Aki's Point Of View Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa mahigpit na nakayakap sa baywang ko at sa malamig na hanging tumatama sa aking balat. May paminsan-minsan ding dumadamping mumunting halik sa aking batok kaya naimulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko. "Mmmmm, ang bango," bulong nito sa aking tainga at kinakagat-kagat pa. Humarap ako sa kaniya at nasilayan ko ang kaniyang mga ngiti. Sa tulong nang sinag ng araw mula sa bintana. Agad niyang hinuli ang labi ko kaya hindi ako agad nakapagsalita. Itinulak ko rin naman siya agad at tinakpan ko gamit ang kamay ko ang bibig. “Hindi pa ako nagsisipilyo,” sabi ko rito. Ngumisi naman siya at hinapit ako papalapit sa kaniya. “I don't care, I just wanted to kiss you every morning. Gusto ko pagkagising mo pa lang ay natiti

