Aki's Point Of View "Oh, bakit parang hindi ka mapakali riyan?" Umupo ako sa harap ni Mina nang makarating ako sa cafeteria. "Ah–eh, kasi ito." Inabot ko sa kanya ang papel na binigay ni Cain sa akin, 'yung member ng cooking club na gusto akong pasalihin sa club nila. "Wow!" Napatingin ako sa kanya. Inangat nito ang tingin nang mabasa niya ang nakasulat. "Bakit?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nababasa iyong nakasulat diyan. Ginawa ko lang excuse iyan para 'di nito mapansin ang kaba ko. Kanina pa ako kinakabahan nang makita ko si Hugo na masama ang tingin. Hindi ko alam pero may masama akong kutob sa tingin nito, kung ako man ang tinitignan niya. Naguguluhan ako dahil ano'ng ginagawa niya sa building namin? Nasa kabila ang building nila. "Wala lang, trip ko lang." Pinaikutan ko siya ng

