SPG: THIS CHAPTER CONTAINS s****l ACTIVITY THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. ENJOY READING! Aki's Point Of View "Ano na gagawin natin ngayon? Mukhang late na tayong dalawa kung babalik pa tayo sa University," sabi ko nang matapos kaming kumain. Nasa sala kaming dalawa, nakaupo sa mahabang sofa. Kahit hindi naman ako gutom ay napakain ako ulit. Nakakainis dahil isang sabi lang niya sa akin ay napapasunod ako. Gusto kong pukpukin ang sarili dahil hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ako sumunod sa mga gusto ni Hugo. "We can stay here and talk or..." Kumindat ito at mabilis akong hinapit sa baywang papalapit sa kaniya. "You know what I mean." Natigilan ako. Hindi ako makagalaw sa aking puwesto dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha. Hawak pa nito a

