyu." Napatawa naman agad siya. "But for a date? No, ang pangit! Suotin mo yung bago kong gawa, bilis." "Pero dress ang bago mong gawa? First date lang naman 'to, no need for dresses." "Hindi pwede!" Bigla niyang sigaw. "Bakit hindi pwede?" "Dahil sinabihan ko siyang mag suit, kaya under-dress ka masyado if you're wearing that, and he'll feel uncomfortable wearing something like a suit. I mean, hello? It's Philippines, ang init dito, naka-suit ang tao, sabayan mo na!" Tiningnan ko siya ng masama. "Sinabihan mo siyang mag suit?" Napayuko naman agad siya. "Sorry. Super excited ako, at saka tinawagan niya ako madaling araw kung ano ang susuotin? I had a saucy dream, kaya suit ang nasabi ko." Guilty niyang sabi. "Fine. How do you know this Mave guy, anyway?" Napasinghap ako nang makita ko ang dress na ginawa ni Aelia. "Omg!? Sakin na 'to?" "Hoy, bruha, hindi. Hiram lang 'yan, hiram!" Sabi niya kaya nilapitan ko siya at binigyan siya ng non-resistable puppy dog eyes. "Pleaaaase." Pagmamakaawa ko sakanya. Dinagdagan ko na rin ng pout na palaging binibigay ni Yael kapag mayroon siyang gusto. "Ugh, fine. Pero hindi ito ang susuotin mo ngayon. Dapat sa party 'to, you know, the graduation party." "But-" "No buts!" "Pero-" "Walang pero-pero or any other word that has the same meaning!" Napatawa naman agad ako sa kanyang outburst. Me and Yael usually don't go to parties after finishing school, with reasons being us preferring to watch movies than going to parties that are hosted by others. Of course, parties with friends are something we do, pero school parties don't really interest us as much. Yael and I, however made a pact to go together to the graduation ball. "Sige, suotin mo din yung gawa ko. Ikaw yung muse non kaya perfect size yan." "Oh gosh! Talaga? Kaya ba kinuha mo size ko last month? Yay!" Sabi niya at agad na pumunta sa table ko. Napatawa naman agad ako at hinanap ang isang dress na gawa ni Aelia. Nang makita ay napasinghap ako lightly. Ang kulay nito ay pula, may pagka retro ang style nito at halatang form fitting. May shoulders ito na pina-Filipiniana na shoulder, although tamed. "Ang taray, mala-miss universe naman 'to!" Sabi ko at nakangiting tumingin dito. "I know. Kinuha ko din yung size mo last month." Napangiti naman agad ako sakanya. "Anyways, ano 'to?" Kinuha niya ang panglalaki na blouse, looking somewhat loose, but is actually tight fitting with material that is very light. May kasama itong blazer na kulay itim, plain siya, pero halatang mahal and tela. May kasama din itong vest na form fitting, kagaya ng blazer ay plain black ito, ngunit ang tela na ginamit ay lighter kumpara sa blazer. May nakawrapped-up plastic na brooch na gold color din itong kasama. "This is amazing! Halatang kinuha mo talaga ang size at talagang tinyagaan. Para kanino 'to?" Napahinto siya nang malaman niya ang sagot sa kanyang tanong. "Kay Yael? Yael never wears suits, let alone with vest." "I know! Kaya hindi ko alam kung anong gagawin dyan, should I just give it to someone else?" "No, just let him see it nalang, ang if he does not like it, keep it or give it to someone else, it's your call." Sabi niya habang binalik ang damit sa isang locker na pinagmamay-ari ko. "Although, kailangan kong aminin, bagay 'yan sakanya." Napangiti ako ng tingin sa kanya. "Of course, bagay. I spent most of my time making that, so if hindi 'yan magbabagay sa kanya, wala na 'yan diyan." Napatawa naman agad siya at agad kong hinug closer ang dress. "I really want to give it to him, Aelia." Pumunta ako sa fitting room at nagbihis. "Kung gusto mo, then ibigay mo." "Pero what if maisip niyang may gusto ako sa kanya?" "Then congrats sa kanya, dahil after almost a decade of you liking him, nalaman na rin!" "Hahah pota, pero should I just leave it at his doorstep-" Nagulat naman agad ako nang biglang na open bahagya ang kurtina. "You never leave precious suits like that on the doorstep, that's absurd!" sabi niya at binalik sa pagkaclose ang kurtina. "Ibibigay ko nalang sa kanya?" "Yes, dear, 'yan yung gagawin mo. In all honesty, I can't see it on anyone else other than Yael. The style is amazing, but most of all, it suits him so much, no one can even compare." Napakagat naman agad ako ng labi, imagining Yael wearing the suit I made, and imagining how he'd walk on that. "Damn." Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD