ZEUS POV Mabilis akong lumihis ng lipad upang magtungo sa Bluewniah Kingdom. Kailangan kong maisakatuparan ang dapat kong gawin bago mahuli ang lahat. Agad akong bumaba ng makita ang malaking tarangkahan patungo sa kaharian. Malinis ang paligid at may dalawang anghel na nagbabantay sa labas nito. Agad kong sinabi sa kanila ang aking nais ngunit hindi sila nainiwala sa akin. Uminit ang aking ulo dahilan upang sumigaw ako. "Papasukin nyo ako! Hindi n’yo ba ako kilala? Pakiusap papasukin nyo ako dahil kailangan ko ang tulong nyo,” nagmamakaawang pakiusap ko sa kanila ng bahagyang kumalma ang aking pakiramdam. Hindi ko sila maaaring sindakin dahil baka lalong hindi lang ako makapasok sa kaharian. "Anong kinalaman namin diyan sa pinagsasabi mo? Bakit mo kakailanganin ang aming tulong?” n

