Chapter 2

1583 Words
Aki's Point Of View Nakatulala ako habang pinagmamasdan ko ang professor namin. Hindi ako naka-focus sa kanya dahil ang isip ko ay nakatuon kay Hugo. Hindi naman s'ya mananakop pero sinakop n'ya buong pagkatao ko. Lahat ng p'wede kong isipin tungkol sa kanya ay inisip ko na. Baka sindikato ito o agent na nandito sa school para mag-imbistiga. Baka isa s'yang anghel na bumaba sa lupa para manguha ng mga kaluluwa. "Hoy! Wala kang balak na lumabas?" Napabalik ako sa realidad at tumingin dito. Kumunot ang noo ko dahil kinakausap ako nito. "K-kinakausap mo ako?" nagtatakha kong tanong. "Malamang kasi palagi ka na lang natutulala!" Pinaikutan n'ya ako ng mga mata. "P-pero bakit mo 'ko kinakausap ngayon?" tanong ko pa. Hindi ako makapaniwalang isa sa mga kaklase ko ang kausap ko ngayon. Bigla nitong sinabunutan ang buhok ko pero mahina lang ito. Masama n'ya akong tinignan at inirapan. Napakamot ako sa buhok ko. Hindi naman ako nasaktan sa pananabunot nito dahil mahina lang naman ito. "Ewan ko sa 'yo, Akierra Velasco!" sabi nito. "Kilala mo pa ako?" Tumingin ito sa akin at mas lalong sumama ang tingin n'ya. "Malamang! Magkaklase kaya tayong dalawa at saka magkagrupo sa activity na sinabi ni Misis Simbulan kanina. Hindi ka kasi nakikinig!" Pinigilan ko na ito nang akma n'yang sasabunutan muli ang buhok ko. "Okay! Sorry na. M-may iniisip lang ako," sagot ko. Totoo naman talagang may iniisip ako at si Hugo iyon. "Oh siya! Tara na sa canteen!" Inayos na nito ang mga gamit n'ya at tatayo na sana pero mabilis ko siyang pinigilan. Kaya napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo. "Bakit?" "S-sasama ako sa 'yo?" tanong ko. Hindi ko kasi s'ya naiintindihan ng lubos. Malay ko bang niloloko lang ako nito. Bumintong-hininga s'ya. "Ano bang problema mo? Ako na nga itong nakikipagkaibigan para sana mas madali natin matatapos ang project. Tapos ikaw ang hirap mong kausap!" Ramdam ko ang inis sa boses nito. "Nakakapagtaka lang kasi dahil sa tagal-tagal ko nang nag-aaral dito. Ikaw pa lang ang s'yang kumakausap at makikipagkaibigan sa akin," pag-amin ko. "Eh, kasi naman sinong makikipag-usap sayo. Palaging malalim ang iniisip mo at saka iyang mukha mo ay parang masungit ka." Tinuro pa nito ang mukha ko. Napakamot na lang ako sa ulo. "P-pasensiya na," ang nasabi ko na lang. "Oh, siya sige. Hayaan na natin iyon basta sasam kana sa akin para magkapalagayan tayo ng loob," aniya. Tumango lang ako bilang sagot at matipid na ngumiti. Natutuwa ako dahil sa wakas ay may taong gusto nang kumausap sa akin. Hindi katulad noon na para akong hangin sa kanilang mga mata na hindi nila nakikita. Ramdam nila ang presensiya ko ngunit ang kabuuan ko'y katulad na katulad n hangin. Tumayo na ito at naglakad na papalabas ng pinto. Mabilis ko namang niligpit ang mga gamit ko't tumayo upang sundan na siya papalabas. Naabutan ko ito sa labas at sumabay sa kanya sa paglakad. "Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung papaano ko s'ya tatawagin. Baka magalit kapag tinawag ko s'ya sa kung anong pangalan. Tumigil ito at tumingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. "You don't know me?" Umiling ako. May mangilan-ngilang akong kilala sa mga kaklase ko, iyong mga palaging tinatawag sa klase kapag papasagutin. "Minerva Alawi pero tawagin mo na lang ako Mina," sabi pa nito. "Sige, Mina. Tawagin mo na lang din akong Aki," sagot ko. Ngumiti pa ako kaya umiwas ito ng tingin. Sumunod na lang ako sa kanya nang maglakad na ito. Nakarating kami ni Mina sa canteen nitong building namin. Pumasok kami sa loob at may mangilan-ngilang studyanteng kumakain dito ngayon. May magkakasama at mayroon ding nag-iisa lang. Ako noon ay minsan lang akong pumasok dito dahil sa labas ako kumakain upang makatipid. Mura lang kasi ang mga tinda sa labas ng school university. "Maghanap ka na ng puwesto. Ako na lang ang pipila." Tumango ako at mabilis kong kinuha ang wallet ko. "You don't have to pay for the food. Since it is our first day being friends. I'll treat you na lang." Hindi ko na naituloy ang pagbibigay ko ng pera dahil agad siyang umalis sa tabi ko. Ang weird naman ng babaeng iyon. Kanina'y mukha siyang kwela pero ngayon nama'y parang ang taray-taray niyang tao. Napapailing na lang akong umalis na rin sa kinatatayuan ko upang maghanap ng puwesto. Nakahanap ako ng puwesto malapit sa bukana ng canteen. Umupo ako sa pangdalawahan lang na mesa. Inilibot ko ang paningin ko at lahat sila'y may kanya-kanyang ginagawa. "PAPUNTA RITO SI HUGO!" sigaw ng isang studyante nang pumasok ito sa loob. Kaya't dali-daling inilibas ng iba ang kanilang make up kit at nag-retouch. Ako nama'y pa-simpleng inayos ang sarili. Bumilis din ang t***k ng puso ko. Sa pinto lang ako nakatingin nang bigla itong magbukas at pumasok nga si Hugo. Napalunok ako. Ang seryoso ng kanyang mukha at ang pustura niya'y nakakaakit. "Ang guwapo n'ya talaga!" "Oo nga, beh! Sana anakan n'ya ako!" "Kahit kabit lang ako, beh!" Hindi ko pinansin ang usapan ng dalawang magkaibigan na malapit sa puwesto ko. Nakatuon ang atensiyon ko kay Hugo na naglakad papunta sa counter. Ang lahat ng mga mata'y nasa kanya. Hindi ba s'ya naasiwa na halos lahat kami rito'y nakatingin sa kanya? "Ehem!" Napaayos ako ng upo. Tumingin ako rito at muling sumulyap kay Hugo na kausap ang tindera sa counter. "Gusto mo rin s'ya?" Mabilis akong napatingin dito. Tinaas ako ng kilay ni Mina at inilapag ang binili niyang pagkain sa harapan naming dalawa. "A-anong sabi mo?" tanong ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito kanina. Kumuha ito ng fries at sinubo bago niya ako sinagot. "May gusto ka ba kako kay Hugo?" Pasimple akong tumingin kay Hugo ngunit wala na pala ito. Kaya pala tahimik na ang paligid. Ibinalik ko na ang tingin kay Mina. "W-wala," sagot ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "H'wag ka ng magkaila pa, Aki. I can see it in your eyes." Kinanta pa n'ya ang huling sinabi. "B-bakit ikaw, hindi ba?" Tumingin ako sa kanyang mga mata. Tumawa s'ya at kumain muli ng fries. "Hinding-hindi," sagot n'ya. "Bakit naman?" Kinain ko na rin ang fries na binili nito sa akin. "Salamat nga pala rito. Ililibre na lang kita kapag may pera ako," sabi ko pa. "Basta! Ang dami mong tanong." Inirapan ako nito. "Don't mind it. Basta matapos lang natin ang project agad." "Sige. Kailan natin iyon sisimulan?" tanong ko. "At ano pala ang project na gagawin natin?" Humarap s'ya sa akin at napabuntong-hininga. Wala s'yang nagawa kundi ang sabihin sa akin ang project na gagawin namin at ang araw kung kailan namin iyon sisimulan. Dahil bukas ay sabado, sisimulan namin ang introduction. Sinabi rin nito ang place kung saan kami magkikita. Tumango-tango lang ako bilang sagot. "Naiintindihan mo?" tanong nito matapos sabihin ang lahat-lahat. "Oo. Bukas ng 8.30am sa cafeteria malapit sa Casa de Luna condominium. Walang mala-late dahil malilintikan!" pag-uulit ko sa huli nitong sinabi. Nag-thumbs up ito at ngumiti. "Marunong ka pa lang makinig, Aki. Akala ko'y palaging lutang ang isip mo, eh." Ngumuso ako. "Ewan ko sa 'yo. Palagi mo na lang iyan sinasabi sa akin!" Tumawa lang s'ya at nag-peace sign. Itinuon na lang namin ang mga sarili sa pagkain dahil malapit na ang susunod naming klase. "Magbabanyo lang ako," sabi ko kay Mina matapos naming kumain. Tumango lang ito at sinabing mauuna na siya sa classroom. Dali-dali naman akong nagtungo sa malapit na banyo rito sa building namin. Pumasok ako sa loob at wala akong nakitang tao rito. Pumasok ako sa isang cubicle at doon ako umihi. Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Kaya nakakasiguro akong may pumasok na tao. Bumukas din ang pinto ng isang cubicle kung saan ito pumasok. "Wait for me there. I'll be there in 10 minutes. Okay?" Narinig kong sabi nang nasa kabilang cubicle. Inayos ko na ang sarili ko dahil tapos na akong umihi. Humarap na ako sa pinto at binuksan ito, na saktong bumukas din ang katabi kong cubicle. Napatingin ako rito at muntik na akong matumba dahil sa gulat. Hindi ako nito pinansin nang makita n'ya ako. Naglakad si Hugo papalapit sa lababo at naghugas doon ng kamay. Kinakabahan man ay pinilit ko ang sariling maglakad papunta sa harap ng lababo. Nagkunwari na lang akong hindi ko s'ya nakikita. Itinuon ko ang sarili sa paghuhugas ng kamay. "Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" Natigilan ako ng magsalita ito. Sobrang lalim ng kanyang boses na para bang nahihipnotismo ka nito sa tuwing nagsasalita s'ya. Ito pa lang unang beses na marinig ko itong magsalita. Tumingin ako sa kanya upang alamin kung may kausap ba s'yang iba ngunit nagulat ako nang nakatingin din ito sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Hindi na mapakali ang puso ko dahil malapit sa akin si Hugo. "I'm talking to you. Narinig mo ba ang sinabi ko?" may diin nitong pag-uulit sa sinabi niya. "H-hindi po!" mabilis kong sagot. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya dahil nakakatakot ang mga mata nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito s'ya makatingin sa akin ngayon. "Just to let you know, nuisance. Don't ever block my way or you'll suffer!" Iyon lang narinig kong sabi nito at iniwan akong hindi makapaniwala. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD