"We just ate!"
"Ay, oo nga pala."
"Anong oo nga pala?" Panggagaya ko at napatawa siya. "Can you drop me off at ***? Raincheck muna sa walk, maybe next time?" Nakangisi kong tanong at ngumiti siya at tumango.
"You're making my heart pound."
"Weh, di nga." Sabi ko at tumawa.
"Nah, she still has it." Sabi niya at ngumisi. "It's good that you're smiling. Don't hesitate to call me whenever." Sabi niya. Maya-maya ay nasa bahay ko na kami. Tinanggal ko ang seatbelt at akmang bababa pero pinigilan niya ako. "Teka."
Bumaba siya at tsaka naglakad papunta saking side at in-open ang door. "Milady~" Biro niya at iginaya ako papunta sa gate. "Mag-ingat ka."
"I should be the one saying that, bye Mave." Tumango siya at kumaway bago umalis. Pumasok ako sa bahay at napabuntong hinga sa dilim ng paligid. Naglakad ako papunta sa kwarto at tsaka nagbihis at naligo muna.
Nagbihis ako at napahiga. It's been a long day. Me and Yael had a big fight, pero hindi ako nagpatinag. We always talk before the day ends pero walang Yael na pumunta ngayon.
--
"I don't want us to sleep when we fight, it shall never take a day-- or less-- bago tayo mag usap dahil alam kong hindi ko 'yan kakayanin."
"Corny mo!" Inirapan niya ako.
"Sus! Don't act like I don't know you. You think the same thing as me, don't you?" Tumango ako sa sinabi niya at napangisi siya. "Baka kalimutan mo 'to, ah? Alam naman nating may goldfish kang memorya!"
"Pakyu, baka ikaw! Nakalimutan mo ngang dalhin ang gift mo sa'kin?! Dapat talaga hindi kita pinapasok without my gift, see what peasants do when given a little kindness? They abuse it!"
"Oa mo masyado! Kukunin ko nga bukas, eh! Bukas na bukas din, naku! Atsaka mas mukha ka pang peasant kesa sa'kin, di ka ba nagsasalamin?" Lies, he's handsome but even more so today.
Diin niya hinawakan ang aking mukha na nakangiti, "You'll be mobbed if you talk like that in school or in public." Tumawa siya habang nakatingin saking mukha. "Nah, you're not a peasant, you're too cute to be one. Maybe a pet?" Agad ko siyang tinulak at binato ng mga unan. Tangina neto!
--
Napatingin ako sa oras at mabilis na napabalikwas. s**t late na'ko! Agad akong naligo at nagbihis at napamura nang makitang lowbat ang phone ko. Nakalimutan kong icharge!!!
Hindi ko na iyon pinansin at mabilis na kinuha ang gamit ko at binuksan ang pintuan. Napaatras ako nang may nahulog na nakasandal kanina sa pintuan. Agad akong kumuha ng bat at dahan-dahang nilapitan ang taong nakatulog sa pintuan.
Ini-ready ko ang pagswing ng bat nang napaupo siya. s**t! "Lisa?" Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko na napigilan ang swing ng bat at natamaan ang kanyang likod. "Argh!"
"Yael?!?! Hala s**t, sorry!" Mabilis kong sabi at agad na pinapasok muna siya. Sinarado ko ang pintuan at agad siyang pinaupo. "Teka, I'll be back, male-late na ako sa class, maya nalang! Sorry talaga!" Bigla niyang hinila ang kamay ko.
"Wait! Walang class ngayon, anong ibig mong sabihin?"
"What do you mean?" Tanong ko at agad niyang pinakita sakin na walang schedule na class ngayon kaya napaupo din ako. "...I thought may class."
Napatawa siya. "Dummy."
Teka.. "Bakit ka naparito?" Tanong ko at umiwas ng tingin nang maalala ko ang away namin kahapon.
"I'm sorry I haven't been with you, I came here to apologize."
"Ang aga mo naman?" Napangiti siya awkwardly. "Don't tell me.."
"Yeah, I've been here kagabi. Nakita ko kayo ni Mave, actually. Aalis na sana ako pero for some reason I couldn't. I didn't wanna go home without knowing we're fine."
Agad akong napatayo at kumuha ng blanket dahil giniginaw siya. Halos mangiyak-ngiyak akong nakatingin sa kanyang daing ng daing sa sakit at giniginaw. "I'm sorry, I should've known..."
"It's alright, It's my fault din naman."
"Why didn't you call!?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. "You did... pero hindi ko nasagot." Napasabi ko at napatingin sa cellphone kong hindi pa rin nakacharge. Napaupo ako at tinalikuran siya. "I'm really sorry. Bakit hindi ka nalang umuwi?" Tanong ko habang pinunasan ang luhang patuloy'ng dumadaloy saking pisngi.
"I told you, I can't. Ayos lang naman ako." Tumango ako at tumayo pero hindi sumagot.
"You should take a shower." Sabi ko at kumuha ng mga damit na pwede niyang suotin. "Here." Sabi ko at hindi parin lumilingon sa kanya. "Call me if you need any help." Sabi ko at hinintay siyang pumasok sa cr pero hindi siya umimik. "Yael? Mal-"
"Are you crying?" Malumanay niyang tanong. Umiling ako na hindi lumilingon.
Napapaluha akong isiping nagpunta siya rito because we fought and it's not even his fault, it's mine. These feelings of mine are creating a rift on our friendship, akala ko it is just an infatuation, akala ko magiging maayos din ang lahat because I will never want more than to be his friend. But before I knew it, I wanted more, I wanted to be someone special. A title closer than a friend and a sister...
"No."
I imagined he must be nodding right now. "Ahh.. but why won't you look at me?" Hindi ako sumagot. "Loisa?" Hindi parin ako umimik. "Lisa..."
"I'm fine. Maligo ka na." Naglakad ako papunta sa kusina ngunit mabilis na pinaharap niya ako. Gulat akong napatingin sakanya ngunit hindi parin tumitigil ang luha sa pagdalos. Nagtama ang aming paningin. Nagulat ako sa isang emosyon na hindi ko nabasa sa kanyang mata ngunit napayuko dahil kitang-kita ko ang galit at pag-alala nito.
"You're a bad liar." Sabi niya at pinunasan ang aking mga luha. Nanlumo ako, I can never hate this man. Red flag man dahi sa mixed signal na binibigay niya pero he always shows how much he cares. "Tahan na, I'm sorry. 'Wag ka na umiyak, mhm?" Inilapit niya ang mukha ko sa kanyang dibdib. "It's really not your fault, naghintay ako sa labas dahil ginusto ko, Lisa."
"Hindi ko sinabing sinisisi ko sarili ko." Liar.
"You can lie to yourself pero hindi mo'ko maloloko." Sabi niya at mahinang binatok ang ulo ko. Mahina ngunit malumanay niyang pinat ang ulo ko para ako'y tumahan. "I'm sorry." Sabi niya muli. "For everything, especially kahapon. I'm sorry I didn't notice." Umiling ako.
"No, you didn't have to be with me constantly and I should not ask for so much of your attention specially ngayong you have someone you like na." Sabi ko at mas napaiyak now that I'm confronting myself. Tama din naman, he should not be always with me, hindi ko naman hawak ang kanyang oras at atensyon. Not all friends requires to have their friend be with them 24/7 kaya I shouldn't have been so angry.
But to me he is not just a mere friend. Gusto ko siya, no matter the reason i have, my feelings will always get in the way of our friendship and that will never change. Friends get lost in touch all the time, baka na spoil lang ako kasi he had never changed despite having a significant other.
"You have the right to be mad, you were right. I was practically avoiding you without even realizing it, I was being a bad friend, and I'm sorry. That was a d**k move." Guilty niyang sabi at napatungo.
"Tama, d**k move nga." Sabi ko at bahagyang sinuntok ang kanyang dibdib. "But maybe hanging out less is better." Seryoso niya akong tiningnan at para bang nasaktan. "I should respect you and your girlfriend."
"No..."
"Now you're crying. Ginagaya mo lang ako, eh!" Biro ko pero hindi siya tumahan. "Why are you crying? I just said we'll be hanging out less."
"But why does it feel like you're saying goodbye?" Napahinto ako. I can't say I never thought of fleeing and trying my best to forget him, but what good will it get me? I already tried but failed multiple times. "See? You're not even saying anything!" Malakas niyang bulalas.
Napatawa ako. "I'm not saying anything kasi ang oa mo... I-I'm not leaving you, El." Sabi ko at mas hinigpitan niya ang yakap sakin.
"Sorry, I can't imagine not having my best friend with me." Napahinto ako.
"Me too." Sabi ko. "But if you're like this I might reconsider." Tiningnan niya ako ng masama at napatawa ako. "Joke! Grabe, bakit napaka cranky ng Elie namin, mhmm?" Sabi ko at pinisil ang kanyang cheeks.
"I want to hang out with you." Malumanay niyang sabi. Niluwagan niya ang hawak sa'kin kaya sinamantala ko na iyon at kumuha ng tubig at baso.
"Sure, inom muna tayo ng tubig." Sabi ko. "It's fun to see you cry." Masama niya akong tiningnan.
"Shut up."
"It's true! Although I am very dissappointed, I expected you to ugly cry." Sabi ko at napangisi. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko at hinubad ang bag at jacket na suot-suot ko kaya naka t-shirt nalang ako ngayon.
"Pancakes."
"Coming right up." Nakangisi kong sabi. "Maligo ka muna, suotin mo ang binigay ko kanina and i'll give you the pancakes soon after." Sabi ko at tumango siya at agad na tinapos ang pag inom sa tubig bago pumasok sa cr.
Napasandal muna ako sa kitchen counter at napabuntong hinga. s**t, napahawak ako sa dibdib kong ang lakas ng t***k. Naalala ko ang mahigpit naming yakap kanina. Narinig niya ba 'yun? s**t s**t s**t.
Contrary to my expectation ay super concentrated ako sa pagluto. Chinarge ko na rin ang phone ko to see what else I missed. It's been a while since Yael has been here dahil I usually am at their house dahil maraming tao dun compared dito na kaming dalawa lang... Teka..!!
Shit!!! Kaming dalawa lang pala dito!!
Pinakalma ko muna sarili ko at bumalik sa pagluto ng pancakes. "Andami naman niyan?" Tanong ni Yael at napalingon ako sa kanya na basang basa pabuhok tsaka may maliit na towel na nakapwesto sa kanyang nape. Shet. Umiwas ako ng tingin.
"Kilala kita, this much is a usual for you." Sabi ko at pinatay ang stove. Kinuha niya ang plato sa aking kamay at nilagay iyon sa lamesa.
"Let's watch a movie?" Tumango ako, at nakangisi niyang dinala ang pagkain sa salas. "What do you want to watch?" Tanong niya.
"Anything is fine, ano gusto mo tingnan?" Napakagat labi akong nakatingin sa phone kong hindi parin umu-on. "Yael?" Tanong ko nang hindi siya sumagot. Nilingon ko siya at nagtama ang tingin namin bago siya mabilis na umiwas tingin. "Napano ka?" Tanong ko.
"..Wala naman, I want to watch an action movie." Sabi niya at tumango ako bago humanap ng mga listahan ng mga action movies na gusto naming tingnan. "Walang syrup?" Tanong niya.
"Kunin mo lang sa pantry, pakuha na'rin ako ng isa pang tinidor, isa lang nakuha ko."
"No need, parehas nalang gamitin na'tin." Loisa, kalma! Walang ibig sabihin 'yan, 'wag magiging delulu!!!!
"No thanks, kunin mo 'ko ng bago, bilis!" Sabi ko at narinig ko siyang tumawa pero napataas kilay ko nang walang new tinidor on sight for me. "S'an yung fork?"
"Here." Sabi niya at winawagayway ang tinidor na ginamit niya.
"Tch, ako nalang kukuha." Sabi ko at akmang tatayo nang mabilis niya akong hinila paupo.
"Wala naman akong herpes oh cavity or any other diseases I could possibly transmit, why're you suddenly concerned about these types of things eh palagi naman tayong nagshe-share?" Seryoso niyang tanong pero pansin ko ang pagtaas ng kanyang bibig.
"Che! Sabihin mo lang, tinatamad kang maghugas, alis!" Sabi ko at naglakad papunta sa kitchen at kumuha ng tinidor. Napangiti siyang tumingin sa'kin kaya napahinto ako pero naglakad muli papunta sa couch.
"You got me, shall we start the movie?" Tumango ako at nagsimula na ang pelikula. As usual, wala na naman akong naaalala sa movie dahil busy ang puso kong ambilis ng t***k sa katabi kong si Yael.
In the middle of the movie, hininto ni Yael ang movie nang makadinig kami ng may tumatawag sa'ming telepono. Hinanap namin ang sariling phones at napatingin kung sino yung tumatawag at nakita kong cellphone ni Yael ang nagring.
"Sagutin ko lang." Sabi niya at tumango ako bago siya naglakad patungo sa kitchen. Is it Avie? Nawala ang pag-iisip ko kung sino ang kausap niya nang magring din phone ko.
Mave Calling....
"Hello? Mave, napatawag ka?" Naramdaman kong napunta tingin sa'kin ni Yael. Chismoso talaga.
"You didn't reply to my texts kaya I was worried."
"Naks, ang clingy naman? Boyfriend ba kita?"
"Not yet, char. I told you to text me when you get home, nag-aalala lang naman ako." Napatango ako, andaming naabala sa hindi ko pagchare kagabi!!!
"Sorry, nakalimutan ko kasing magcharge." Napalingon akong nakita si Yael na napaupo sa couch din habang may ka-call parin.
"No, Avie, I'm just with Loisa... Wala dapat... She's fine, oo may ka date nga siya kahapon." Hindi ko marinig ang kanilang conversation but it seems nasama ako.
"So, I was thinking.. about my plan, g ka ba d'on?" Hmm, rebound plan... Napalingon ako kay Yael na puno ng ngiti habang kausap si Avie. Nagtinginan kami at nag-away with our feet meeting one another.
"Ackk!--" Tinakpan ko ang mic at masamang tiningnan si Yael. "Anduga!" Sabi ko at mas malakas siyang sinipa kaya napatawa siya ng malakas. "Sorry about that, as I was saying.. I'll think about it."
"Okay, I'll wait for your response." Narinig ko siyang uminom muna ng tubig. S'an ba 'to? "Pero 'di eto ang rason wny I called."
"Hmm?" Sabi ko, urging him to continue.
"Let's go on another date." Huh? Nawala ang lakas sa'king paa at mabilis iyong nahulog sa couch dahil sa lakas na din ni Yael. Malakas siyang napadaing dahil natamaan ko shin niya. "Are you with someone? Is this perhaps a bad time?" Umiling ako kahit na hindi niya nakikita pero nakatoon parin ang atensyon kong kay Yael na ngayo'y nasa sahig na.
"I'll call you later." Sabi ko at binaba ang phone. Malakas akong tumawa nang makita siyang ngayon ay nakahiga na sa sahig. "HAHAHA ayos ka lang?" Tanong ko at masama niya akong tiningnan.
"'Yan! Tatawa bago tutulong, kaya hindi kita miss, eh!" Sabi niya at bago pa siya bumangon ay sinipa ko siya ng malumanay para makahiga siya muli.
"Should I let you out?" Akmang nag-iisip ako. "Hmm, but you're wearing my clothes.."
"Damit ko 'to!" Angal niya pero hindi ko siya pinansin.
"Should I just let you out.... naked?" Nakita ko ang paglaki ng kanyang mata. Mabilis siyang gumapang paalis sa sahig at mabilis na nagtungo sa kwarto ko. "Yael, Yael, Yael, baka nakakalimutan mong bahay ko 'to?" Sabi ko at kinuha ang susi bago binuksan ang pintuan kung saan ay alam kong nakatago si Yael sa ilalim ng kama.
Since I could remember, we have a game called Laughing 'Til You're Naked, of course we will not actually be naked. Sadyang exaggerated lang talaga from a random show we saw noon. Yael does not like to be tickled at sobrang aggressive kaya tinatali ko siya pag kinikiliti.
Sinirado ko muna ang pinto at kinuha ang isang tali bago ako naglakad nang mabagal na para bang hindi ko alam kung nas'an siya. "Yaeel~" Sabi ko at mas lumapit sa kama. "Hmm, baka nasa closet?" Akmang aalis na ako nang nilingon ko ang ilalim ng kama.
Teka, he's not here?
Takot akong napatingin sa bagong bukas na closet. "Noo!!" Malakas kong sigaw at narinig ko siyang napatawa habang may dala-dalang tali. Like Yael, bayolente ako pagkinikiliti. "Arghh! Help!!"
"Hoy! Baka may tatawag na pulis, just accept your fate nalang, Lis." Sabi niya at tinali ang kamay ko. "Here comes the tickle monster!" Sabi niya at winiggle ang kanyang mga daliri.
"Tangina, manyak!" Insulto ko at napatawa siya.
"No, Lisa, you already tried that last time." Sabi niya at mabilis akong kinilii.
"Agh, s**t! Pf0tanginaaHAHAHAH, huhuHAHHHAH stophh!" Tumigil siya. "Can't I negotiate?" Umiling siya.
"You tried that last time din." Sabi niya at binalik ang pagkiliti sa'kin. Ilan bang tricks ginamit ko para lang huminto siya sa pagkiliti? "Aray! Li-" Napadaing siyang sinipaan ko siya kaya ginamit ko iyong distraction at saka siya sinipa pahiga kaya ngayon nasa taas na ako.
"Lisa comeback: surprise attack!" Sabi ko sabay kiliti sakanya kahit nakatali kamay ko. "Akala mo this'll stop me, pero parang inuunderestimate mo'ko, Mr. Valentino!" Sabi ko at binalik siya sa pagkiliti.
"HAHAHAHALisaa!! GRaaAAaHAHAHAH!!" Napahinto ako nang may kumatok sa main door at nagkatinginan kami.
Ngayo'y nasa husto na ako, ngayon ko lang napansin ang posisyon namin, nasa baba siya at nakahiga na nakatingin sakin habang ako naman ay nakaluhod with both knees on his side at bahagyang nakaupo sa kanyang lower stomach. Malapit sa-
Nang magtama ang aming tingin, randam kong wala ni isa samin ang may balak bitawan ang tingin kaya napalunok ako habang nakatingin parin sa kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang minuto ay nauna na akong umiwas ng tingin at mabilis na umalis sa posisyon. Takte!?!? Tigilan mo ang usual na gawain, Lisa, may jowa na yung tao oh! Napahilamos ako saking mukha at napalingon muli sa patuloy na katok sa pinto.
"Tingnan ko lang kung sino." Sabi ni Yael at agad na umalis sa kwarto. Napaupo ako sa kama, remembering what happened at naramdamang namula ang aking mukha. And dugya!!
Lumipas ang ilang minuto at hindi parin bumabalik o sinasabi ni Yael kung sino yung nasa pinto kaya agad akong bumangon. Napahinto ako at napatingin sa kamay kong nakatali bago kumuha ng gunting at pinutol ito.
"Yael?" Tanong ko pero wala paring sumasagot kaya agad akong kumuha ng bat na nakasandal malapit sa pintuan at malumanay na naglakad papunta sa living area. "Hello? Yael? Ya-" Napahinto ako nang makita ko si Avie.
Ay si Avie lang pala, kala ko kung may magnanakaw nang nakapasok!! Whew!
TEKA?!? AVIE?