A P A T | MAVE(2)

2340 Words
Inayos ko naman agad ang dress, "Akala ko ba tinutulungan mo akong maka-move on?" Biro ko at napatawa naman agad siya. "I know! But still, kailangan kong umamin, I do think na bagay kayo ni Yael. Pero, since mayroon na siyang girlfriend, di ko alam kung anong maiisip, he's happy, and you're willing to move on kahit na mahirap, I think this will be good for you to try and be associated with other people." Tumango-tango naman agad ako at pinaglaruan ang aking mga kamay. "I guess so." "Anyway! Look!" Pinakita niya ako ng make up palette niya na binili niya last year pa ngunit ngayon ay buhay pa. "Parang ang taas naman ata ng life ng make up na 'yan." Sabi ko at hinawakan ito, malaki-laki din ang palette na ito, mas malaki pa sa kamay ko. Pinaupo niya naman agad ako sa isang swivel chair tsaka ginuyod ako papunta sa harap ng isang mirror. "To protect my baby." She said habang nilagyan ng takip ang suot kong dress. Nagpacute naman agad ako at humarap sa kanya, "Me?" Sabi ko sabay pout. "No, yung dress ko." Sabi niya at napairap naman agad ako at tinawanan niya ako. Agad siyang nagsimula sa base at habang nagme-make up siya ay nagsalita ako. "You never got to tell me how you knew Mave." Sabi ko sa kanya, binigyan niya naman ako ng ngiti. "Well, once upon a time, there was a princess-" Agad ko siyang siniko, "Aray! Hahaha, eto na nga, teka lang." Sabi niya at inayos yung takip sa dress. "Naligaw kasi siya nung nakita ko siya, I think he was going to the Dean's office, kaso sinabihan siya ng wrong direction kaya ayun, parang ligaw na sisiw ang mukha niya." Hmm, seems familiar. "I helped him, he thanked me, and it was a coincidence na magkaklase pala kami. Kaya medyo naging close kami, and before I knew it, sinabi na niya mga problema niya sa akin, at ako rin sakanya. Him talking about his first love reminds me of you kaya I told him the crazy idea about rebound, and he seems hopeful about d'un." "You're as fast as Yael and Avie." Napatawa naman agad si Aelia, "Talaga! I don't know about the transferees pero parang grabe nalang ang kanilang power. Look, alam mo namang hindi ako masyadong komportable basta mga bagong dayo, diba? Pero tingnan mo na 'ko ngayon, medyo close na kami. Kung hindi 'yan improvement, then I don't know what is." "Teka, parang medyo suspicious ka." "Suspicious? Anong ibig mong sabihin?" "Do you like Mave?" Dilat mata niya akong tiningnan. "Nge! Gago ka ba?" Sabi niya at hinampas ng empty bottle sa ulo. "Aray!" "Oa neto! Tsaka, hindi no! Yung kuya po yung gusto ko, hindi yung bunso." "Hooh~" Tiningnan niya ako na para akong hahampasin ulit kaya iniba ko ang topic. "Ehem! Gusto ko neto, Aelia!" Sabi ko sabay angat ng hairpin na may bulaklak na disenyo. Maliliit na gumamela ang disenyo nito at isang ballpen ang haba kaya maganda itong tingnan. "Teka, tapusin ko muna 'tong make up mo." -- "Tapos na, Loisa." Napadilat ako at tiningnan ang cellphone ko para tingnan ang oras. "Hala, gagi bakit alas siyete na?" Agad akong napatayo. Lito akong tiningnan ni Aelia. "7:30 pa naman ang oras na magkikita kayo ni Mave, diba?" Umiling ako at sinuot ang heels na kanyang binigay. "Hindi, nagchat siya sakin kanina, huhu pano 'to? Nandun pa kaya siya? Ang dilim at ginaw na, oh!" Sabi ko at tiningnan ang bintana, umuulan na naman at agad kong kinuha ang dalawang tsinelas at kinuha ang bag ko at isang payong. Mayroon siguro siyang payong. "Salamat, Aelia! Libre kita sa susunod, love you!" Sabi ko at nagmadaling tumakbo palabas ng floor namin. Hinihintay na ako ngayon ni Mave sa labas ng school. Napalingon naman agad ang mga studyante na nandito pa sa school at hindi ko nalang sila pinansin. Hindi pa ba kayo nakakita ng magandang babae na tumatakbo habang naka dress at heels tsaka may dalang tsinelas at bag? Agad akong huminto sa locker ko at itinapon ang mga gamit ko sa bag dito. Inilagay ko ang dalawang tsinelas sa bag bago ito nilock at bumalik sa pagtakbo palabas ng paaralan. Binuksan ko ang payong at napamura nang makitang hindi na ito magagamit pa dahil nakahiwalay ang tela nito sa wires. "Tangina naman?!" Sigaw ko at nilusong ang ulan. Kanina ko pa tinatry na icontact si Mave ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. At mas lalong hindi ko siya matatawagan ngayon dahil hindi waterproof ang cellphone ko. Huminto ako sa isang shade at umupo katabi ng isang natutulog na lalaki na parang walang matuluyan. Mabuti nalang at may biscuit pa ako kay agad ko itong kinuha habang dinadial si Mave ngunit hindi pa rin ito sumasagot. "Pasensya na po, ito lang makakaya ko." Mahina kong sambit bag inilagay ang pagkain sa kanyang harapan. Nandito na ako sa harap ng eskwelahan at wala pa rin kahit anino ni Mave ang aking nakita. "Hala, pano na 'to?" Sabi ko habang tinatry ulit na icontact siya. Narinig ko na parang gumigising na si kuya kaya agad akong umusog, ngunit ang iyon na pala ang pinakagilid ng upuan. "Pot-" "Woah." Napalingon ako kay kuya na hawak-hawak ang bewang ko. Kumpara sa kanyang mukha kanina na parang ang dungis, malinis ang kanyang mukha. Grabe, mas gwapo pa si kuya kesa kay Roland (kaklase ko). "Ahem, salamat kuya. Sige, matulog ka na po. Pasensya sa istorbo." Nahihiya kong sabi nang lumipas ang ilang minuto na nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Ang gwapo, pero mas bet ko pa rin si Yael. In a scale of 1 to Yael, mga 8 yata si kuya. "I think you're misunderstanding something." Grabe parang mas fluent pa sakin si kuya sa ingles, iba na talaga ang panahon ngayon. Nilingon ko siya dahil sa hanga at parang may na realize siya. "Loisa?" "Po?" Gulat kong tanong nang bigla niyang sinabi ang pangalan ko. "Kilala ko ba kayo..?" Lumapit ako sa kanya dahil parang pamilyar din ang kanyang mukha. "AH! Kuya na nawala noon!" Tumango naman agad siya pero huminto. "At ikaw yung nagsabi ng maling direksyon!" Napatawa ako bahagya at napaiwas tingin. "Hehe." Sabi ko sabay lingon sa gilid. "Pasensya na.." Sabi ko at nagtawanan kami. "Ba't ka po naparito?" Tanong ko pero panay parin ang atensyon ko sa phone dahil medyo bumabalik na uli ang ulan. "I was waiting for you." Mabilis akong napalingon sakanya. Teka! Hindi naman niya ata ako hinintay para lang bugbugin dahil na late siya, eh no? "B-Bakit?" Nauutal kong tanong pero dahan-dahan na akong lumayo sakanya. Kaya pala sabi nila don't talk to strangers! Ngumiti siya. Tangina, bipolar!? "Joke lang. I'm just waiting for someone who has the same name as you." Tumango tango naman agad ako pero hindi na muli umupo. Narinig ko ang kanyang tawa. "Be at ease, 'di ako baliw." Kunyari napatawa din ako. "Naku, hindi ko 'yan naiisip!" Peke kong sabi at mentally binibilang kung ilang exit magagawa ko pag tumakbo ako. Shet na heels 'to! "Insane ka po-- I mean sane, you are sane, s-sir." Mas lumakas pa ang tawa ni kuya kaya mas nanganganib ako sa buhay ko. Balita ko ay pag may kasama kang wala sa tamang husto ay magpanggap kang tama sila at 'wag i-trigger. Napunta agad ang tingin ko sa kanyang mga suot na naka tuxedo. Ang rangya naman ni kuya, sa'n niya kaya napulot. "Baliw." Natatawa niyang sabi saka inilahad ang kanyang kamay. Bago pa ako magmakaawa at kumaripas ng takbo ay agad siyang nagsalita. "I'm Mave." Namula ako sa hiya pagkatapos ma digest lahat ng mga ginawa at sinabi ko. "L-Loisa." Pag-iintroduce ko. "Kanina ka pa rito diba? Huhu, sorry na. Napagkamalan pa kitang taong gala..." "Ayos lang naman, I actually was able to get a hold of the owner kaya ayos lang na ma late tayo ng konti." Napatango ako pero hindi parin makatingin sakanya. Nakita ko siyang tumayo at nagpaunang lakad. "Tara?" Malumanay niyang tanong at agad akong sumunod sakanya at tabi kaming naglakad. Kinuha niya ang payong at in-open ito. "I'll pay for today." Bigla kong sabi. Mawawalan ako ng pera for the whole week pero shet maliit na pera lang 'yun kumpara sa ginawa ko. "Ayos lang, di naman need ng compensation." Nakangiti niyang sabi. "Although I can't fathom how you thought of me kanina. Was it because of how I was sleeping?" Mahina akong tumango at lumakas ang tawa niya. "..Sorry." Umiling siya. "It was the only shed I was able to get ahold of tsaka nakatulog ako dahil sa ulan, wala kasi akong nadalang payong." Mas napayuko ako sa hiya. "Give me your time for today nalang." Lito ko siyang tiningnan pero hindi nagdalawang isip na tumango. "Sige!" Hyped up kong sabi. Maya-maya ay napunta kami sa parking lot at pumasok sa kanyang sasakyan. Medyo malayo-layo din ang distansya from school to parking lot at dahil open space, sigurong hindi na siya nagtangkang pumunta dito. "Naks, gentleman!" Biro ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto, ngumiti naman agad siya at halatang nahihiya. "I noticed it earlier pero you're pretty shameless." "'Di na uso ang pagiging hiyain, noh." Pagmamayabang ko. "I heard you know Aelia? Bakit mo naisipang magblind date?" "Technically hindi naman ito blind date kasi binigyan niya ako ng description." Tumango-tango naman agad ako. "I have some... love issues? She said na magiging comrade daw kita." Natatawa niyang sabi. "I thought you were a fun person kaya I thought why not, diba?" Pagsunod niya pa. "Ikaw? Bakit mo naisipang pumunta din? Akala ko nga iniwan mo na'ko sa ere." Biro niya. "Same tayo, kaso di ako sure if napunta nga ba sa love eh kaibigan lang naman, haha." Mahina kong sabi. "Teka, pinaparebound ba tayo ni Aelia?!" Gulat kong sabi at nagkatinginan kami. "Kung gayon, ayaw mo ba?" Napatingin ako sakanya. "Rebound, I mean. Win-win din naman 'to, what do you think?" Hindi ako napaimik at napakubli sa'king mga kamay. 'Di ako sure kung gusto ko ang kanyang suggestion dahil may isang parte sa'kin na umaayaw kasi.. "Don't tell me you haven't confessed?" Tumango ako. "I see, it's alright." Nakangiti niyang sabi. "Wala din naman akong chance." Nakatungo kong sabi at naalala sila ni Avie. "May bebegurl na kasi." Sabi ko at pilit na ngumiti. Bago pa siya makasalita ay huminto siya sa pagdrive at d'un ko lang napansin na nandito na kami. Kinuha niya muna ang payong bago lumabas at pinagbuksan ako. Napahinto ako nang makita kung nasan kami. Heil's Grill. "Dito tayo?"Tanong ko pero hindi di ko siya malingon sa takot na baka sabihin niyang oo. "Yes, but I rented the place." Napahinga ako ng maluwag. Wait. "You rented the place? Eh balita ko booming at andami nilang customers!?" Bulalas ko. Naalala ko ang sabi kong ako ang magbabayad ngayong gabi. Salamat at tumanggi siya! Nginitian niya ako. "I heard this is a good gesture for a first date." "Tangina?" Gulat kong sabi at tinakip ang aking bibig. "I mean what? Sa'n mo yan narinig? Ang oa naman." Sabi ko pero hindi mawala ang ngiti sa bibig nang marealize ang sitwasyon. Shet first date at nirenta ang whole resto!!! "You're saying that but you can't hide your smile." Nakangiti niyang sabi at nagpaunang lakad. Tumila na din ang ulan ngunit pilit niya parin akong pinapayong. Hinawakan ko ang aking pisngi na namumula and unconsciously thought of Yael. Does he have these types of thoughts din? "Infairness, nakakakilig!" Nakangiti kong sabi at birong sinampal ang kanyang likod. Napahinto ako nang may kausap siya at naghintay silang matapos. Napalingon din ako sa cellphone kong naka off dahil na lowbat, shet! Tinutukan ko si Mave at napaisip kung anong klaseng ganda yung nagustuhan niya para magka love issues. Baka cheater? Base sa kanyang itsura hindi naman talaga mawawala ang aaligid na mga magagandang babae sakanya kaya baka! Pero pass sa cheater!!! Nang matapos silang mag-usap ay nilapitan ko siya at bumulong, "Di ka naman cheater, noh?" Napatawa siya ng malakas. "Takte, ang random!" Gulat ako sa kanyang reaksyon niya at mabilis siyang umiling. "But you're wrong, I don't condone cheating." Seryoso niyang sabi kaya napatango ako at nag-isip ng ibang probable reason. Bago pa ako magsalita ay naunahan niya ako. "And also no, she did not cheat if you've thought of that, too." Amused niyang sabi at lumayo ako konti dahil tama ang kanyang sinabi. "Ah." Sabi ko nalang at nag-isip pa ng iba. Naglakad kami papasok sa restaurant at naupo. Hininto ko na rin muna ang iniisip ko at nag-order. Pinilit niya akong mamili ng kung ano ano kaya hindi na ako tumingin sa presyo. Mahirap na dahil parang walang second date 'to. Nang matapos at binigyan kami ng appetizer ay napalingon siya sa'kin. "You're having fun guessing the reason for my love life, aren't you?" Napaiwas ako ng tingin. "What? 'Di mo sinabi kaya I thought ako nalang huhula ng reason. Exciting 'din naman." Nakangisi kong sabi at napangiti siya. "We dated pero she only saw me as a friend." Hindi ako umimik at pinigilan ang sariling magbiro. "It's been a while so I don't mind any weird reactions. Especially from you." Imbes na ma-offend ay napangiti ako at tumayo para makipagkamay. "Comrade!" Ngiti-ngiti kong sabi habang nakigkamay. "You're my pre now!" Biro ko at napatawa. "Pre..?" Lito niyang tanong. "Kumpare! Tayo." Sabi ko at tinuro kaming dalawa. Tumango siya. "Pre?" Nang hindi siya sumagot ay naggesture akong sabihin niya at nahihiyang tumugon siya. "Y-Yes, pre?" Malakas akong napatawa dahil may accent ang kanyang pagsabi at halata sa kanyang mukha ang hiya. "Stop laughing!" Inis niyang sabi at nagtakip ng mukha. Nang tumayo siya agad akong napahinto. "Oh, 'di 'to fast date, aalis ka na?" Ginulo niya buhok ko at ngumiti, "Cr muna ako." "Agh! Ang buhok ko!" Inalis ko kamay niya at inayos ang aking buhok na grabeng ayos ni Aelia kanina pero napangiti din kasi nawala sa isip ko si Yael kahit papano. This 'date' might be worthwile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD