L I M A
Loisa
"A Little World"
"Gutom na'ko." Mahinang reklamo ni Mave at napatawa ako.
"Bago lang po tayo nag-order." Puno ng judgemental na sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagsalita. "Maybe it's because naghintay ako sa labas ng school for too long?" Pang aasar niya at napaiwas ako ng tingin sa hiya.
"Ginagago mo lang ako, eh." Asar kong sabi.
"Biro lang naman.." Ngumisi siya. "Or is it..?" Tiningnan ko siya ng masama. Loko 'to! "Why don't we introduce ourselves like we just met. A rewind of time, you know, bago mo 'ko niligaw the first time we met." Napangiwi ako.
"Pasensya na." Guilty kong sabi saka ngumiti at mabilis na tumayo sabay lahad ng aking kamay. "Hi, I'm Loisa Nathaniel. You must be Ma-" Napahinto ako ng makita kong nakangisi lang siyang nakatingin sa'kin and was on the verge of laughing.
"Sorry! Eh kasi sino ba naman ang nagsabi sa'yong pagsabayin mo ang pag sorry at pag introduce." !??!
"Di ka naman nagseseryoso, eh!" Reklamo ko.
"Sorry, ehem, ulitin nalang natin." Natatawa niyang sabi. "I'll start-"
"No, I should start, sinimulan ko na." Tumango siya sa'kin at umubo ako bago magsimula. "Hi, my name is-" Napahinto ako at napatawa. Pano ba naman kasi eh naalala ko ang pagtawa niya kanina.
"Oh! Ikaw na naman tumatawa."
"Gago ka kasi."
"Lah! Ano ba ginawa ko?"
"Ah, basta! Tigilan na natin 'to, ayos na yung first meeting na'tin." Sabi ko at umupo. "I'll call you Mave, may ibang gusto ka pangalan na gusto kitang tawagan?"
"Yes."
"Ano 'yon?" Curious kong tanong nang hindi niya sinundan ang kanyang sinabi.
"You can call me babe." Napahinto ako at ngumisi siya.
"No thanks." Mabilis kong sagot. "Engot nalang, whatchu think?"
"Ang pangit!"
"Hah, choosy pa!"
"Edi pangalan mo nalang din ay Tonge!" Lito ko siyang nilingon. (to-ngeh)
"You mean tongue?" Pangco-correct ko pero umiling siya.
"Luh, inde no! Tonge, as in T-O-N-G-E o engot kung ibaliktad." Pagmamarunong niya.
"Mas pangit 'yan, walang originality!" Sabi ko at bumalik sa pagkain. Narinig ko siyang tumawa.
"You're fun to be with." Seryoso niyang sabi. Hindi muna ako sumagot dahil parang timang ang kausap ko na para bang paiba-iba ng mood. Di naman ata 'to baliw, noh?
"Thanks..." Sabi ko nalang at hindi pinahalatang jinu-judge ko na siya.
"Can you tell me more about the person you like? What's he like?" Curious niyang tanong.
"Baka ma bore ka lang." Sabi ko habang naaalala ang mga reaksyon ng mga kaibigan ko na palagi kong sinasabihan tungkol kay Yael. Umiling siya.
"I got time. Atsaka I'm sure you're curious about the person I like din." Tumango ako at nagsang-ayon.
"Well, his name is Yael. He's been my friend for over 10 years, mostly because our mom's our the bestest friend." Pagsisimula ko. "He's.. annoying." Napatawa siya.
"Nakakainis masyado, pero when you get to know him malalaman mo kung gaano siya ka sensitive. He's really smart din pero superrr manhid. Bobo sa pagmamahal pero number one as a friend and as a son. I can talk more pero that's the basic." Pagtatapos ko. "He.. He should be with someone he likes." Bulong ko, remembering how he is with Avie.
"You say he's smart, so don't you think he knows your feelings?" Nilingon ko siya at umiling.
"Akala ko din yan, so I did what normal other people do when they think the same thing... I tested him." Napakunot-noo siya.
"...That's not the normal-- nevermind, go on."
"Tatlong araw kong tinest kung ako ba ang gusto niya, pero he thought I liked someone else. Alam na ng whole school, pati teachers, pero siya wala paring alam." He thought I liked one of our schoolmate, gulat si kuya kaya todo angal lang kami, I think akala niya gusto ko talaga 'yon.
Tumango-tango siya pero hindi umimik. "I see, but Aelia said this is your first date ever, does that mean you've liked him ever since you've met?" Panghuhula niya.
"I don't remember when I had feelings for him." Ngumiti ako at uminom muna ng tubig. "But I don't think na simpleng pagkagusto lang 'to. You know the feeling, the world feels colorful, everyone suddenly does not matter kasi sa lahat ng taong makikilala ko, it feels like he's the only one worth knowing. When I see him, parang pwede na akong matulog muli, like he's the objective of my everyday life."
"And 'di lang yan, may mga panlulumo din akong mararamdaman kapag makita ko siyang may ibang kasama, when he smiles at others parang nananakip ang dibdib ko." Huminto ako. "When he smiles at the one he likes, his eyes creases tapos parang may mga bitwin sa kanyang mga mata... I've wanted to be in the receiving end of those eyes." Pakla kong sabi.
"Tanginang one-sided 'to." Bulong ko. "Pakyu siya!" Bigla kong bulalas. Bakit kasi siya pa nagustuhan ko!!
Narinig kong tumawa si Mave kaya nabalik ako sa realidad na nandito pala siya. "Sounds like you're down bad for him."
"I know, I'm fucked." Sabi ko at tinakpan mukha ko. Napabuntong hinga ako at nabalutan kami ng katahimikan bago siya nagsalita.
"I feel the same way for her." Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko. "She was the treasure na di ko alam na kaytagal ko nang hinahanap..." Napayuko siya at napatingin sa kanyang plato at nilalaro ang kutsara.
"But it was one-sided. She only saw me as a friend and nothing more. We did date for a few months pero hindi niya nakayanan, she said that it was too unfair for me to be in a relationship with someone that does not have any feelings for me."
"It's been three months since then at hindi na kami nagkita. 'Di ko alam sa'n siya nagtungo, but my heart still yearns for her."
"Even if she said she does not have any feelings for you?" Tanong ko at lumingon siya tsaka napangiti, kitang-kita ko sa kanyang mata ang pananabik na makita muli ang babaeng tinutukoy niya.
"Mhmm." Pagsasang-ayon niya. "Anyways, parang ampanget na ng vibe ng date. After this should we take a walk?" Tumango ako pero napalingon sa'king suot.
"Daan muna tayo sa'min, kukuha lang ako ng ibang damit." Tumango siya at nag-usap kaming muli. And I thought I was pitiful, eh may pathetic friend din pala akong karamay!
"Yael's a good name."
"Teka, I think we should have a nickname for him. Baka sa'yo niya malaman ang feelings ko, eh." Reklamo ko.
"Hmm, how about El?"
"Pass, 'yan tawag ko sakanya."
"Elay? Elie? Yal? Yaya?"
"Tangina? Ampangit naman niyan!"
"His name does not leave me many options, Loisa." Reklamo niya pero nakangisi habang nag-iisip parin ng ma nickname.
"True, true. Leya nalang kaya?"
"Kahit pangit papayag nalang ako, not like we have much choice." Napatawa ako sa kanyang pag-asta na para bang pangit ang suggestion ko. Heh.
"Sus! Sabihin mo lang maganda, pakipot pa!" Pang-aasar ko. "Do you want this? 'Di ako sure if matatapos ko 'to." Sabi ko at tinulak sa kanya ang isang putaheng hindi ko pa nakain. Tumango siya at kinuha ang pagkain.
"You have a personality that many people like, are you sure you've never dated?"
"Sarcastic ba 'yan?"
"No, I'm serious."
"Eh? Kala ko si Mave ka?"
"Ginagago mo 'ko, eh" Tinago ko ang ngisi ko dahil he's saying the same thing I said kanina. Heh.
"Lah, bad words 'yan, Serious!" Asar ko at defeated niya akong tiningnan at panay iling.
"Argh, tapos ka na?" Tanong niya sabay turo sa plato ko. Tumango ako at tumayo siya sabay lingon sa'kin. "Bayaran ko lang, I'll be back."
"Teka, samahan na kita." Sabi ko. Parang nagdadalawang isip siya pero tumango din. I know he's having second thoughts dahil nagreklamo ako kanina sa suot ko, haha. "Tingnan natin sino ang mas mabilis na kamay ang magbabayad." Ngisi ko.
"No, ako na sabi magbayad."
"Eh, anong thrill don?"
"No thrill needed kung ikaw kasama ko. You'll just pay the next meal."
"Lah may second date pa pala?" Napahinto siya at maya-maya ay nilingon ako. Nakikita kong nahihiya siya at bumilis ang kanyang pagkurap.
"Y-You don't want to?" Kitang-kita ko ang pag-ubo niya habang tinatago ang kanyang pagstutter. Sinampal ko likod niya.
"Biro lang, 'wag kang ma-fall sakin, ah!"
Taas kilay niya 'kong tiningnan. "Baka unahan mo 'ko, eh." Nakangisi niyang sabi at mabilis na binigay ang card niya sa lalaking nakabantay sa register. Nang matapos siyang bumayad ay naglakad kami paalis sa restaurant.
Napahinga naman agad ako ng maluwag dahil hindi ko nakita si Yael o Avie ngayon. Mave also explained na the payment for the meal and the reservation for the whole restaurant was different which was the reason for the payment kanina.
"Loisa?" Nanigas akong nakatingin kay Yael na nasa harap ko. Nilingon ko kung nandito si Avie pero wala siya. "It's late, di ka pa umuuwi?"
Hindi ako nagsalita pero umiling. Napunta ang kanyang tingin kay Mave na nasa gilid ko at sa kamay kong nakahawak sa kanyang elbow. "Hi, I'm Mave. You must be Yael?"
Tiningnan muna ni Yael ang kamay ni Mave bago dahan-dahang nakipagkamay. "Yes, she did not tell me anything about you, though." Sabi niya pero nasa sa'kin parin ang tingin. "I'll just speak with Loisa alone for a moment, can you give us some space?" Tiningnan niya si Mave na tumingin muna sa'kin.
"Hintayin mo lang ako." Sabi ko kay Mave at tumango siya bago umalis na muna. Nilingon ko si Yael na nakakunot noong nakatingin sa'kin.
"Loisa, alam mo ba anong oras na? Bakit nasa labas ka parin? Alam mo naman kung gaano ka delikado ang gabi!" Galit niyang sabi.
Napatingin ako sa orasan ko at malapit nang mag alas dose. "I'm sorry, 'di ko nacheck ang oras." Hindi siya nagsalita pero alam ko kung gaano siya ka galit. Tumataas na din ang criminal rate samin kaya hindi alam kong nag-aalala talaga siya. "Mave was gonna drive me-"
"Mave?! Do you even know the guy?! What if ma pano ka?" Galit na naman niyang tanong.
"Aelia knows him-"
"Aelia knows everyone! Besides, not everyone has a clean intention, what if he.. does something to you? Nag-iisip ka ba, Loisa!?" Napahawak siya sa kanyang sintido.
Of all the years we've met, ngayon ko lang ata siya nakitang ganito ka galit. Namumula siya sa galit at kitang-kita ang kanyang pag-alala.
"We were just on a date, he's not that type of person." Sabi ko pero hindi nawala ang kanyang galit at mas lalo pang sumama ang kanyang tingin sa'kin.
"A date with a random person who was only introduce by Aelia, I bet!" Galit ko siyang tiningnan ngunit hindi niya iyon pinansin at sarcastic na napatawa. "Babae ka, Loisa. You should be more careful! Alam mo naman kung ano ang nangyayari ngayon, eh!"
"I am careful. This was the only time I went out!" Sabi ko, and it was true. Out of all the times I went out, this was the only time na lumabas akong iba ang kasama at gabing gabi nang umuwi. "We got to know each other, Yael. Nag-iisip din ako, I know if someone is a threat and if someone is not, 'di na ako bata."
"'Di na bata? No one knows where you were, 'di ka sumasagot sa mga tawag ko, and you're walking in a dark alley with a total stranger! If that's mature, edi let's just say I don't know what that actually means!"
"Na-lowbat ako pero sinabihan ko si Aelia."
"You should've also told me, I'm your best friend for God's sake! I was worried sick thinking kung ano na nangyari sa'yo!"
"I'm sorry but you haven't really been a friend to me lately. You're not always here with me and kapag magkasama tayo ay nasa iba ang atensyon mo, when we hang out ay umaalis ka kamakailan para lang samahan si Avie. I don't think you're the right person to tell me about all this s**t!" Galit kong sabi at napahinto siya. "Aalis na ako!" Inis kong sabi nang hindi siya nagsalita.
Pinigilan niya ako at napalingon ako sa kamay na nakahawak saking kamay. "I'm sorry.." Sinserido niyang sabi. "I'm sorry about that, but you should've also told me. Mom was frantically calling me, she was really worried about you, kung napano ka na."
Napahinto ako. "So that was you went to find me?" Malumanay kong tanong at tumango siya. Binawi ko ang kamay ko at mabilis na tumango. He was probably with Avie kanina. "Well, you found me kaya pwede mo nang sabihan si tita na I'm alright." Tumalikod ako at napahawak sa dibdib kong sumasakit sa isang tango niya.
"Wait, I'll take you home." Akmang kukunin na niya sana ang kamay ko nang mabilis ko 'yong pinalapit sa'kin at inilayo para hindi niya makuha.
"I'm fine, Mave will take me home."
"No, Loisa, I'll take you-"
"No!" Napahinto siya sa bulalas ko. "I said he'll take me home. Goodbye, Yael." Mabilis akong naglakad patungo sa nilakaran ni Mave at maya-maya ay may lumabas na sasakyang at nakita kong binaba ni Mave ang kanyang windshield.
"Get in." Tumango ako at saka sumakay. Nakita kong nandun parin si Yael sa kinatayuan namin kanina. I've never raised my voice at him pero hindi ko nakaya ngayon. He told me that the reason he went looking for me was her mom, which was also his excuse kung bakit nagsama kami the last time he first met Avie.
Potangina niya!
'Di ko maalis ang galit sakanya. He always has this 'I'm here kasi sinabihan ako ni mom.' which makes me feels that unless his mom does not tell him about me baka nakalimutan na niya ako. Kaibigan niya ba talaga ako?
"Are you okay?" Napalingon ako kay Mave na nag-aalala. "Hindi naman sa nange-eavesdrop, pero rinig na rinig ko kayo kahit nasa sasakyan ako. It also didn't help that you were both shouting."
"Sorry about that, we're not always like that." Sabi ko, we randomly fight and am in disagreement with each other pero not like that. "I don't know bakit nagalit ako, sabi niya kasi na ang reason kung bakit niya ako hinanap is because pinahanap siya ng nanay niya and after hearing that, I just snapped." Sabi ko at nararamdaman ko na naman ang galit na nagreresurface.
"He said that?" Gulat niyang tanong. "That's a low blow."
"Not helping, Mave." Ngumisi siya.
"Wanna have a drive thru?" Umiling ako.
"We just ate!"
"Ay, oo nga pala."