bc

Hugo's Secret (Boyxboy)

book_age16+
717
FOLLOW
2.2K
READ
student
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
mystery
genius
male lead
gay
like
intro-logo
Blurb

Hugo is a man of every girls dream. Para sa kanila, he's perfect because of his appearance - gwapo, matangkad, maganda ang built ng katawan at halos nasa kanya na ang lahat. But little do they know, Hugo has a secret. He's not a criminal nor a mafia. He's not a demon nor god. He's Hugo Hidalgo with a secret. Pero ano kaya ang sikreto niya? At bakit n'ya ito tinatago?

Pero sabi nila'y walang sikretong naitatago habang buhay. A gay named Aki found Hugo's secret. Papaano? At ano kaya ang gagawin ni Hugo gayong nalaman ni Aki ang sikreto nito?

Malalaman na 'tin iyan...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Aki's Point Of View. Nagising ako dahil sa ingay ng mga sapatos na nag-uunahan sa paglabas ng pinto. Maging ang mga upuan na kanilang nasasangga ay nag-iingay rin. Inayos ko ang upo ko at tumingin sa paligid. Bumuntong-hininga ako nang makita kong ako na lang pala ang nag-iisa rito. As usual, walang nagtatangkang kumausap sa akin simula pa lang noon. Hindi naman ako nangangain ng tao because I'm not a monster. Normal lang din ang itsura ko at walang nakakatakot sa akin. Maybe because I don't give a damn care on them? Kung ano ang gusto nilang gawin ay hindi ko na pinapakialaman. Or maybe because I am not sociable person? Tumayo na lang ako kaysa isipin pa kung ano'ng dahilan nila kung bakit hindi nila ako kinausap. Kinuha ko na ang gamit ko at naglakad na papalabas ng pinto. Kakatapos lang ng klase at as usual ay nakatulog ako dahil boring ang teacher. Mas naiintindihan ko pa ang nasa libro kaysa sa kanyang sinasabi. Paglabas ko pa lang ng pinto ay sumalubong agad sa akin ang ingay ng mga babae at mga katulad kong bakla. Pinaikot ko na lang ang mata ko dahil sa iritasyon. Araw-araw na lang bang ganito ang scenario? "HUGO MY LOVES!!!" "WAAAHHH ANG PANTY KO, BEH. NAHULOG NA ATA?!" "OMG! ANG SARAP N'YA, SIS!" Tinignan ko sila. Nakapuwesto ang mga ito sa gilid ng hallway kung saan hambog na naglalakad ang taong kanilang sinisigawan. He's Hugo Hidalgo at pangalan lang nito ang tanging alam ko tungkol sa kanya. "Ang guwapo n'ya, teh!" Tumingin ako sa nagsalita. Nasa tabi ko ito habang nakatingin kay Hugo na patungo sa direksyon namin. Ibinaling kong muli ang tingin kay Hugo. Hindi ko ipagkakailang guwapo nga ito. May magandang hubog ng katawan na halata sa suot nitong uniporme at matangkad. Hindi naman s'ya maputi at hindi rin maitim. S'ya ang example ng pinapangarap ng bawat mga babae at mga bakla. Bigla akong nanigas sa puwesto ko nang tumingin ito sa gawi ko. Kumabog ang dibdib ko nang malakas na para bang aatakihin ako sa puso kahit wala naman akong sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa tingin ipinupukol nito sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Kunwari'y may hinahanap ako sa bag ko. Naramdaman ko ang presensya nitong tumigil sa harap ko ngunit mabilis ding umalis. Nakahinga ako ng maluwag kaya tumingin na ako sa harapan ko. Bumuntong-hininga ako nang makita kong wala na ito sa paligid. Nanatili pa rin ang mga babae at mga baklang nahuhumaling sa kanila rito sa hallway. Tila ba tumigil din ang kanilang mga mundo dahil dumaan si Hugo sa mga harapan nila. Ewan ko ba't maging ako'y naaapektuhan sa presensiya nito. Dahil ba sa may pagtingin ako rito? Aaminin ko, maging ako'y attractive rin sa kanya. Pero hindi ako katulad ng mga ito na halos maputol na ang mga ugat sa leeg kakasigaw sa pangalan nito. Ako lang yata iyong nag-iisang taong nagkakagusto sa kanya na hindi ipinapahalata? Hindi ko nga alam kung bakit nadamay ako sa mga taong nahuhumaling sa kanya. Guwapo siya, oo, at hindi ko iyon itatanggi ngunit kung ang ugali ang pag-uusapan ay hindi ko lubos na alam. Based on the tsismis ay mabait naman daw ito ngunit hindi ko lang sigurado kung totoo ba ang mga sabi-sabi nila. Bago pa man ako maiwan ng mga studyante roon hallway ay umalis na ako. Lumabas ako sa building namin at naglakad na papalabas ng gate. Tumitingin-tingin ako sa paligid dahil baka makita ko si Hugo ngunit nabigo ako nang tuluyan na akong makalas ng gate ng school. Tumayo ako sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan. Habang naghihintay ako ng tricycle na madalas kong sakyan papauwi sa bahay ay may nakita akong tao sa hindi kalayuan sa puwesto ko. "Si Hugo ba 'yun?" Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin dito. Nakaupo ito sa waiting shed sa harap ng isang coffee shop at ilang saglit ay may pumarang magarang sasakyan at sumakay siya roon. Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa mawala na ang sasakyan sa paningin ko. Umiling na lang ako at iwinaksi iyon sa isipan. Hindi naman siguro s'ya iyon? At kung s'ya nga ay bakit s'ya sumakay sa isang magarang sasakyan? Bago pa man ako masiraan nang bait dito ay agad akong sumakay sa tricycle na huminto sa harapan ko. Sinabi ko kay manong driver ang address ng uuwian ko at agad na kaming umalis doon. Pagdating sa bahay ay nagbayad lang ako't agad nang bumaba. Pumasok ako sa tarangkahan ng aming bahay at naglakad na papunta sa pinto ng bahay. Binuksan ko ito at pumasok na sa loob. "Nandito na po ako!" may kalakasan kong sigaw. Inalis ang sapatos at inilagay iyon sa shoe rack sa gilid. Lumabas mula sa kusina si Mama nang marinig siguro nito ang boses ko. "Aki, nandiyan ka na pala. Halika at may niluto akong meryenda." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko't hinila na ako papasok sa kusina. Naabutan ko sa loob ang dalawa kong kapatid na nakaupo na sa hapag. May mga hawak itong tinidor na may nakatusok na turon. Umupo ako sa tabi ni Amie. Ginulo ko ang buhok nito nang tignan ako't ngumiti. "Kamusta ang klase niyo?" tanong ko sa dalawa. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanila. "Okay lang naman po Kuya. Marami po kaming natutunan," sagot ni Anie. Kambal silang dalawa at parehong babae. Hindi sila magkamukha kaya hindi mo malalaman agad na kambal pala sila. Parehong may bangs at singkit ang mga mata. "Mabuti naman kung gano'n. Wala na bang nambu-bully sa inyo?" tanong ko pa. Kumuha na rin ako ng tinidor at tumusok ng turon. Kinagat ko iyon bago ko sila tignan ulit. Noon kasi ay halos tampulan silang dalawa ng mga masasakit na salita. Sa kadahilanang walang tumatayong ama sa amin. Namatay si Papa dahil sa sakit nito. Wala kaming pera kaya hindi namin siya naipagamot. Kaya't si Mama na lang ang tumatayong Ina at Ama sa aming magkakapatid. "Wala na po Kuya. Kasi sinusumbong po namin sa teacher. Pero iyong isa naming kaklase na anak mayaman ay masungit po sa amin," ani naman ni Amie. Kumunot ang noo ko. "Sino ba iyang masungit na 'yan?" "Hades po iyong pangalan n'ya Kuya. Bagay na bagay sa kanya dahil sa kanyang ugali!" naiinis na turan ni Anie. S'ya kasi ang matapang sa kanila dahil siya ang ate. Bumuntong-hininga ako. "Hayaan n'yo na lang 'yun. Kung sasaktan niya kayo ay magsumbong kayo sa teacher. Gano'n talaga ang mga ugali ng kulang sa aruga." Tumawa kaming tatlo. "Kayo talagang mga bata kayo. Ubusin niyo na iyan at magpalit na kayo para matulungan niyo akong maghanda ng hapunan," sabi ni Mama. Nakikinig pala ito sa usapan namin. Humiga na ako sa aking kama pagkapasok ko. Kakatapos lang din naming kumain at ang kambal ang s'yang naghuhugas ng mga plato. Tumingin ako sa kisame at biglang pumasok sa isipan ko si Hugo. Ang guwapo nitong mukha, may matangos na ilong at magandang hugis ng labi. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng magkabilang pisngi nang mapalitan ang imaheng pumasok sa isipan ko. Ngunit agad ko itong iwinaksi at mabilis na bumangon. Tumayo ako at lumapit sa study table ko. Binuksan ko ang laptop ko't pumunta sa aking social media account na walang friends. Pati rito ay wala akong kaibigan. Nagpunta ako sa search bar at pinindot ang search history na nasa una at nagloading ito. Ilang sandali lang ay nasa kanyang f******k page na ako. Umabot na sa halos isang milyon ang followers ng f******k page ni Hugo. Hindi ko alam kung s'ya ba ang gumagamit nito dahil halos lahat ng naka-post at stolen shots n'ya sa school. Agad ko rin namang isinara ang laptop ko matapos kong patayin ito. Bumalik ako sa kama at nahiga roon. Iniisip ko kung papaano ko ba makikilala ng lubos si Hugo. Napaka-misteryoso n'yang tao. Katulad ko kasi ay wala rin akong nakikitang palagi nitong kasama sa school. At tuwing uwian na'y hindi na s'ya mahagilap sa University. Hugo Hidalgo, iyan lang ang tanging alam ko tungkol sa kanya. Kung sino siyang tao? Iyan ang pinakamalaking tanong sa buhay ko. Bago pa man ako makatulog ay isang paraan ang pumasok sa isipan ko. Paraan na sa tingin ko'y makakatulong sa akin upang kilalanin ko ito ng lubos. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

NINONG III

read
364.7K
bc

NINONG II

read
619.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook