EINDY POV Ramdam ko ang pagtusok ng palaso sa aking katawan. Agad na nanlabo ang aking paningin at nahirapan akong imulat iyon. Nanghihina din ako dahilan upang tuluyan akong tumigil sa paglipad at bumagsak. Hindi sana ako matatamaan kung hindi ako muling tumingin kay Ravena. Lahat talaga ay gagawin ng bruhang iyon upang magtagumpay siya na makuha ako. May kung anong likido ang tila nanunuot sa aking ugat dahilan upang lalo akong masaktan. Narinig ko pa si Zeus pero mas mabuting mauna na sya at pangunahan ang mga kawal doon. Hindi ko alam pero kahit na naging ganun s’ya ay magaan pa rin ang loob ko. Hindi ko inaakala na isa din pala siya sa aming kaharian. Hindi ko na talaga kaya dahil sobra akong nasasaktan ngayon. Narinig ko pa ang nakakatakot na tawa ni Ravena bago ako tuluyang naw

