PROLOGUE
“Hala! Ayan na naman yung killer takbo!”
Bakit kaya ganito ang tingin sa kanya ng iba sa lugar nila? Bakit ang bilis ng mga taong husgahan siya?
Lingid sa kaalaman ng lahat, ay siya ay isang mapagpanggap. Takot siya sa mga taong gusto siyang tulungan dahil nasira ang tiwala niya.
“Tsh, kaya ayoko sa mga bata.” At dumukot sa bulsa niya. Inilapat ang yosi sa labi niya at sinindihan ito gamit ng kanyang lighter. Bumuga siya ng usok at tiningnan ang direksyon kung saan ang mga bata ay nagtatago na nakatingin sa kanya. She smirked while staring at them. Ang isang bata naman ay tumakbo pauwi ng bahay nila, at nagsunuran ang iba netong kalaro.
Sa kabila ng matapang na awrang pinapakita niya, sa tuwing lumalabas siya at humaharap sa mga tao ay di maaalis ang katotohanang isa lamang itong maskara.
Isa lamang siyang normal na tao at teenager na hindi makausad sa traumatic na nangyari sa kanya noong bata siya.
Tumingin siya sa kalangitan at bumulong sa hangin.
“What a nice view and a nice day to die..”..
Ang pagiging matapang sa harap ng iba, ay coping mechanism lang niya. Sa tuwing umuuwi siya at siya nalang mag isa ay iiyak siya na parang batang nangungulila sa isang ina. Sinisisi niya ang mundo sa lahat ng sakit na nararanasan niya.
Madami siyang mga tanong sa isipan na gustong sagutin.
Naniniwala siyang malas siyang tao at hindi dapat siya ipinanganak sa mundo. Naniniwala siyang isa lamang siyang pagkakamali.
Minsan ay naiisip niya naring magpakamatay para maging masaya ang mga tao sa paligid niya. dalawang beses niya na itong ginawa. Noong una ay magbibigti sana siya, pero biglang naputol ang tali na ginamit niya. Naglaslas din siya sa pulso niya pero himalang nabuhay siya dahil bumisita ang tita niya non na halos himatayin nang makita siya.
Ngayon ay nagbabalak ulit siya na gawin ito. “Goodbye, cruel world.” Sambit niya.